01.1

282 10 3
                                    

“Memories warm you up from the inside. But they also tear you apart.

-Haruki Murakami, Kafka on the Shore

**

"PARE! TAGAY PA!" Sigaw ng mga kabarkada ko habang itinataas ang baso nila ng alak. Kasabay ng paglalim ng gabi ang paglalim ng iniinom naming alak at bisyo.

Itinaas ko din ang akin saka humithit ng sigarilyong hawak ko.

"Elijah dude, kelan ba babalik yang chix mo? Ganda nun ah, sexy! HAHAHAHA!" Tanong ng isa sa mga kaibigan ko. Tinapon ko ang sigarilyong hawak ko saka ko ibinuga ang usok nun sa mukha nya at sinamaan siya ng tingin.

"G***. 'Wag mong mabastos bastos yun." Maangas kong pagbabanta sakanya. Ngumisi naman siya saka ako hinawakan sa kwelyo.

"Pang babastos nga ba ang nasabi ko? O sadyang nasasaktan ka lang sa tuwing naalala mo siya?" Tanong nya sakin. Amoy na amoy ko ang alak na nilalaklak namin kani-kanina lang.

Tinulak ko siya saka ko hinawakan ang kwelyo nya at tumayo. Hinawakan na ko ng iba ko pang kabarkada pero hindi ako nagpaawat.

"Subukan mong magsalita ulit laban sakanya, makakatikim ka." Tiim-bagang kong sagot sakanya.

"Nabago ang buhay mo simula ng nawala siya. Nabago at nag-iba ka. Tignan mo nga ngayon, tinakwil ka na ng buong pamilya mo!" Sigaw niya sakin kaya sinuntok ko siya. Umalo na din ang iba pa naming kasama ng akmang susuntukin din niya ko pabalik.

"GANYAN BA KASAKIT ANG KATOTOHANAN SAYO?! WALA NA SIYA! WALA NA SI ALAIRA! HINDI KA NA NYA BABALIKAN!" Sigaw pa nya. Susugudin ko sana siya kaso nahawakan na ko ng mga kasamahan namin.

"Pre, kalma." Bulong ng isa. Sinamaan ko ng tingin ang hay*p na 'to saka ko tinabig ang lahat ng humawak sakin at nagsimulang maglakad palayo.

Tanging tahol ng aso at yapak ng paa ko lang ang maririnig sa daan. Isama na din siguro ang pag sigaw ng puso ko sa sakit na naidulot sakin ng pagalis ng kaisa-isang babaeng hinangaan at minahal ko.

Tama nga siguro, hindi na sya babalik sa mata ng ibang tao.

Pero hindi nila ako naiintindihan.. Na sa mga mata nila mali ang ginagawa nya pero sa mata ko napakaperpekto nya.

Na kung ano man ang dahilan ng pag-alis nya, mamahalin at tatanggapin ko pa din siya.

Na kahit hindi nya ko balikan, siya pa din ang mahal ko. Siya pa din ang hihintayin ko.

Dinaanan ko ang bahay nila na dati rati ay pinupuntahan ko ng dis oras ng gabi para lang kantahan siya dahil gusto nya ang mga ganun.

Naalala ko pa dati, tinanong ko sakanya kung ano ang gusto nya sa isang lalaki at ang sinagot nya ay..

"Kahit na sino, basta kaya akong kantahan kahit na pangit pa ang boses nya."

Sinabi niya yun ng nakangiti, kaya kahit kasing lalim ng balon ang boses ko, kinakantahan ko siya.

Na kahit na batuhin at isumpa na ko ng mga kapitbahay nila, tinutuloy ko pa din.

Pero ngayon.. Wala na 'kong kakantahan..

At isinusumpa ako ng mga kapitbahay nya hindi dahil sa pagkanta ko kung hindi dahil naging salot  na ako ng bayang ito.

Naglakad ulit ako pauwi sa skwater na tinitirhan ko ngayon..

01.Remember me this way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon