"Please Imie, sayo na muna si Caez Ri, I'll go crazy! Kapag nakikita ko si Caez Ri parang pinapatay ako" sabi ng kanyang inang si Fatima.
Nakita nya kung paano humagulhol ang kanyang ina sa bestfriend nitong si Imie. Tila sinaksak siya sa nasaksihan. Binibigay siya ng kanyang ina, dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. Dahil iniwan sila ng kanyang ama. Tumulo na lang ang kanyang luha sa nakikitang kalagayan ng ina. Gusto nyang magmakaawa pero parang may sariling pagkatao ang kanyang bibig at katawan. Hindi siya makapagsalita hindi siya makagalaw.
Am I not worthy to be taken care of. Taken care of my own mother..
Malungkot na nakatunghay siya sa kanyang ina habang may mga luhang patuloy na lumalandas sa kanyang mga mata.
"Fatima! Anak mo si Caez River! Isipin mo ang anak mo. Kitang kita ka nyang pinamimigay mo siya?! Dahil lang sa nararamdaman mong sakit? Paano yung sakit na nararamdaman ng anak mo" sigaw ni Imie habang nakatingin sa kanya
Tumingin sa kanya ang kanyang ina. Bigla parang sinaksak siya ng patalim, naramdaman nya ang sakit na naramdaman ng kanyang ina.
Pero iniwan din naman ako ni Papa. Nasasaktan din naman ako.
Sa mura nyang edad masyadong mataas ang kanyang pang unawa. Pero ang sakit na nararamdaman niya ay parang panghabang buhay niya na pakiramdam
"Im sorry. Im sorry, Im going." umiiyak na sabi ng kanyang ina. Dali daling umalis ang kanyang ina.
Agad siyang pinuntahan ng Tita Imie niya.
"I'm sorry Caez. You're too young to experience this kind of pain. You know that your mom loves you so much right?" Niyakap siya ng mahigpit ni Imie.
Siguro nga hindi niya deserve lahat ng nangyari. Sa edad na 10 ay nakaranas siya ng napakasakit na bagay
••••••••••••••••••••••••••••••
10 years later...
"Malapit na tayo gumraduate Caez, Last year na natin. San mo balak magtrabaho?" tanong sa kanya ng kaibigan niyang si Jarizen
Graduating sila sa kursong Entrepreneurship. Isa siya sa naging honor student ng batch nila. Sa edad na 20 years old. Lumutang ang taglay niyang kagandahan. Pero ang pagkatao ay nababalot pa rin ng misteryo. Iilan lang ang kaibigan niya. Dahil simula ng tumuntong siya sa pag aaral hindi siya palaimik o bati.
"Kung saan meron" nababagot niyang wika. Naiinip na tinignan niya ang orasan. Sapagkat late na ngunit wala pa ang kanilang professor.
"Siyempre diba may gusto kang pasukan ng trabaho? Saan mo gusto?" mapilit na wika ni Jarizen. Nababagot na tinignan niya ito. Hindi nya alam kung paanong naging kaibigan niya ito dahil sa kung gaano siya katahimik ay siyang ingay nito.
"Hindi ako naghahangad ng bagay. kung ano ang dumating at mangyari ay siyang tatanggapin ko. Ngunit hindi din ako tumatanggap ng mga bagay na umalis na."
Sumimangot si Jarizen, na bigla din nawala ng dumaan ang hinahangaan niyang guro.
"Sir! Gagraduate nako. Pwede mo nako ligawan"sigaw ni Jarizen sa kanilang dating guro.
Napapailing na iniwan niya ito. hindi lingid sa kaalaman ng nakararami ang pagkakagusto nito sa guro. Kunsabagay limang taon lang ang agwat nila sa naturang guro. Agad siyang bumili ng paboritong inumin ng kanyang ina. At nagmamadaling umuwi.
I bought you your favorite drink. love you Mom
Tinext niya ang kanyang ina.
Sumakay na siya ng taxi papunta sa kanila.
YOU ARE READING
Fall Into A River
RomanceIsang ngiti. Ikalawang ngiti.. Ikatlong ngiti... Sige, susugalan na kita