Chapter 2

0 0 0
                                    

Paggising ko ay nasa sala na ako. Mukang nakatulog ako dito sa upuan, sumakit tuloy ung likod ko. Pero teka, paano ba ako napunta dito?

At doon ako naalala yung tungkol sa babaing multo. Agad akong nagpalingalinga pero wala sya sa paligid. Sinilip ko ang kusina pati yung C.R., ultimo ung ilalim ng mga upuan at lamesa. Pero wala talaga. Dun ko napagtanto na baka nanaginip lang ako.

Sakto namang kumalam ang sikmura ko. Alas sais na pala, at di pa ako nakapagluto. Kaya naman bumili na lang ako ng pagkain sa karinderia. Ipinagtabi ko na rin ng pagkain si ate dahil malamang ay taggutom yun pagdating nya.

Matapos kumain at maghugas ng plato ay naisipang kong simulan na ang sangkatutak na pahirap. Assignments. Hindi naman sa nagrereklamo ako dahil ayaw kong mag-aral. Sa katunayan ay mahilig talaga ako mag-aral, pero sino ba namang matinong tao ang gustong gumawa ng research, essay at report sa unang araw ng pasukan? Kung kayo trip nyo, ako hindi to the nth power.

Umakyat na ako upang magtungo sa aking kwarto. Ngunit agad kong napansin ang isang babaeng nakaputi at may mahabang buhok na nakatayo sa harap ng aking stante at nakatingin sa mga larawang naka display doon. Lalapitan ko na sana siya ng maalala ko yung panaginip ko. Agad kong tinignan ang kanyang mga paa at laking takot ko ng makitang lumulutang siya sa ere.

"Putek! Nananaginip ata ulit ako" di ko sadyang naibulalas. Sabay namang lingon nito papaharap sa akin.

"Gising ka na!" masiglang sigaw niya habang nagmamatapang kong sinabi sa kanya na "Hindi mo makukuha ang kaluluwa ko!"

Natawa sya sa sinabi ko.

"Ano ka ba, di ko kailangan ang kaluluwa mo. Maroon akong sariling kaluluwa" sabi nya habang tumatawa.

Naiinis na ako ha! Hindi ba titigil to kakatawa, saka kung makapagsalita kala mo naman nasa kabilang kanto yung kausap. Ang ingay!

"Kung hindi ang kaluluwa ko, ano ang kailanga mo sa akin?!" inis ko nang tanong sa kanya.

Napa ismid naman ito, "ano ba yan, ang sungit" pabulong nyang sabi at bago pa ako makapagreact, humarap sya sa akin at nagpatuloy magsalita "isa akong kaluluwa na nangangailangan ng tulong mo. Namatay kasi ako ng biglaan at di ko masyado maalala ang mga pangyayari. Basta paggising ko nasa isang magandang lugar na ako. Tapos nun may isang mataas na hagdan na parang hinihila ako para akyatin. Pero di pa man ako nangangalati ay hinarang na ako ni Mr. K dahil di ko pa nga oras" matimpi nyang paliwanag.

"At saan naman ako papasok para matulungan ka?" naguguluhang tanong ko.

Napangiti sya sabay sabing " yun na nga, nung hinarang ako ni Mr. K sabi nya di pa talaga ako patay. Nasa mahabang pagkakatulog lang daw ako. So nung sinabi kong naguguluhan ako bigla nya akong tinulak, pero nung akala ko malalaglag ako eh nagulat ako at nan dun na ako sa ospital tapos iniiyakan na ng nanay ko yung katawan kong maraming tubong nakasaksak."

"Paano nga ako nadamay?" inis ko ng tanong.

"Patapusin mo muna kasi ako" bulyaw nya sa akin. "So yun, nung tinanong ko paano ako makakabalik sabi nya 'kailangan mong matutunan ang pinaka mahalagang bagay dito sa mundo at kailangan mong maituro ito sa iba'" pinalalim pa nya boses nya. "At nung tanungin ko sya kung paano ko gagawin yun, ang sabi nya lang ay kailangan kong gumawa ng kabutihan, malalaman ko na lang daw bigla kung sinong tao ang tuturuan ko. Plus, malalaman ko kung sapat na lahat ng ginagawa ko kapag napuno ko nang laman ang boteng ito" sabay pakita nya sa akin ng bote nya.

"So, ang sinasabi mo eh ako ang taong tinutukoy natuturuan mo?" pag-uusisa ko.

"Yup!" mabilis nyang sagot.

"Sorry miss" sabi ko sa kanya "pero baka nagkakamali ka ng tinutukoy na tao kasi" itinaas ko ang aking daliri na tila nagbibilang "una sa lahat ay maayos ako at wala akong problema, pangalawa ay matigas ang ulo ko kaya malamang sa malamang eh susuko ka sa akin, pangatlo wala akong pakialam sa problema mo, at higit sa lahat eh masaya na ako sa buhay kaya wala ka nang kailangan pang itulong para mas makuntento pa ako" mahaba kong paglilista nang mga dahilan ko para tigilan nya na ako.

Lips of an AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon