*Animel's POV*
Diba pag tuwing sabado ang sarap gumising lalo na't walang klase. Maglilinis ng bahay, maglalaba, magbabayad ng kuryente at tubig tas buong mag damag lang na magchi-chill.
Ngunit ibang Sabado ata ito para sa akin. Yung tipo, sana paggising ko Linggo na. Nakakatuwa kaya gumising tuwing sabado, pero parang ngayon lang na sabado hindi ko bet gumising.
Ang pangit lang kasi, paggising sa umaga agad babalot sa dibdib ang kaba. Napuyat pa ako kagabi kakaisip kung sisipot ba ako mamaya o hindi.
Alas diyes ng gabi?!! Oras paba yun ng mga minor de edad?! Tch! Masyado ng gabi iyon at natatakot akong lumabas. Pero saan nga ba ako matatakot?
But I shouldn't stress myself this morning, nakakasira yun ng beauty!
Agad kong pinagsasampal ang sariling pisnge bago mabilis na bumangon, at agad ring napahawak sa malapit na cabinet ng makaramdam ng hilo.
Litse..
It took a couple of seconds bago ako kumalma at napabuntong hininga.
Hindi ko dapat iisipin ang mga yon! ang importante matapos ko lahat mga gawaing bahay ko ngayon. Tapos!
TENEN.
Walis sa loob ng bahay, walis sa bakuran.
Agad naglalaba sabay sampay ng matapos.
Ligo.
Bihis.
Luto ng pananghalian.
Kaagad akong natapos sa aking mga gawain at kumain.
This El nina dela tuna paired with instant noodles and affordable rice make my tummy stuffy.
Matapos kumain, agad kung hinugasan pinanggamitang pinggan at natulog..
--------------
Nagising ako ng bandang hapon. Saksi ko ang pag-aaway ng kulay kahel at papadilim na kalangitan. Kaagad kong inayos ang sarili at kinuha ang sinampay sa labas. Pinagtutupi ko ang mga damit sabay lagay sa kabinet.
Time check . 7:30 pm.
"Saan kaya ako kakain.." mahinang usal ko sa kawalan. Wala kasing magawa at pagod akong magluto ng hapunan.
"Ahh! Punta nalang ako sa Kiwal! Tama.." nakingiting sabi ko sa sarili.
Agad akong nagbihis at hinayaan ang nakalugay na buhok sabay patong ng cap na bigay ni bespren.
Pumara agad ako ng jeep papuntang Kiwal. Madaming mga tao sa paligid habang dumadaan ang jeep na sinasakyan ko. Nadaanan narin ang school namin.
Gamit ang piso kong pera, ginamit ko itong pangpalo sa bakal ng jeep
*TING! TING! TING!
at agad namang huminto ang jeep. Eh sa nahihiya akong pumara eh, timing kasing nasa entrance ako ng jeep nakaupo dahil puno.
Bumaba ako at saka umikot para lumapit kay manong at ibigay ang pamasahi. Matapos nun ay umalis nadin ang jeep.
Tumambad sa aking ang bising daan sa Barangay Kiwal. Mga pagkainang ihaw sa gilid at marami ring tao. Bukod kasi dun, may 7/11 din kasi dito at maraming paninda. Minsan nga pag pyesta sa Barangay Kiwal may mga banda.
Pumunta ako sa isang kastilang paglaban o tinatawag na probenan, yung may kaunting tao lang. Yung nagtitinda ng chicken skin at kanin sa halagang limang peso.
BINABASA MO ANG
Accidentally a Gangster
De TodoVin D. Nyla Isang hamak na studyante lamang sa isang pampublikong paaralan. Pangarap lang naman nito ang makapagtapos sa pag-aaral at magkaroon ng magandang buhay. Isang araw, may nagpadala ng sulat sa kanyang munting tahanan at nabalitaang may maga...