A/N:
~ you can play the song at the side ^_____^ v
♫ Kung may taong dapat na mahalin
ay walang iba kung 'di ikaw
Wala 'di bang makakapigil pa sa akin ♫
Feel na feel ni JC ang pagkanta nya habang pinapatugtog ang kanyang gitara kasama
ang kanilang banda. Ang mga nanunuod naman na kababaihan ay halos mapaos na sa kakasigaw.
Andito kasi kami ngayon sa annual battle of the bands ng school namin
at pinapanuod ang huling bandang tu-tugtog sa gabing ito.
♫ Binuhay mong muli ang takbo
At tibok ng puso sa'yong pagmamahal
Ang buhay ko'y muling nag-iba
Napuno ng saya (Napuno ng saya) ♫
Ang kanilang lead vocalist ay si Jhaymes Clein Ortega or mas kilala bilang si JC.
Kaklase ko siya mula first year pero hindi kami ganun ka-close.
Eh sa anong paraan ba naman kami magiging close kung isa siya sa mga kilalang estudyante sa university na ito
samantalang ako ay isang hamak na kaklase at dakilang fan lang naman nya.
♫ Sa Lahat 'di maari, 'di maaring iwan
Wala ng makakapigil kahit na bagyo man
Paano kung ikaw na mismo kusang lilisan?
Paano ba? ♫
Ako pala si Casey Jade Dela Cruz, CJ for short.
Haha nakakatawa diba ? parang binaliktad lng ang nicknames namin ni JC.
BINABASA MO ANG
higit pa sa iniisip mo ♥ [ONE SHOT]
Random~ Sa Lahat 'di maari, 'di maaring iwan Wala ng makakapigil kahit na bagyo man Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip mo ♥