Kirby's Note: Paalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, BACK OFF! hihi Joke, huwag niyo na lang po basahin :3 chalamuch . . .
LYN's POV
"Bakit antagal ata ni Leni"
Napatingin ako kay ate Garmel na nagsasalita habang inaayos niya ang mga pagkain na nakuha namin sa mga bahay bahay na napasok namin kanina . . .
Napatingin ako sa pinanggalingan namin . . . bigla ako nakaramdam ng kakaibang kaba . . . nakalatakot ang lugar na ito . . . mas lalo na ang katahimikan, my kakaiba dito . . .
"Kami na lang po ni Lyn"
Nabigla na lang ako nang marinig ko ang sinabi ni Jasham . . .
"ok lang ba Lyn na kayo na muna tumingin kay ate Leni mo?" tanong sakin ni ate Garmel . . . napalunok ako ng bahagya at napatingin ulit sa lugar kung saan kami galing . . . hindi kasi matatanaw ang lugar na naiwan si ate Leni dahi sa paliko iyon . . .
"ah . . eh . . ." hindi ko alam kung ano sasabihin ko . . .
"sige na Lyn, samahan mo naman ako mag cr, please" sabi ni Jasham saka niya ako tinignan na nagmamakaawa . . .
"sige te, kami na lang po" labag man sa loob ko dahil natatakot ako, wala naman ako magawa hindi kasi namin kasama si Bembem eh . . .
Kahit isang baryo lang kasi kami, hindi kami magkakitaan mas lalo na sa kabilang grupo dahil madaming pasikot sikot ang lugar . . . pero iyong meeting place namin nasa gitna . . . my fountain sa gitna . . . nakakapagtaka diba? Paano nagkaroon ng baryo sa gitna ng bundok, pero no choice naman kami eh . . . kesa malapa kami ng mga mababangis na hayop sa labas ng baryo na to, atleast my mga bahay parin na pwede namin tuluyan. . .
"hoy! ano ba iniisip mo diyan?" tanong bigla ni Jasham sakin . . .
"ah wala naman, umihi ka na para mapuntahan na natin si ate Leni" sabi ko nang nasa loob na kami ng isang bahay . . .
"huwag mo ako iiwan diyan ah" sabi niya sakin . . .
"opo" sabi ko saka siya pumasok sa loob ng cr . . . naiwan akong nakatayo sa labas ng cr . . .
[whhoooosssshhhh]
"huh?" napalingon ako sa likod ko nang maramdaman kong my naglakad, hindi pala, parang tumatakbo siya dahil sa bilis para lang siyang hangin . . . patungo ito kung saan kami pumasok dito sa bahay . . .
Bigla akong kinabahan dahil wala naman tao doon sa likod ko . . .
Naglakad ako patungo sa my pintuan kung saan kami pumasok para tignan kung my ibang tao . . .
Nakasara ang pintuan, pero ang alam ko iniwan kong nakabukas ang pintuan bago kami pumunta sa cr . . .
BINABASA MO ANG
The Bloody Christmas(Part Two of Horror Train)
Mystère / ThrillerPaalala lang po sa lahat nang mambabasa, ang kwentong ito ay naglalaman ng mga brutal na pangyayari at salita kaya sa mga bata at ayaw sa ganoong tema, huwag niyo na lang po ituloy ang pagbabasa :3 chalamuch . . .Ang konsepto ng kwentong ito at ang...