" ELIJAH GREGG, CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEETEASER
"Humanap ka ng lalaking hindi marunong kumain Janina Khate." Ang madalas niyang marinig sa pamilya niya.
Edukadang tao, malambing, palabiro kung biruan lang din ang usapan. Seryoso pagdating sa trabaho. Mayaman, hindi maipagkakailang may pinagmanahan lalo na kung sa talino lang din ang pag-uusapan.
Takot mambasted! Laging pinagtataguan ang mga manliligaw kaya't laging nasa Espanya kung saan naninirahan ang panganay niyang kapatid.
"Ah wala akong pakialam sa kanila kuya hindi ko sila sinabihang ligawan ako." Lagi niyang sagot kapag sinasabihan siya nitong baka balikan siya ng mga pinagtataguan.
Okey na sana!
Kaso....
Kababae niyang tao, pero hindi siya marunong magluto. Pritong itlog na nga lang ay masusunog pa!
"Paano ka mag-aasawa niyan anak? Aba'y talo ka pa ni bunso pagdating sa kusina ah." Bukambibig ng daddy nila.
Ah! Basta wala siyang hilig sa kusina. Kahit ano na lang basta makakain siya!
Elijah Gregg, the master of their own martial arts gymnasium pero mas hilig ang magluto kaya't wala ding nagawa ang mga magulang ng nagpatayo ito ng sariling restaurant sa mismong tabi ng gymnasium.
Magsasangga ang landas ng isang hindi marunong magluto at chef cook.
ABANGAN ang isa na namang bunga ng malikot kong imahinasyon. At lagi ko pong ipinapaalala na wala po itong katotohanan at mas lalong walang kinalaman sa mga tunay na pangyayari sa buhay kaya't kung may kahawig man ito sa mga pangalan, lugar at pangyayari'y ipagpaumanhin n'yo na lang po. Salamat.
BINABASA MO ANG
ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)
Ficción GeneralGeneral Fiction/ Romance/ Drama