Chapter 29

1.1K 47 33
                                    

Matamis akong nakangiti habang tila tuod sa tabi ko si Shin na akala mo naman hindi marunong bumayo nong gabing hindi nito matiis ang magandahan ko.

"Napakaganda mo talaga hija. May gusto ka bang kainin? Magluluto ako ng Paella at kare kare. Naku paborito ni Shin iyon!" Masayang kwento ng Mommy ni Shin.

Halos alalayan nila akong maglakad ng papasok kami ng bahay. Medyo madismaya tuloy ako lalo ng tinapik lang balikat sa balikat si Shin ng Daddy nya. Kaya pala demonyito itong si Shin. I twitched my lips in irritation.

How spoiled.

Sana i-pat din ako nila Mommy at Daddy kapag nalan nilang buntis ang bunso nila. "Thank you po Tita." Nakangiting sagot ko sa Mommy ng Shin.

Maaliwalas ang mukha ng mag-asawa at walang aura na namana anak nila rito. Siguro yong mukha ni Shin nong pinanganak eh yong mga meme na nakikita sa sa facebook.

"Ayusin nyo muna ang mga gamit nyo sa kwarto. Tatawagin ko kayo kapag handa na ang pananghalalian."

Gusto kung itutop ang aking kamay sa bibig dahil napaka accomodating ng Nanay ni Shin. Bakit kaya lumaking bugnutin at gusto ng sakit sa katawan ang anak nila? Kung makaasta kasi yon parang may malalim na pinaghuhugutan.

"Maraming Salamat po." Magalang kung sagot at  tinignan si Shin.

Kausap nito ang Daddy nya at mukha naman walang sapakan na magaganap. Nadisappoint tuloy ako. Akala ko pa man din madrama ang magiging tagpo.

Mukhang napaghandaan ni Shin ang mga magulang nya. Nakatikwas ang maganda kung labi at nilapitan sya. Umalis kasi ang Daddy nito at nginitian ako. "Alam na ng magulang mo na buntis ako?" Hindi ko mapigilan naasar. Ang boring naman nito.

"Yeah." Bored nitong sagot.

"Ay? Hindi ka sinaktan?" Dismayado kung usal. Easy peasy lang ba ang malaman na nakabuntis ang anak nilang lalaki?

Pero kapag babae napaka bigdeal? May pa-drama drama pa ang magulang na hindi na pag-aaralin ang mga anak? Siguro ako tatanggalan ako ng mana para madrama.

Hindi nya ako sinagot at nilayasan nalang ako bigla. Halos tumirik ang mata ko sa inis bakit ang suplado ng batang ito. Kung makaasta akala mo sya ang naagrabyado. Hindi man lang nya ang naisip na ang swerte nya sakin. Malalahian nya ng mapakagandang lahi!

Sumunod ako ritong nakataas kilay. Iyong tipong aabot na sa anit ang arko. Simple lang ang bahay nila pero ang lawak ng bakuran. Feeling ko di naman nagamit iyong bakuran para paglaruan ng paslit na si Shin. Mukha kasi itong hindi nagi-enjoy sa buhay. Kaya siguro ng matikman ako aba napabulalas nalang bigla sa loob ko.

"Kakaloka." Mahinang usal ko at walang imik na sinundan ito.

Nakangusong pinagmasdan ko ang paligid. Kung nasa tama akong katinuan ay baka maukray ko ang bahay nito kaso nagtimpi ako baka mabwesit na naman ito sakin at ibalik ako sa dating pinagtirhan.

Nagtaasan lahat ng balahibo ko sa katawan ng maisip kung gano karumi ang lugar na iyon. Like nadikitan na ako ng nagkakapalang alikabok! Like doon nabuo ang panganay ko! Pano ko ibibida kung saan nabuo ang anak ko? Alangan sabihin ko ganon kami ka wild at nagtry kami sa ganong lugar?

Pwede nemen... Basta ipa-experience nya ulit sakin kung pano bumuo ng baby.

"Shin.." Ungot ko. Kinagat ko ang labi at dahan dahang umupo sa kama nito. Simple lang ang kwarto nito at halos puro libro.

Mas lalong nagdikit ang kilay ko ng may nakikita akong babaeng figures sa tabi ng computer desk nya. Bakit parang nakatirik ang mata nong babaeng figures? Atubli kung hahawiin sana swivel chair si Shin pero nagbago ang isip ko. Nagpakandong nalang ako sa kanya! I can feel it uuh!

Carrying The Demons ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon