AKO

13 0 0
                                    

Ako
Isang ordinaryo
Lumaki sa simpleng buhay
Lahat ng bagay  para sa akin ay makulay
Positibo sa lahat ng bagay
Mga bagay na ginagawa ko ay may saysay
Nang makilala kita isang araw
Lalong naging masaya ang aking araw araw
Pero sa una pa lang pinaramdam mo na
Na hindi ako ang iyong gustong makasama
Meron nang iba na sa iyong puso'y umookopa
Manhid na pakiramdam
Aking biglang naramdaman
Kasunod ay sakit
Na parang sa loob ko ay  may pumupunit
Matagal tagal bago ko natanggap ang lahat
Naisip ko na mabuti na rin na ikaw ay naging tapat
Hinahangad ko ang iyong kaligayahan
Nais ng puso mo sana'y makamtan.

Ako, Ikaw at Siya Where stories live. Discover now