Prologue

53 3 2
                                    


PLAGIARISM IS A CRIME

Prologue:

"Dapat makita niya na mas maganda ka keysa doon sa kung sino man na chakang ipinalit niya sa'yo." Anang kaibigan ko habang hinahaplos niya ang aking likod para bigyang comfort ako. Kahit na anong gawin kong pagpigil sa nararamdaman ko ay hindi ko kaya. Mas nangingibabaw pa rin ang sakit, dulot nang pakikipaghiwalay saakin ni Richard. "Tahan na bakla!" Dagdag pa niya.

Oo, isa akong bakla na isa rin sa nangangarap na matagpuan ang pagmamahal na matagal ko nang hinahangad pero siguro nga limitado lang ang mga baklang gaya ko na makahanap ng trulaley na lovey. "Bakla! Mahal na mahal ko siya hindi ko kayang pakawalan siya." Ang kaninang tahimik na pag-iyak ko ay mas lalo ko pang pinalakas.

"Bakla! Tama na iyong pagdadrama mo kanina. Huwag mo na sobrahan pa." Aniya Nikka sa mahinang boses kasunod ay ang sunod sunod na pagkatok sa pintuan. Napatahimik ako sa pagiyak at nagkatinginan kami ni Nikka. "Sabi ko na nga ba bakla. Nanjan na naman si Aling Pichay. Ayan aatake na naman siya dito dahil sa sobrang kaOAhan mo." Aniya at mabilis na lumapit sa pintuan.

"Naparito po kayo?" Painosenteng tanong ni Nikka.

"Walang araw na hindi kayo nireklamo ng mga kapit-bahay niyo saakin simula pa lang noong bago kayong tira rito ng kaibigan mo." Seryoso ang boses na sagot ni Aling Pichay. Tumayo ako at pinunasan ang luha at inipit ang nagkalat na buhok saaking mukha sa aking tenga.

Naabutan kong nakatingin ang bestfriend ko sa kamay ni Aling Pichay na nakalahad. "Ano po iyan?" Naiilang na tanong ulit ni Nick na naging dahilang nang pag-laki ng butas ng ilong ni Aling Pichay.

"Hoy mga sirena. Ang usapan natin kada buwan ako magsisingil nang bayad."

"Teka lang aling Pichay. Mukhang hindi naman po ata tama iyon. Kababayad lang namin noong isang linggo ah." Pagsali ko sa usapan.

Sinindihan naman niya ang sigarilyo na kanina'y nakaipit sakanyang tenga.

"Hoy, kung makapagreklamo ka jan akala mo napakalaking halaga ng binabayad niyo saakin. Renta lang iyan ng bahay paano pa kaya kung isama natin ang tubig at kuryente."

"Aling Pichay naman." Nakangiting panlalambing ni Nikka kay Aling Pichay.

"Out your hands to me." Aniya nang akmang hahawakan ito ni Nikka.

Napatingin saakin si Nikka. Nagpipigil ng tawa. "Taray, may paenglish effect pa." Bulong pa nito saakin at muling ibinaling ang tingin kay Aling Pichay. "Aling Pichay. Sige na. Pag-usapan naman natin 'to, Oh."

Bumuntong hininga si Aling Pichay. "Kung hindi niyo kayang bayaran ang pinag-usapan natin, wala akong magagawa kundi ibalik sa inyo ang mga perang ibinayad niyo saakin at nang mapaalis na kayo rito." Tiningnan niya kami isa-isa. "Mas mabuting pagkakitaan ko ang kuwartong ito sa malaking halaga, wala sa kalahati ng pinagbabayad niyo saakin." Lumayo na ito saamin.

"Grabe talaga ang matandang iyon." Aniya Nikka at Isinara ang pinto pagkaalis ni Aling Pichay. "Pero bakla. Paano na tayo? Ano nang gagawin natin kung sakali mang umabot tayo sa puntong iyon. Wala na rin tayong pera baka mapaalis na tayo ng tuluyan rito." Bumalik kami sa kinauupuan namin kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 28, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Promiscuous GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon