1

59K 303 3
                                    


Sa bawat kagustuhan ng mga tao, may kapalit na pag hihirap. Hindi agad ito nakukuha ng basta basta kaya't kailangan ng tiyaga at kailangan ng sipag.

Sabi nila hindi pagsuko ang sagot sa lahat. Giving up won't make the process easier kasi wala namang maikling proseso.

Paano kung hindi talaga para sa iyo? Anong gagawin mo?

"mind your own fckng business babae!" Sigaw ng poging lalaki na ito habang humihithit ng yosi.

Hayyy. Pogi nga, nuk nukan naman ng kasupladuhan!! Cheee!!!

Ako si Siel, isa akong maligalig na nilalang na napag utusan ng magaling naming prof na i-motivate itong supladong ito.

Akala niyo ba madali? Hindi no! Araw araw usok ng yosi ang sumasalubong sakin at tila ba parang musika na sa aking mga tenga ang pagtataboy nya saken pero keri lang! Pogi naman siya eh.

"How much do you want?" Biglaan niyang tanong

Tumungin ako sakanya with 'pinagsasasabi-mo-look'

"I know you're doing this for your goddamn scholarship so tell me how much do you want!!! So you can fckng leave me alone!!!"

Napailing na lamang ako sa mga sinabi nya. Alam ko namang masama siya ngunit hindi ko inaasahang halimaw pala sya.

Oo, ginagawa ko ito para sa scholarship. Nag kasakit ang papang kaya't lagi akong umaabsent noon at napapabayaan ko ang pag aaral ko. Babawiin na sana ang scholarship ko dahil hindi na consistent ang grades ko kaya't nag makaawa ako ng bongga.

Upang manatili ang aking scholarship, kailangan ko lang namang i motivate na mag ayos ulit sa pag aaral itong antipatikong to hays.

Sayang ka blast.

Nakatitig lamang ako sakanya na may halong pag ka dismaya at tsaka umalis.

Hindi nabibili ng pera ang tunay na ninanais ng isang tao. Nabubulag lamang tayo ng pera at inaakala nating ito lang ang bagay na mag bibigay kulay at ngiti sa ating buhay, yun pala hindi.

Marlboro RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon