Can You Love Me Instead?

45 2 0
                                    

Kung ako nalang sana at hindi iba,
Sana ay hindi ka na nasasaktan pa.
Kung ako nalang sana at hindi iba,
Siguro, tayo ay laging masaya.

Bakit nga ba ika'y nasasaktan?
Hindi ba't pang-ilang beses na iyan?
Ilang beses ka nang sinukuan.
Sabi sayo, sana ako nalang.

Ako ay patuloy na aasa.
Dahil ramdam ko na meron na,
Meron nang namumuong pag-asa.
Pag-asa na wala naman pala talaga.

Wala naman pala kasi talaga,
Dahil ako lang naman ang umaasa,
Dahil ikaw ay paasa,
At dahil ikaw ay meron palang iba.

Unsaid FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon