[30]: Momentum

304 9 1
                                    

[KYLIE's POV]

Grabe yung drama naman last week ah. Nakakahilo. Kaya minsan ayokong magdrama eh. Its sunday today at magsisimba kaming lahat.

Tatayo na sana ako ng may nakita akong papel sa may paanan ko.

"Good morning my love. You're everything to me. Wake up now, I'll be waiting for you down stairs. I love you. -Kai"

Ang aga-aga, lalanggamin kami ni Kai nito. Naglakad ako, may mga nakadikit na paper cut out na hugis paa sa sahig. At dahil curiosity kills, sinundan ko ito.

Patungo sa banyo. Binuksan ko ang pinto ng cr at tumambad sa'kin ang rose petals and candles sa may bathtub. May nakadikit na note ulit.

"But before you go down stairs, take a bath. Don't worry, I'll still wait for you until infinity runs out. I love you. -Kai"

*blush* Si Kai naman eh! Kinilikig ne eke! At dahil feel na feel ko ang relaxation na hatid ng set up na'to. Agad kung hinubad ang mga saplot ko sa katawan at bumabad sa maligamgam na tubig.

"Ahhhh, ikaw na talaga Kai." bulong ko sa sarili ko habang finifeel yung tubig.

*

*

Matapos kong maligo may mga cut out na naman. Sinundan ko ito, sa may closet ako dinala ng mga yun. Nakita ko yung favorite floral dress ko na may note, ulit.

"You look stunning in dress. And I like you to wear this. Even if we grow older, you're still the most beautiful woman for me. I love you.-Kai"

Napangiti ako at kinuha ang damit saka sinuot ito.

Matapos kong ayusan ang sarili ko. Yeah, Kai is right, I look stunning in this dress. Tapos yung buhok ko, nakabraid sa kabilang side.

Lumabas ako ng walk-in closet at may mga cut out ulit pero this time palabas na ng kwarto. So, sinundan ko ulit yun.

Pagkalabas ko, nakita ko ang isang bouquet ng white roses. *0* I really love white roses. Kinuha ko ito at binasa ang note na nakadikit dito.

"Roses, for the most loving, caring, patient, and makulit na girlfriend. You're all that I need Mrs. Rivera. I love you 'til infinity runs out."

He's really sweet. Binilang ko kung ilang roses ang nakalagay. 22 white roses, favorite number and favorite flower in one. Napangiti ako na nakatingin sa mga roses.

Naglakad na ako pababa ng sala para makiss ko yung sweet kong boyfriend.

*

*

Pagkababa ko ng hagdan, nakita ko siyang nakangiti. Lumapit ako sa kanya at hinalikan siya sa pisngi at niyakap.

"Pambihira, bigti na mga single! Tch" rinig kong sabi ni Dylan. Kaya kumalas nalang ako sa pagkakayakap ko sa kanya.

"Thank you Hon. Hindi tuloy maalis yung mga ngiti ko sa labi ko. I love you more Hon." niyakap niya akong muli.

"Anything for you Pie. Ikaw pa, you deserve it." bulong niya sa'kin.

"Leche kayong dalawa! Mauna na nga kayo sa simbahan. Kaya mas dumadami langgam dito sa bahay eh." loko talaga 'tong si Austin.

"Ky! Kailangan magpasalamat ka din sa'min no. Ginising kami nitong si Kai para tulungan siyang ihanda yan. We deserve a libre too. Hehe" isa pa 'tong si Jace eh. Nilapag ko nalang yung bouquet ko sa may kabilang sofa. At hinarap silang tatlo.

Meet The Populars (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon