Chapter 8: His Rival

5.6K 254 22
                                    

Chapter 8: His Rival

***

"Again. Concentrate," sabi ni Finn habang nasa likod ko at hawak ang dalawang palapulsuan ko.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi ko. Ilang araw na niya akong sinasanay pero naiilang parin ako sa presensiya niya lalo na ngayon na ang lapit niya sakin. I can't concentrate. Kaya pinipilit ko ang sarili kong magconcentrate kahit nahihirapan ako.

Kami lang dalawa ang nasa training room ngayon dahil may pinuntahan sina sir Nero kasama sina Bon sa kung saan.

Nakaupo lang kami sa sahig at nasa likod ko siya. Ramdam ko ang hangin sa batok ko kapag nagsasalita siya.

Huminga ako ng malalim at sinubukan uling magconcentrate. Nasa tapat ng mukha ko ang dalawang kamay ko na nagpapalabas ng bola ng enerhiya. Kulay puti ito at maliit pa. Sinusubukan kong palakihin ito pero hindi ko pa kaya dahil nauubos ang lakas ko.

"That's it. Keep doing that."

Unti-unting lumalaki ang bola ng enerhiya ko. Nanginig ang dalawang kamay ko dahil sa pagbibigay ko ng buong lakas dito.

Hinawakan ng mahigpit ni Finn ang balikat ko. Nanlaki ang mga mata ko ng tuluyang lumaki ang bola ng enerhiya ko.

"A-Anong sunod kong gagawin?" tarantang tanong ko kay Finn.

"Throw it," sagot niya at tinulungan akong pakawalan ang enerhiya ko.

Napapikit ako sa lakas ng pagsabog nito. Tumama ito sa pader ng training room. Hindi ordinaryo ang training room namin kaya't hindi ito nasira o napuruhan man lang.

Nanghihina kong binaba ang mga kamay ko. Pinahid ko ang pawis ko sa noo gamit ang likod ng palad ko.

Tumayo si Finn at humarap sakin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya.

"You're improving.."

Napangiti ako sa sinabi niya.

"Pero kulang pa. Kailangan mong masanay sa enerhiya mo na ginagawang bola para hindi mauubos ang lakas mo."

Tumango ako sa sinabi niya.

"Tapos na ng training mo ngayong araw. Pwede ka ng magpahinga sa dorm niyo," aniya.

Naglahad siya ng kamay sa akin. Tinanggap ko ito at inalalayan niya akong tumayo.

"Let's go," aya niya atsaka kami lumabas ng training room.

Napatingin ako sa kamay kong hawak niya. Siguro normal lang to sa kanya pero sakin hindi. Ilang araw na kaming laging magkasama dahil siya ang nagsasanay sakin. Pero bakit hindi parin ako nasasanay sa kanya?

"Nagugutom ka na ba? Gusto mo bang kumain?" tanong niya habang higit ako.

"Hhmmm.." tumango ako kahit hindi niya nakikita.

"Okay. Dumaan muna tayo sa canteen. Nagugutom na rin ako," aniya.

Habang naglalakad kami may nakita akong dalawang lalaking tumatakbo papunta sa direksyon namin. Huminto sa paglalakad si Finn kaya napahinto rin ako. Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa humahangos na dalawang lalaking huminto sa harap namin.

"Kuya Finn..." hinihingal na sabi ng isang lalaki.

"Bakit Jake? What's the matter?" tanong ni Finn habang nakakunot noo.

Lumingon si Jake sa kasama niya bago tumingin muli kay Finn.

"Tulungan mo kami kuya.." nakikiusap na sabi ni Jake.

CLARINES ACADEMY: The Battle of PowersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon