Sa aking pag aaral madami akong natutunan...
........natutunang makibagay sa iba, mag-aral sa aking sariling pamamaraan, tumambay sa bahay ng aking mga kaklase pagkatapos ng klase, at ang hindi ko inaasahang pangongopya sa katabi. ito ang aking istoryang lubos na bumago sa aking buhay..
gusto mo pa bang ituloy ang pagbabasa? sige.. sabi mo eh :P
-------------
ako si ELSHA SANTIAGO BROCE
payat ako, tahimik kung minsan depende sa kausap :P , sabi ng iba misteryosa daw ako, mahilig ako magdrawing, kumanta paminsan, maglaro ng computer games at pagdating sa pag aaral madami ako napatunayan sa aking sarili. paano? eto..
nung Highschool ako, hindi nmn ako ganun kaseryoso sa pag aaral, madaming bagay ang bumabagabag sa akin.. nandyan sina CRUSH, mga gala naming magkakaibigan at kung anuano pa..
nung first year pa ako sinali ako ng teacher ko sa poster making.. unfortunately di naman ako nananalo .. masyadong magagaling ang mga kalaban ko..
pero ok lng magandang experience na din yun.. yung tipong pangkulay ko lamang noon ay simpleng krayola.. nakita ko yung sa kanila puro oil pastel..simula noon ay taon taon na ako sumasali sa poster making, bumili na din ako ng oil pastel na magagamit kong panlaban sa kanila..
nung 4th year na ako huling beses na sasali ako sa poster making, sa totoo lang nawalan na nga ako ng pag asa dun.. dahil di man lang ako nanalo o mapasama man lng yung gawa ko sa pag pipilian kung saan dinidisplay yung mga magagandang gawa sa stage...
kinausap lamang ako ng teacher ko noon na si mr.cervantes na sumali daw ako ulit.. tumango nalang ako, nakakahiya naman kasi tumanggi..kaya ayun sumali na din ako.. bumili ako ng illustration board sa school ..
sa totoo lang nakakatuwang sumalil sa contest na iyon.. kasi nakakaliban ako sa klase namin.. ganun ako kapilya pero di ko pinapahalata. hehe
... at nagsimula na nga ang contest.
ang theme ay tungkol sa education, nagsimula na ako gumuhit ng isang malaking mundo sa gitna.. at tsaka ko nilagyan ng isang cartoon character na si detective conan ..
biglang nag bell at lunch break na ng mga 1st year at 2nd year noon.. kya makikita nila kami na nagdadrawing.. madami ang mga estudyanteng dumadaan sa aking harapan.. at mga natutuwa sa nakita nila.. syempre mga bata kilala nila si conan .. yun nmn din ang nagbigay ng lakas ng loob sakin para galingan ko..
sabi nung isa..
"uyy!! tignan nyo si conan yun oh.."
di ko sila pinansin dahil may oras ang pag dadrawing.. pero sa loob loob ko natutuwa akong pinupuri ang gawa ko.. :))
natapos na ang oras na binigay sa amin.. pinasa ko na din ang gawa ko..
pagtapos nun sobrang sakit ng kamay ko sa pag kukulay.. pumunta na ako sa aming classroom, habang pinagmamasdan ko ang aking kamay na puro oil pastel..di ko nmn kasi matanggal ayoko magbasa nga kamay ko bka mapasma..
at inabutan ko ang klase namin sa filipino kung saan ang teacher ko ay kasalukuyang badtrip sa mga kaklase ko nung mga oras na yun..sinesermonan pla sila nun..
at derederetso lng ako pumasok sa aming classroom siguro dahil sa pagod ko, sumakit din kasi ang aking likod sa pagdrawing.. nakalupasay lng kasi kmi sa sahig habang nagdadrwing.. at pagpasok ko ... uupo na ko sa aking upuan..
at biglang tinawag ako ng aking guro sa filipino.. sumigaw sya at nagalit sa akin..
"hoy hoy ikaw! wala kang modo.. basta basta ka pumapasok na parang walang nakita! hala lumabas ka at kumatok ka!" --(bulalas ng aking guro.)
tumayo ako sa aking kinauupuan at lumabas habang iniinda ang sakit sa kamay at likod..
pagdating ko sa labas .. kumatok ako.. ayon sa sabi ng aking guro.. at sabay sabi ko na excuse me po mam. sorry po..
sabay upo sa aking upuan.
nagtinginan silang lahat sa akin.OO nakakahiya ang mga pangyayari pero anung magagawa ko.. ganun talaga ih.. mangiyak ngiyak ako noon pero pinigilan ko ang sarili ko..
para kasing napaisip ako na ito ba ang kapalit ng aking pagpapagod sa pagsali sa contest na iyon? Ang mapahiya sa buong klase? >.<
--pagkatapos ng aming klase..
sabi sakin ng isa kong kaklase na si jone..
wla ka naman kasalan, sadyang badtrip lamang si maam ng mga oras na iyon sa ating ibang kaklase, sayo lng nabuntong ang galit nya..
naiiyak talaga ako noon. pero inintindi ko nalang..
tapos na ang klase namin at agad akong bumaba upang tignan ang resulta sa poster making.. ididisplay kasi yung mga gawa na magganda sa stage..
laking gulat ko!! kasali ang gawa ko sa pag pipilian.. hindi man ako nanalo masya nako n napasama yung gawa ko.. isang malaking achievement ko na yun sa larangan ng pagdodrawing..
sa araw na iyon.. madami ako karansan.. napagod,napahiya,umiyak,umintindi at matuwa.. :)
kinabukasan...
naidisplay na sa stage ang nanalong gawa sa poster making..
oo alam ko namang hindi ako mananalo dahil nakita ko ang isang gawa sa bright section na si jomel.. magaling talga sya.. masaya na rin naman ako sa narating nya..
pera din ang premyo.. sayang din yun kung nagkataon ako ang pinalad pambaon ko na sana yun sa mga sususnod na araw.. pero ok na yun.. heheh sabi ko sa sarili ko.. :)
-------
napakadami pang pangyayari sa buhay ko nung ako ay highschool..
meron ding mga nang-away sa akin at sa amin ng barkada ko nung akoy 3rd year pa..gusto nyo pa ba malaman ang istorya??
-----
Nung Third Year palang ako noon, nagkaron ako ng mga kaibigan kung saan binansagan namin ang aming grupo na "THE UNKNOWN GIRLS" hindi nmin alam pero yun ang napagkasunduan ahahha
-----antok nako to be continued!!
just comment here and vote! tnx