Sa pagkakaibigan dyan masusubok kung sino yung totoo, yung di nang-iiwan. Yun bang pasok sa linyang "Umaraw man o umulan di sasablay." (Kanta ata yan ha? Boysen? Kaway sa mga nakaabot ng commercial na to. 😂) Korni. Hahaha.
Pero minsan di mo talaga maiiwasan yung mga taong dadaan lang sa buhay mo para sabihin na kaibigan sila pero mananakit at iiwan kalang pala. Meron naman kahit ang layo nyo sa isa't-isa sobra mo pa ding dama mo yung alaga. Meron namang kasama mo halos araw araw pero nanatili paring tunay at walang kapantay. Meron naman na kahit minsan mo lang makita pero pag nag-kasama-sama walang paglagyan ang saya.
Paano mo nga ba masasabi na nakabuo na kayo ng isang malalim na pagkakaibigan? Nasa lapit o layo ba yun sa isa't-isa? Nasa lagi nyo bang pagsasama o minsan lang? Ewan ko. Ang sakin kasi malayo man o malapit araw araw mang magkasama o hindi. Yung pagkakaibigan di yan nasusukat at nasa pagitan nyo lang ng inyong mga kaibigan kung ano ang tunay na kahulugan ng salitang "KAIBIGAN"
Sabi nila mas masakit ang pagtatapos ng pagsasama ng matalik na magkaibigan kaysa sa pakikipag-break sayo ng boyfriend o girlfriend mo.
Tama ba? Para sakin oo. Marami nang beses na umiyak ako ng dahil sa mga kaibigan ko. Dahil sa pataasan ng pride. Di pagkakaintindihan. Minsan pa nga I felt jealous towards other na mas madalas nilang nakakasama. OA ba? Wala eh di ko lang kasi sila kaibigan kundi kapatid.
Dahil ang pagkakaibigan ay hindi matutumbasan ng kahit ano mang bagay sa mundong ito. Once na nahanap nyo na ang TOTOONG KAIBIGAN? You'll be one of the happiest person in the world.
--------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hiiii! Maraming beses kong pinagisipan kung ipagpapatuloy ko 'to o hindi but as you see here I am. So hope you guys read and enjoy this :)