CHAPTER TWO

670 31 10
                                    

" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER TWO

"Ahhh kung bakit pa kasi hanggang dito'y sinusundan ako ng mga buwesit na ito eh!" Ngitngit na sambit ni Janina. Siya ang pinapunta ng ama sa meeting sa Bontoc kaso sa kasamaang palad ay nandoon din ang mga pinagtataguang tao.

Ang mga manliligaw niya!

Kaya naman bago pa siya mahalata ng mga ito'y tumalihis na siya right after the meeting. Hindi na niya hinintay ang salo-salo. In her mind, dadaan na lamang siya sa bahay ng mga pinsan niya doon upang makikain kaysa naman tuluyan siyang mabuwesit. Kung kailan gutom na gutom siya saka pa may mambubuwesit sa kanya!

"Ahhh ang mga diyablo naman kasi eh!" Ngitngit pa niya.

Pero kung ang kamalasan nga naman nag humahabol sa isang tao kahit saan, kahit kailan. Sa pagmamadali niya'y hindi na niya napansin ang lalaking palabas din sa katabing building kung saan naganap ang meeting. Huli na upang umiwas dahil nagkabanggaan na silang dalawa!

Blag! Oh apo ka pa naman ni madam Lampa!

Sa liit niya'y halos tumilapon siya pero naagapan siya ng lalaking nakabanggaan pero ang hawak nitong papel ay lumipad.

"Saglit lang miss ang certificate ko." Mabilisang sabi nito sa kanya at nagmadaling tinungo ang nilapangan ng papel.

In her mind, dapat magalit siya dahil binangga siya! Este nagbanggaan sila pero hindi dahil napatitig siya sa lalaking parang napaka-importante ang papel na parang tao na hinabol pa nito. Aalis na sana siya dahil muling nasulyapan ang lintik niyang manliligaw kaso para namang hangin sa bilis ang nakabanggaan.

"Teka lang miss." Pigil pa nito sa kanya.

Luminga-linga siya upang siguraduhin kung wala na sa paligid ang mga pinagtataguang manliligaw saka hinarap ang lalaki.

"Hmmm mister alam kong nagmamadali ako kanina na hindi ko na napansin ang paglabas mo diyan kaya nga kita nabanga kaya't ako na ang humihingi ng paumanhin dahil sa nangyari. I'm sorry mister ha pero ako'y magpapatuloy na at may pupuntahan pa ako. Salamat din pala dahil hindi ako tumilapon dahil sa pagsagip mo sa akin. Sige na mister mauna na ako." Mabilisang sabi ni Janina saka muling ipinagpatuloy ang patakbong paglapit sa sasakyan niya.

In just a blink of his eyes!

Nawala na sa harapan niya ang babaing matagal na niyang inaasam-asam na makitang muli. Nakita na niya ito una sa tahanan ng mga Dela Rosa o sa lolo Amor ng pinsan niya later on narinig niyang hipag ng tinatawag nilang malditang may sungay. Sometimes he wants to believe in destiny dahil sa ilang beses nilang pagpunta sa Baguio kasama ang mga pinsan niya'y nakikita din niya ito lalo na ng dumating ang mag-asawang mau sungay at doctor galing Madrid. Hindi man siya lahing sumasama lalo kapag family bonding ng kabila ay nakikita pa rin niya ito pero ever na nalapitan. Hindi nga rin nalaman ang pangalan nito na nakahiyaan din niyang itanong lalo at alaskador man din ang may sungay.

"Hmmm halos mabali na ang leeg mo diyan master chef sino ba ang tininingnan mo diyan?" Tinig na pumukaw sa kanya.

"The apple of my eyes." Wala sa loob na sagot niya only to found out na ang pinsan niyang galing sa munisipyo ang nagsalita and it's too late to stop him dahil pinagbabatukan na siya nito

"Heh! Ano ba Dela Rosa stop that! Wala nga si sungit eh ikaw naman ang nambabatok eh." Kunway angil niya dito pero paraan lang naman niya iyun upang patigilin ito sa pambabatok.

"Heh! Ikaw ang manahimik Arellano kung gusto mong isakay kita pauwi lalo at alam ko namang wala diyan ang sasakyan mo." Sagot nito na hinablot ang hawak na certificate of completions ng culinary class.

ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon