****
[Lexine's Point of View]
"J-Justine.." mahinang wika ko sa pangalan niya.
He hugged me tighter. "God! Why are you being like this? Damn, girl." wika niya at dahan-dahan akong ihiniwalay mula sa pagkakayakap niya. Tinitigan niya ako at mahina at maingat na hinaplos ang pisnge ko. At hindi na ako nagulat sa susunod niyang ginawa. He kissed my forehead.
Inalalayan niya naman ako na umupo sa isa sa mga upuan dito sa Dining namin. Agad niyang kinuha ang tubig ng baso at ang gamot ko. Ininom ko naman yun kaagad. Hinipo niya din ang noo at leeg ko at napapikit siya nang maramdaman na napakainit ko. Mataas pa ang lagnat ko.
"P-Paano ka pala dito n-nakapasok?" mahinang tanong ko. Lumuhod naman siya sa harap ko upang maging magkalevel kami kasi nga nakaupo ako.
Inipit niya sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok ko. "Your guardian and Auntie let me in." anito. Napakunot ang noo ko. Bakit pumayag kaagad si Tita? Hindi basta-bastang nagpapapasok dito si Tita sa amin lalo na at lalaki.
"P-Paanong— a-anong ginawa mo?" hindi pa rin makapaniwalang sagot ko.
He smiled. "No comment." atsaka siya tunayo at pumunta sa may kalan dahil parang may niluluto ata siya. Nakangiti ko namang tinitingnan ang likod niya. I can't believe this man. Talagang ipinagluto niya ako at pumunta siya dito? Para mabantayan ako? Ghad! I'm madly deeply falling inlove with this guy!
Maya-maya ay humarap na siya at kumuha ng mangkok. Napagtanto ko rin na sopas pala ang niluluto niya. Wow! Ako nga hindi marunong magluto ng kahit ano. Hanggang pagpiprito lang ako ng hotdog, bacon and egg tapos 'tong lalaking 'to, arg! Parang kahit saan magaling siya, eh!
Lumapit na siya sa akin at inilagay sa harap ko ang mangkok na may lamang sopas. Ngumiti naman ako. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Susubuan pa ba kita?" nang aasar na tanong niya. Sinamaan ko siya ng tingin pero tumawa lang siya. Natawa nalang din ako at nagsimula nang kumain at WOW! Ang sarap! Napakasarap!
Sandaling namagitan sa amin ang katahimikan na parang pati ang hangin ay nahiyang dumaan. Nagkakatinginan din kami pero ako ang unang umiiwas. Damn! Oo nga pala! Nakalimutan ko tuloy yung nangyari nung nalasing ako!! Shet! Bigla na naman tuloy akong nahiya!!
"Ahm, hindi ka pa ba uuwi?" kinakabahang tanong ko.
He shrugged. "I don't have plans leaving you here... alone."
Kumunot ang noo ko sa huling salitang sinabi niya. "Alone? Nandito naman si Nanay Josie, ah."
Umiling siya. "Wala siya dito. Nung pumunta ako dito ay papunta rin dito ang tita mo. May sakit rin daw ang anak ni tita mo at walang magbabantay. Sumama naman doon si Manang Josie kaya ako ang tagapagbantay sayo ngayon." mahabang litanya niya. Ah, ganon.
"Pero, b-baka hinahanap ka na s-sa inyo..." mahinang wika ko pero umiling lang siya.
"Nakapagpaalam na ako kay Mommy at si mommy na ang bahalang magsabi kay Dad." cool na aniya.
Napatango naman ako at tuluyan nang inubos ang sopas. Nagpaalam naman ako sa kanya na magbabanyo muna. Nagpresinta pa siya na samahan ako pero tumanggi ako. Nasa tapat na ako nang pinto ng CR nang matabig ng kamay ko ang painting na matagal nang nakasandal doon. Kumalat ang alikabok at nagsimula na ako ubuhin at nagsimula na ring manikip ang paghinga ko. Napaupo ako at patuloy na umuubo. Shit! Ang hika ko!
YOU ARE READING
Perfect Haters (COMPLETED)
Genç Kurgu"We both hate each other. We both don't want each other.. and we didn't expect us to love each other. Destiny is really playful."