Chapter XXXV:
(Sam POV)
"You dyed your hair!"
Para akong itinulos sa aking kinatatayuan. Kilalang-kilala ng aking pandinig ang timbre ng boses niya kahit hindi ako man lingunin ay alam kong siya ang nagmamay-ari niyon.
Bumilis ang tahip nang aking dibdib. Animo'y pinamamahayan iyon ng mga sikero at sirkera na gumagawa ng buwis-buhay na mga stunts. Sunod-sunod na nagpakawala ako ng malalim na buntung-hininga upang pakalmahin ang sarili.
Nilingon ko ang pinanggalingan ng baritonong tinig at nakita ko siyang nakasandal sa baluster habang nakapamulsa ang mga kamay sa suot nitong pantalon . Nakatingin siya sa kawalan.
"Just returning it back to its original color."
Dahil sa sagot ko ay napalingon siya sa gawi ko. Naghinang ang aming paningin. Bumuka ang bibig niya waring nag-aapuhap ng sasabihin. Ngunit mas pinili na lang niya ang manahimik at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
Binalot kami ng nakabibinging katahimikan sa kabila ng kasayahang nagaganap sa loob.
Nang magpaalam ako kay Derrick na magtutungo muna sa ladies room ay dito naman ako dinala ng sariling paa sa bandang terasa na kung saan sinalubong ako ng mabining pagdapyo ng hangin. Ang hindi ko lang inaasahan ay ang katotohanang doon din pala sa panig na iyon nagpapalipas ng oras si Blake.
Ang nag-iingay na aparato sa nagmumula sa loob ng purse ko ang siyang bumasag sa katahimikang kani-kanina lang ay pumagitna sa amin.
Nakarehistro sa caller ID ang pangalan ni Derrick. Nang sagutin ko ang tawag nito, bumungad sa akin ang kanyang nag-aalalang tinig.
"Yhing, where are you?! Are you alright?!"
"Fald ned Derrick, jeg er helt findt! Jeg kommer lige derfa. Worry ikke mere, okay?!" (Calm down Derrick, I'm perfectly fine! I'm coming right away. Worry no more, okay?!)
"Ja! Jeg elsker dig!" (Yes! I love you!)
Binaba ko ang aparato nang hindi man lang tinutugon si Derrick. Ang iginigiit na katwiran na katwiran ng diwa ko. . . hindi naman daw tanong ang huling tinuran niya kaya ba't daw ako sasagot?!
"I have to go." Paalam ko kay Blake.
Tumango lang siya at hindi na muling umimik.
Nakatatlong hakbang pa lang ako nang maulinigan ko siyang magsalita.
"You're dazzling tonight! But. . . " sinadya talaga niyang ibitin ang sasabihin. Matiyaga kong hinintay ang susunod na kataga na mamutawi sa kanya subalit nanatiling tikom ang bibig nito.
Sa tingin ko, hindi na nito dudugtungan pa ang sasabihin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglakad.
"I prefer the brunette Sysi."
Pabulong ang kanyang pagkakasabi ngunit hindi iyon dahilan para hindi umabot sa pandinig ko.
Kusang umangat ang sulok ng labi ko at sumilay ang isang matamis na ngiti.
.
.
.
.
.
"I'm already wearing a mask, why do I still need to wear a wig?" reklamo ko kay Dedrei habang inaayusan ako sa harap ng salamin.
"Deres Højhed, det er en del af din fork lædning. Må ikke ærgre sig, okay?!" (Your Highness, it's part of your disguise. Don't fret, okay?!)
BINABASA MO ANG
Ragamuffin Royalty
RomanceHer Royal Highness playing larks, dressing as a tramp... She being a vagabond...a wanderer...a ragamuffin. A royalty happens to stumble into a business magnate. A persona who only dwells on his past memoirs, who's been living in retrospect and been...