Chapter 21

2.3K 91 1
                                    

"Who am I going to meet?"

Kasabay nun ay ang pagpasok ng isang lalaking may katandaan na pero kita ang kabagsikan sa tikas nito.

Tumayo sa kinauupuan si Mrs. Laxel.

"Darling, there you are!" Sinalubong ito ng ginang ng yakap.

Siya naman ay awtomatik na napaayos ng upo habang si Mr. Laxel naman ay pumwesto sa katapat niyang upuan. Tiim siya nitong tinititigan, pero wala dito ang kaniyang atensyon.

Ilang beses siyang napalunok nang papalapit ng papalapit ang kakarating lang na lalaki.

This man is not familiar with her, but his resemblance to the man she face to almost every damn day gave her an utmost fear. Ngayon alam na niya kung kanino nagmana ang kaniyang boss.

The way he walk, the expression of his face and most of all, his alikeness to every features of Mr. Chamber Laxel.

Umupo ito sa nag-iisang upuan sa dulo ng mahabang mesa at nanginig siya nang mapansin na tinitignan siya nito ng matiim.

Ang uri ng tingin na parang sinusuri pati kaluluwa mo. Kung pwede nga lang i-background check siya at pati yung what's on my mind niya eh nagawa na nito siguro.

Kung nakakamatay lang ang klase ng titig na'yun, paniguradong double dead na siya. Maliban dito eh may isa pang pares ng mga matang kung makatingin sa kaniya ay para siyang nakakadisgustong peste na umaaligid sa kanilang hapag-kainan.

"Ehem. So darling, this is Yura, siya ang sinasabi kong kailangan mong makilala. She's pretty, isn't she?" Basag ni Mrs. Laxel sa muntik nang nakakailang katahimikan.

Nginitian niya ito ng bahagya. Pero sigurado siyang ngiwi ang kinalalabasan niyon.

"Glad to meet you, Ms. Yura." Seryosong saad nito na halos hindi gumagalaw ni isang muscle sa mukha nito.

Wow, glad. Very, very glad talaga.

"By the way, I'm Khartbane Laxel. You can call me tito Bane and..." Bahagya itong nag-lean sa mesa at nanliit na mga matang sinuri siya nito.

Kapagkuwa'y... bigla itong ngumiti ng malapad hanggang abot tenga na muntik nang ikaluwa ng mata niya. "Welcome to our home!" masigla nitong sabi sabay taas ng dalawang kamay nito na parang wini-welcome nga siya.

Siya naman ay napatanga. Para siyang na stuck in a moment sa nasaksihan.

TANG.GA.LA.

"Well, hija? Are you okay?" Tanong ni Khartbane habang nakangiti pa rin.

"Ho? A-ah, opo h-hehehe." Sunud-sunod na tango niya at wala sa sariling pinudyot ang kutsarang may lamang Caviar saka sinubo.

"Good! So I heard, you work for my son, corect?" Tanong ulit nito habang nagsisimula na ring kumain.

Ngumiti siya. "Opo."

"Hmm." Tumango-tango ito. "Did you know you are the only woman Chamber brought in here?"

Nabitin ang pagsubo sana niya dahil sa narinig.

"Tss. It's mom who dragged that woman here." Depensa naman ni Mr. Laxel. Nakasimangot ito habang halos hindi nagagalaw ang pagkain.

"Still, son." Tumawa ang nakakatandang Laxel habang pailing-iling pa.

"They look good together, right?" Bulong ng ginang sa asawa nito pero dinig naman nila ni Mr. Laxel.

Psh. Look good together? Kung alam lang ng mga to kung gaano nakakainis tong anak nila eh. Sarap tuktukan sa anit.

And the interrogation went on. Sunud-sunod ang pagi-interview ng mag-asawa sa kaniya. Pakiramdam niya tuloy para siyang naha-hot seat ni tito Boy.

Master of Assassins (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon