Si Brian ang naging chaperon ng dalawa niyang nakababatang kapatid. Hindi naman niya binabawalan ang mga itong magka boyfriend basta hindi nila napapabayaan ang kanilang pag aaral at pinaka habilin sa kanila ni Brian na wag basta basta magpapa buntis. Minsan kung may mga party silang pupuntahan ay sinasama nila si Brian upang masiguradong walang masamang mangyayari sa kanila.
Hindi maramot si Brian sa kanyang dalawang nakakabatang kapatid. Minsan pagkagaling sa eskwelahan ay niyayaya niya ang dalawang ito kumain sa labas at manood ng sine bago umuwi. Pag may nagustuhan silang mga damit, bags, sapatos at kung ano ano pa ay hindi sila nagdadalawang salita kay Brian pwera lang kung sobra na ang hinihingi nila. Basta pangangailangan nila ay hindi madamot si Brian. Naranasan na niyang minsan pagdamutan at ayaw niyang masubukan ito ng dalawa niyang kapatid.
Makalipas ang apat na taon ay nakapagtapos na sila Rachel at Julie. Tulad ng kanilang kuya ay nagtapos din sila bilang Summa Cum Laude. Sa kanilang speech ay pinasalamatan nila ang kanilang Kuya Brian na matyagang nagturo sa kanila. Napapaluha sila tuwing binabanggit ito dahil minsan na nilang hinusgahan ito. Isinantabi din niya ang kanyang buhay pag ibig. Minsan na kasi siyang nasaktan.
Ikinasal na rin ang kanyang dalawang ate na sila Leslie at Eileen. Mayaman ang napangasawa nilang dalawa. Ang asawa ni Leslie na si Roy ay may pabrika ng salamin samantalang ang asawa naman ni Eileen na si Noel ay may ari ng pabrika ng mga papel.
Pinagbitiw na si Brian ng kanyang mga magulang upang hawakan ang kanilang negosyo ngunit may natuklasan si Brian. Walang pera ang negosyo at baon pa ito sa utang. Tinawag niya ang kanyang mga ate at nag usap usap sila bilang pamilya kasama na sila Rachel, Julie pati na mga magulang nila.
Brian: Dad walang pera ang negosyo. Tsaka bakit baon tayo sa utang?
Dad: huh??? Imposible yun. Malakas kita nun ah.
Brian: kung malakas dad bakit walang pera sa bangko?
Eileen: di mo maiwasan may kakumpetensya tayo. Hindi lang naman tayo ang grocery at wholesaler ng appliances ah.
Brian: nandyan na tayo ate eh bakit walang pera sa bangko? Tapos bakit baon tayo sa utang?
Leslie: eh ayusin mo yan. Ikaw na namamahala dyan ah.
Kinabukasan ay hinalughog niya ang mga libro ng opisina at dito nahanap niya ang mga nawawalang pera. Muling pinulong ni Brian ang buong pamilya upang ipaalam ang kanyang natuklasan.
Brian: dad nakita ko na yung mga nawawalang pera.
Dad: nasaan?
Brian: bumili sila Ate Leslie at Ate Eileen ng tig isang magarang condominium sa Makati at tig isang bagong Pajero. Pati na rin mga luxury bags at mamahaling alahas.
Eileen at Leslie: KALOKOHAN YAN!
Brian: Ate Eileen, Ate Leslie eto yung mga resibo at pati na rin ang kopya ng cheke na pinangbayad nyo. Cheke ng negosyo ang ginamit niyo sa kapritso ninyo.
Hindi makaimik ang dalawang ate ni Brian matapos matuklasan ang kanilang milagrong ginawa. Napagbuhatan sila ng kamay ng kanilang ama. Dito lang niya nalaman na kaya pala ayaw nila pumasok si Brian sa negosyo dahil sa milagrong ginagawa nilang dalawa. Nang araw ding yon ay tumawag na ang kanilang ama ng abogado upang pagpirmahin na sila Leslie at Eileen ng Quit Claim upang wala na silang mahabol na kahit ano pang ari arian.
Ilinipat na ng kanilang ama ang titulo ng kanilang bahay at negosyo kay Brian upang di na sila habulin nila Eileen at Leslie. Dito naghihpit muli sila ng sinturon. Ibinenta ng ina nila ang tatlong set ng magagarang alahas. Para sana ito sa natitirang tatlong anak na hindi pa ang aasawa. Ipinaalam niya ito sa tatlo at di naman sila tumanggi.
Nagtulong tulong silang tatlo para maiangat ang buhay nila. Hinawakan ni Brian ang negosyo at nakiusap sa mga supplier at humingi ng palugit. Pinagbigyan naman siya ng mga ito at unti unting nakaikot ang kanilang negosyo. Tinutulungan naman siya nila Julie at Rachel sa gastusing bahay. Junior manager sa isang bangko si Julie samantalang brand manager sa isang multinational firm si Rachel. Konting tiis, sipag at tyaga ang ginawa nila.
Itutuloy....