01.3

88 5 0
                                    

 “No matter how much suffering you went through, you never wanted to let go of those memories.“ 

-Haruki Murakami

[Elijah's P.O.V]

"PAREEE PAGOOOOD NA 'KOOOO!!!!!!!!!" Konting konti nalang sisikuin ko na 'tong si Jao eh, konting konti nalang!

“Pagod ka na agad sa 5 minutes? Kaartehan.” Sabi ni Chii sakanya kaya nag irapan sila sa huli.

“Hoi Chrysanthemum, manahimik ka nga ha!” Napabackward si Chii dahil sa winasiwas ni Rapha yung gunting na hawak nya.

“Aww.” Natahimik kaming lahat dahil kay Alaira.

“A-ay nako, Ate Ala—I mean, Ate Sofia. Sorry. ‘Di ko po sinasadya—“ Akmang pupunasan ni Chii yung sapatos ni Alaira pero hinawakan sya sa braso nito.

“No, it’s okay. Sabi mo nga, hindi mo sinasadya. Andito lang ako kasi dinalhan ko kayo ng meryenda. You need help?” Tanong nya samin. Lihim akong napangiti.

“OMG! Tulungan mo ko dito, BFF! Malay mo maalala mo ‘ko—?”

“Mavy, kinuwento ka talaga sakin ni Kuya, he told me I am your bestfriend. Sorry for being a worst friend ha? May nangyari kasi sakin kaya hindi ko kayo naalala, and of course naikwento ka din sakin Chrys and Queen. But, Kuya told me I didn’t know these guys here.” Ayun lang. Badtrip talaga yang Kuya nya, nakangitii na ‘ko dito sabay ganun? Anak ng tokwa yang Ian na yan eh.

“It’s okay, sabi ko nga may One week ako para mag pakilala sayo diba? By the ways, may four days pa ‘ko diba? Pwede ba kitang maaya mamaya sa bahay?” Pagkasabi ko nun nag ‘woah’ agad sila Jao at Rapha na kanina pa nanguya sa gilid.

“Grabe pre, ‘di ka pa maalala, bahay agad?” Sabi ni Jao.

“Mamaya kidnapin mo yan at sapilitang ipaalala kung sino ka ha?!” Panggagatong ni Rapha na agad binatukan ni Mavy at sinenyasang ‘wag maingay. Tumango naman si Rapha at nag ‘sshhh ‘ sign.

“Don’t worry, Sofia. Walang gagawing masama sayo yang kumag na yan, pag meron, bugbog abot nyan kay Mavy.” Sabi ni Red na kadarating lang. Agad naman syang umakbay kay Queen, psssh. PDA.

“Sige, it’s okay. You don’t look bad guy naman eh.” Yun oh! Hindi daw ako bad gu—

“Ingat ka dyan, Fia. Dating basagulero yan.” Bwisit talaga sa buhay ‘tong si Rapha.

“Manahimik ka nga! Mambabae ka nalang!” Sigaw ni Mavy na halatang naiiinis sa sinabi niya. Nagulat naman si Mavy ng tumayo nga si Rapha at naglakad palabas.

“Wag mo kasing bibiruin ng ganun, tas mag seselos ka? ‘Wag ganun dre.” Sabi ni Jao sakanya.

“May gusto ka dun? Mavy, kwentuhan mo ‘ko!” Pagmamaktol ni Alaira ko. Grabe ang cute nya talaga. Masaya silang umupo sa stage ng gym na inaayos namin para sa Christmas party namin bukas, kami na nautusan since na violate kami dahil sa ginawang kalokohan ni Rapha. At ang loko, nangdamay pa.

Mabuti nalang at nakakaalala na ng konti si Alaira, ako kaya? Kelan? Sana mamaya na.

**

“Come on?” Sabi sakin ni Alaira. Tumango at kinuha ang bag nya mula sakanya na masaya naman nyang inabot.

Habang naglalakad kami, nagkkwento sya about sa sarili nya na parang ipinamumukha nya talagang sya si Sofia at hindi si Alaira. Nasabi din niya na ang sabi ng Kuya nya sakanya habang kinukwento sila Mavy ay napoison ko lang daw ang utak nila Mavy kaya natawag na din syang Alaira. Ang lame ng excuse nya no? Sabagay, lame naman talaga si Ian eh, kung kuya nya.

01.Remember me this way..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon