Papasok o A-Absent?
Papasok...
Absent...
Papasok...
Absent...
*TING!
OKAY! Absent!
Bumangon ako at napangiti, hihi total friday naman eh absent nalang. Pupuntahan ko nalang si Nanay Sus bwahaha!
Time check 6:10 am.
Ganito talaga ako may friday sickness! Pero ngayon lang naman kekeke.
Nanalamin mo na ako bago tinungo ang pinto at buksan.
"Heloo gudmorneng--"
*Blag!*
Kakabukas ko lang sa pinto at agad ko ring sinara. Namamalikmata lang siguro ako. Kinusot ko mata ko bago hinay hinay na binuksan ang pinto ulit.
At nandon parin ang taong bumungad sa'kin.
"H-hehe h-hi fren." pekeng bati ko sabay pekeng tawa.
Madilim na ngiti lang ang isinukli nito sa akin bago hinagis sa mukha ko ang tuwalya na nakasabit sa labas.
"Bibigyan kita ng bente minutos, dapat ay tapos kanang maligo at magbihis." seryosong sabi niya. Naka ilang lunok ako habang tinignan siya.
Sinong hindi magugulat aber!
"At wag mo'kong tingnan ng ganyan Animel alam ko plano mo at kapag dika kumilos e, ako magpapaligo sayo."
At walang pasabi , agad kong tinungo ang banyo.
Ligo ligo, shampoo, kuskos sa katawan, banlaw ng tubig tas nagsabon. Hagisan uli ng tubig at tapos na. Lumabas akong nakatapis ng tuwalya. Kita ko naman ang bestfriend kong busy sa pagluluto.
My greatest panira ng moment!
" Wag mo akong titigan ng ganyan, mag bihis kana at kakain na tayo." kita mo na, kala mo may third eye eh!
Dinaanan ko siya habang nakatalikod siya sa akin at kaharap niya stove. Nag make face muna ako sa likod niya ng bigla nalang siyang humarap. Napahiya ako at agad nalang dumaritso sa kwarto para magbihis.
Wala na, papasok na ako.
Mabagal ang aking kilos habang nagbibihis ng school uniform. Nasuut ko na above the knee kong saya ng bigla nalang bumukas ang pinto.
"Gusto mo ako pa magbihis sayo." at pumasok ang maganda kong frenny.
"Ito na e, alis alis." May halong inis na sabi ko sa kanya.
Tinaasan pa ako ng kilay nito bago lumabas.
Haays, kahit papano lord nagpapasalamat ako at may anghel na dumating sa demonyo kung plano.
Lumabas ako ng kwarto at tinungo ang lamesa. Nakahain na don ang bagong luto na kanin at tuyo namay suka at scramble na itlog.
Hehe okay na din to.
"Ano kaya event natin sa darating na July no?" biglang tanong ni Ashian habang nasa kalagitnaan kami ng kain.
Ginalaw ko lang balikat ko at nagpatuloy sa pagkain.
"Oh well, mag me-meeting pa siguro kaming mga SSG officers."
At tinanguan ko lang din siya. Itong bespren ko pala kasali sa SSG as Grade 12 Representative. Medyo sikat to eh lalo na't maganda at matalino. Sana owel.
BINABASA MO ANG
Accidentally a Gangster
RandomVin D. Nyla Isang hamak na studyante lamang sa isang pampublikong paaralan. Pangarap lang naman nito ang makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Isang araw, may nagpadala ng sulat sa kanyang munting tahanan at nabalitaang may maga...