051// Bay Max

181 24 102
                                    

Bay Max (10-25-18)
***

Bay Max
Active now •

Thu 19:24

Bay Max

Hi.

Nakauwi ka na?
seen 19:43

19:43

Sonya

Nakauwi? Eh di pa nga nangangalahati yung nagawa namin.

Bay Max

Weh??

Kanina pa kayo r'yan, ah.

Need help?

Sonya

Di naman kami nagpapansinan kaya wala rin.

Pareho kaming nagpho-phone. Nakakalat lang sa sahig yung mga librong gagamitin namin

Pinagmerienda pa ako ng mama niya kaya lalong walang nasimulan.

Bay Max

Anong ginagawa niya sa phone?

Sonya

Aba malay.

Pero parang may katext

Si ano yata.

Bay Max

Nakng!!

Sonya

Bakit

Ka galit?

Bay Max

Tapusin niyo na kaya yung report para makauwi ka na.

Sonya

Ano ako yung unang kakausap?

Para ka namang kuya ko kung makapagsalita

Kuya, ikaw ba yaaan?(●'⌓'●)

Bay Max

Kaklase nga kita, di ba?

Parang ganun na nga, ikaw na kumausap. Para makauwi ka na rin. Baka pagalitan ka ng mama mo. Gabi na.

Sonya

Alam naman ni mama

Alam naman niya yung address at malapit lang 'to sa bahay namin.

Bay Max

Sana lahat.

Haha.

Sonya

Ha?

Anong sana lahat?

He's Online! (Online #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon