UNA(Landian)

4 0 0
                                    

Ngiti mo ay laging nakikita
Sa bawat lingon ko ikaw agad ang nahagip ng aking mga mata
Ang iyong ngiti ay sadyang nakakabighani
Di ko mapigilan kaya ako'y napangiti.

Sa bawat tawa mo,di ko maiwasan na mahulog sayo
Sabi ko sa sarili ko,mawawala den ang nararamdaman kong ito
Ngunit habang tumatagal,mas lalong lumalalim ang pag kagusto ko sayo.

Dati gusto lang kita,ngayon di ko na alam kung itutuloy ko pa
Laging hinahanap ang iyong mukha dahil sa pag tingin ko sayo aking problema'y nawawala

Landian lang talaga nung una,ngunit di ko namalayan ako'y nahulog na pala
Nag aalinlangan na sabihin sayo,baka kasi ako lang ang may gusto

Habang tumatagal ako'y nagiging komportable sayo.
Habang tumatagal,ako'y napapamahal
Ngunit sa bawat tagal ako'y nasasaktan na pala
Ngunit pinagpatuloy ko paden ang aking ginagawa

Nasasaktan?di ko den alam
Siguro dahil ako'y sobrang napamahal kaya ako'y nasasaktan
Tuwing kasama ka,di ko maitago ang saya
Saya na ngayon ko nalang ulit nadama

Noong niyakap mo ko,sabi ko sa sarili ko
Huwag ako munang mag iisip ng kung ano ano
Baka kasi ganyan ka den sa tropa mo

Sa bawat tanggi mo kung tayo ba
Di ko maiwasan ang magtanong sa sarili ko kung landian lang ba talaga ang meron tayong dalawa

Sa una akala ko parehas tayo ng gusto
Na gusto mo den ako,ngunit hanggang kaibigan lang pala ang kayang ibigay ng puso mo

Di maiwasan ang pagseselos sa tuwing may kasama kang iba
Sabi ko nga bat ako magseselos? Eh landian lang naman ang meron tayong dalawa

Ako'y naguguluhan dahil sayo
Sa mga ikinikilos mo na para bang may tayo
Ngunit para sa iyo ay normal lang ito.

Noong sinabi mo sakin na hindi ka clingy
Napaisip agad ako,meron pa palang lalaking ganito.
Sabi ko naman sayo na ayos lamang iyon
Masasanay den ako.

Wala na akong  magagawa
Tatanggapin ko nalamang kung anong meron tayong dalawa
Kaso di ko mapigilan ang pagpatak ng aking mga luha.

Naguguluhan dahil di ko alam
Kung seryoso ka ba o nang g-ghost lang
Madami akong gustong malaman sayo
Ngunit di ko magawang magtanong o makalapit man lang sayo

Dahil natatakot ako na baka sa bandang huli ako na naman ang magkakamali.
Magkakamali ng sasabihin at baka ika'y maturn off sakin

Simple lang ang gusto ko,iyon ay ang makita ang mga ngiti mo.
Diba ang creepy? Kasi lagi akong nakatingin sayo.
(Ayy mali pala)
Simple lang ang gusto ko,iyon ay ang gustuhin mo den ako.

Pinag isipan kong mabuti ang lahat agad
Bago ko sabihin ang salitang mahal kita
Kinalimutan ko na sya ng tuluyan.
Hindi ka rebound,kung iyan ang iniisip mo

Sinigurado ko na lahat ng tungkol sa kanya
Ay aking kakalimutan na
Sinigurado ko ang lahat bago ko sabihin ang salitang  mahal kita.

Mahal na kita,di pa ba halata?
Ginawa ko na ang lahat,para lang maging sapat
Ngunit di mo yun makita kasi  nakatuon ka sa iba.

Ang bawat saya na naibigay mo saakin ay lagi ko nalang aalahanin.
Para sa tuwing ako'y malungkot iisipin nalang ang iyong pagyakap sakin.

Sa bawat yakap at halik
Sa bawat saya at ngiti
Di ko inaasahan
Sa simpleng landian
Ako'y mahuhulog ng  di ko namamalayan.

Ang mga ngiti sa iyong labi
Ang mga tawa mo na lagi kong naririnig
Ang iyong boses na naging himig.
Lahat ng iyan ay aking gustong masilayan af marinig

Hanggang sa susunod na paglalahad ko ng aking damdamin
Sana ako'y iyo ng sagutin.
HAHA haaaalaabbbbyuuuu!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 21, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

TULA PARA SAKANYAWhere stories live. Discover now