Chapter 12: New Neighboor
> 3rd Person's POV <Tinutukan ng baril ni Dara ang tao sa kanyang unit ngunit hindi lang pala iisang tao ang nasa harapan nya kundi labindalawang nagtatangkaran na lalaki.
Ang EXO naman ay di makapaniwalang si Dara nga ang nasa harapan nila at lalo pa silang nagulat na nakatowel lang sya at may hawak rin itong baril na nakatutok sa kanila.
Napataas ng kilay at nagtaka si Dara kung bakit sila namumula at nakanganga ang bibig. Sinundan nya ang tinitignan nila na dahilan ng pagyuko nya at napagtantong nakatowel lang pala sya. Onting hablot lang ay makikitaan na sya.
What the?
* blag *
Malakas na sinarado ni Dara ang pinto. Itinapon nya sa sofa ang kanyang baril saka tumakbo sa kanyang kwarto at nagbihis. Kasabay ng pagsarado ng pinto ang pagkalaglag ng mga regalong hawak ng EXO sa lapag. Hindi pa rin sila makagalaw. Ang kamay ng ilan na may hawak ng nalaglag na regalo ay nakulutang pa rin sa ere.
* GASP * - EXO
" S-si Dara-noona b-bayun? " tanong ni Chen sa kanila.
" Si n-noona nga " sagot si D.O.
" Waaaaah~ gege, bakit nakaganon si noona?! " sigaw ni Tao na inaalog-alog si Kris.
Hindi sumagot si Kris dahil hindi nya rin alam at nagulat din sya sa nakita. Umubo na lang sya at tumingin sa kabilang direksyon para hindi nila mapansin ang namumula rin nyang mukha.
" A-ang sexy nya. " sambit ni Kai habang nakatulalang nakatingin sa pintuan.
Binatukan sya ni Suho na namumula rin.
" Ouch, hyung! Wae?! " tanong ni Kai habang hinihimas ang ulo. ( Why )
" Huwag kang mag-iisip ng ganyan kay noona. Respect her! " pangaral ni Suho.
" Ikaw rin naman ah! Pinagnanasaan mo rin si noona! " sigaw ni Kai na ikinatahimik at ikinamula pa ng mukha ni Suho.
" A-a-a .. "
Napatingin silang lahat kay Chanyeol na nakatulala at may hawak na cake. Napansin nilang may pulang likidong umaagos mula sa ilong nito.
" Hyung! Nagnonothebleed ka!! " sigaw ni Sehun sa kanya. ( nagnonosebleed )
Nagising sya sa pagkakatulala sa sigaw ni Sehun. Napahawak sa kanyang ilong at tinignan ang kanyang daliri. Dugo. Nagulat sya at bigla nyang inangat ang kanyang ulo para mapigilan ang pag-agos ng dugo.
" Aish. " sambit ni Chanyeol.
Kinuha ni Luhan ang cake na muntik na ring malaglag. Buti na lang at may dalang panyo si Xiumin at binigay ito agad dahil baka malagyan ng dugo ang damit ni Chanyeol at matuluan rin ang sahig.
BINABASA MO ANG
EXO's Bodyguard
Fanfiction" A-ako?! Bakit naman ako? Tito naman, nagbagong buhay na ako. Ayoko nang bumalik ulit sa dati. Ang dami-dami nila tapos ako lang? Hell no! Sakit lang sa ulo ang mga yan! Tsk! " - Dara. Isang ex-gangster na magiging bodyguard ng isa sa pinakasikat n...