PART 1

90 2 2
                                    

Uumpisan natin ang kwento mula sa katagang “hindi mali ang magmahal, mali ka lang ng taong minahal”

Ang pangunahing tauhan sa kwentong ito ay si Raven. Siya ay mabait, masipag at mapagmahal na bata. Si Raven ang panganay sa tatlong magkakapatid. Si Troy ang sumunod sa kanya at si Trisha ang unika iha nila. Kahit na bata pa si Raven ay marunong na itong dumiskarte sa buhay. Sa katunayan sya ang inaasahan ng kanyang ina na magtataguyod sa kanila. Bata palang si Raven ng iwan sila ng kanilang ama dahil sa malubhang sakit. Simula ng mawala ang kanyang ama ay ipinangako ni Raven na itataguyod nya ang kanilang pamilya.

Ito ang kwento ng pag-ibig ni Raven ng sya ay elementary. Dito naganap ang unang pag-ibig ni Raven. Grade 1 palang ay crush na ni Raven si Tiffany. Si Tiffany ay maganda, mabait at may maamong mukha. Kahit bata palang ay madami ng nagkakagusto kay Tiffany, isa na dun si Raven. Sa una ay wala lang kay Raven ang nararamdaman nya kay Tiffany, dahil nga bata pa silang dalawa. Pero habang tumatagal ay nagbabago ang nararamdaman ni Raven para kay Tiffany. Nasa grade 4 sila ng magsimulang magbago ang nararamdaman nya kay Tiffany. Dahil nga madami ang nagkakagusto kay Tiffany ay hindi nya sinasabi ang nararamdaman nya. Pero bago sila magtapos ng elementarya ay nagkaroon ng lakas ng loob si Raven na sabihin kay Tiffany ang nararamdaman nya. Nagpapraktis sila noon ng graduation walks at pinagpahinga sila. Habang nagpapahinga si Raven kasama ang kanyang best friend na si Drake ay bilang dumating si Tiffany kasama ang best friend nitong si Angeline.

Drake: pare si Tiffany dumadating kasama si Angeline.

Raven: oo nga pare, sabihin ko na kaya yung feelings ko sa kanya?

Drake: sige pare kaya mo yan.

Raven: ah, eh Tiffany pwede ba kitang makausap?

Tiffany: sure why not, Angeline wait for me ah.

Raven: Angeline saglit lang to pakihintay mo na siya.

Angeline: sure take your time.

Raven: thanks, hey Drake pakientertain mo nga si Angeline para hindi mainip.

Drake: pare no problem akong bahala kay Angeline.

Raven: Tiffany hindi ko alam kung saan ko sisimulan yung sasabihin ko sayo   kinakabahan kasi ako eh.

Tiffany: basta bilisan mo lang kasi malapit na tayong magpraktis ulit.

Raven: sige ito na sasabihin ko na, ganito kasi yun matagal ko ng gustong sabihin      sayo na crush kita.

Tiffany: asus yun lang pala sasabihin mo pinatagal mo pa, thanks.

Raven: eh Tiffany pano kung sabihin kong dati pa yun, magagalit ka ba?

Tiffany: no, bakit ngayon ba hindi na?

Raven: oo hindi na kita crush kasi mahal na kita.

Tiffany: what are you saying?

Raven: I’m in love with you.

Dahil sa nalaman ni Tiffany ay bigla itong umalis at isinama na rin si Angeline. Kinabukasan ay araw na ng graduation nila Raven at malungkot na ang lahat. Ito kasi ang araw na ayaw nilang lahat dahil magkakahiwa-hiwalay na sila. Ngunit sa araw ding iyon ay simula na ng bagong yugto sa kanilang buhay. Habang umaakyat si Tiffany sa stage ay pinagmamasdan sya ni Raven, habang unti-unting pumapatak ang luha nya. Hindi nya alam kung bakit iyon nangyayari. Natanong nalang nya sa sarili nya na dahil ba hindi ko na sya makikita kaya ako napaiyak o dahil hindi nya ako matangap kaya ako napaiyak. Natapos ng tawagin ang mga pangalan ng nagtapos ng elementary at sabay-sabay silang kumanta ng “farewell to you my friend, will see you each other again” at sila ay nag-iyakan. Pagkatapos ay lumapit si Tiffany kay Raven.

Tiffany: Raven can we talk?

Raven: yes, is there any problem?

Tiffany: no, I just want to apologize to what I did to you yesterday.

Raven: it’s ok tanggap ko naman na kaibigan lang ako para sayo eh.

Tiffany: thanks for understanding, makakahanap ka din ng babae na magmamahal    sayo tulad ng pagmamahal mo sa akin.

Raven: congratulation nga pala, high school na tayo, good luck!

Tiffany: congratulation din, we are now a teenager, good luck and take care.

Pagkatapos ng pag-uusap nila ay nag-uwian na silang lahat.

Itutuloy……….

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TRUE LOVE HURTSWhere stories live. Discover now