Naranasan mo na bang gumising kada umaga ng may ngiti sa mukha? Pano pag binawi sayo ang taong dahilan ng pag ngiti mo? Makakangiti ka pa kaya?
Yuna Seijin's POV:
Masaya ang bawat araw ko na kasama ko si Andrei. Araw araw puro surprises. Unlimited i love yous. Simula nung makilala ko si Andrei nagsimula na akong maniwala sa forever. Everything's so perfect for the both of us. He means everything to me. Until one day...
Flashback:
Nagluluto ako ng breakfast namin sa kusina nang dumating si Andrei.
"Hmmm.. Ang bango naman ng niluluto ng asawa ko." Sabi niya habang yakap ako.
3 years na kaming kasal ni Andrei. 3 years and still counting.
"Talagang mabango. Hahaha. Sige na umupo kana jan at maghahain na ako." Sabi ko.
Bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.
"A-aray! Y-yung ulo ko. Sum-masakit." Sigaw niya.
Muntik na siyang matumba. Buti nalang nasalo ko siya. Agad agad ko siyang dinala sa ospital. Napapadalas ang pagsakit ng ulo niya simula pa nung nakaraang buwan. Kaya nag aalala talaga ako. Pag tinatanong ko siya kung bakit madalas yung pagsakit ng ulo niya sinasabi niya migraine lang daw yun.
Dumating kami sa ospital, sinugod siya sa E.R. at ako, naiwan magisa dito sa labas.
Mga ilang oras pa, lumabas na yung doktor.
"Misis nasa ward na yung asawa mo." Sabi nung doktor.
"Ano pong nangyari sa kanya dok?" Tanong ko.
"Mabuti pa siya yung tanungin mo." Sabi nung doktor.
Umalis na ako at pumunta sa ward. Pag pasok ko nakita ko siya. Mugto yung mata.
"Umiyak ka ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi ah. Napuwing lang ako." Sagot niya.
"Patingin nga." Sabi ko at lumapit sa mukha niya.
Pero nagulat ako ng bigla niya akong niyakap.
"A-ano bang nangyayari sayo Drei?" Tanong ko.
"Wala. Masama bang yakapin yung misis ko?" Sagot niya.
"May problema ba? May hindi ba ako alam?" Tanong ko sa kaniya.
"Wala. Basta, tatandaan mo lagi na mahal na mahal kita ha. At kahit moody ka at makulit, mahal parin kita. Hangga't kaya ko, buong buhay ko papangitiin kita. Wala akong sasayangin na oras-" Naputol yung sinasabi niya.
Umiiyak na siya.
"Wala akong sasayangin na oras na kasama ka. Pangako yan. Mahal kita." Sabi niya habang nakayakap sakin at umiiyak.
Naiyak na din ako.
"Ano ka ba, kung makapagsalita ka parang iiwan mo na ako ah." Sabi ko habang humihikbi.
"Wala man lang bang mahal din kita?" Sabi niya na may tonong nagtatampo.
"Mahal din kita. Mahal na mahal. Kaya itigil mo na yung pagdadrama mo. Ganyan ba pag may migraine? Nagiging sweet?" Pangloloko ko.
"Date tayo?" Sabi niya.
"Hahaha. Sige na nga." Sagot ko.
Nagdate nga kaming dalawa. Natapos ang araw na yun ng napakabilis. Totoo nga ang sabi nila.
Time flies when you're having fun.
Lumipas pa ang ilang araw na dumadalas pa din ang sakit ng ulo niya. Pero sinasabi niya na migraine lang yun. Hanggang sa isang araw pagpunta namin ng ospital kinausap ako ng doktor.
BINABASA MO ANG
Together
Short StoryMinsan naniwala na ako na may forever. Pero binigo ako ng paniniwala ko. Isang bagay nalang ang pinanghahawakan ko ngayon. Ang salitang, 'Together'. Walang forever, pero may together.