Chapter 6
"Mang Tonio ipagpaalam ko po sa inyo si Randy pupunta lang kaming Isla de Torista." Kinakausap ni Maxxine ang matandang abalang abala sa pagdidilig ng mga halaman na nasa harapan ng kastilyo. Naalala niya ang mga gusto niyang itanong sa katiwala. Pero ipagpaliban muna niya sa ibang pagkakataon na lang. Parang hindi pa siya handa sa kanyang nais malaman. Hindi malaman kung ano ang una niyang maramdaman kung sakaling totoong buhay pa nga ang kanyang anak.
"Anak, saan mo kamo gustong magpunta." nag-alalang tanong ni Aling Letty.
"Sa Isla de Torista lang, inay. Gusto ko lang mangaso uli kami ni Randy." Mabilis na tugon ni Maxxine.
"Pero anak may bali balitang..."
Ngunit hindi pa man din nakatapos magsalita si Aling Letty, nagsalita uli ang anak.
"Noong isang araw pa iyon, nay. Nahuli na ang mga pirata na iyon.
Hindi na naawat ni Aling Letty ang anak. Nakaporma na nga naman si Maxxine na parang bihasang mangangasong gubat.
"Mag-ingat kayo Randy," bilin naman ni Mang Tonio sa apo.
Lumapit na rin si Randy na dala dala na ang kanyang shotgun. Nakahanda na rin ang binata sa lakad nila ni Maxxine.
"Mag-ingat anak ha! Kung bakit doon mo pa gusto eh. Marami ka naman sanang pwedeng puntahan. Sa ibang lugar na sana.
"Nay!" Malambing na ngiti at titig ang iginawad ni Maxxine sa ina.
Napailing na lang si Aling Letty. "Sige mag-ingat kayo ni Randy anak," pahabol na bilin sa kanila.
Kay ganda ng araw kaya naisipan ni Maxxine na magpalipas ng oras sakay sa yate. Sa Isla De Torista, isang maliit na isla kung saan dinadayo ng mga torista. Maliit na islang may napakagandang tanawin. Lumalaki ito ng bahagya kapag ka low tide ang dagat. At lumiliit naman kapag ka high tide. Ang pagkuha ng larawan sa mga ligaw na halamang namumulaklak sa isla ang gusto ring gawin ni Maxxine sa Isla de Torista. Maganda pa rin itong pasyalan katulad ng dati. Doon sila dumarayo ng swimming kapag ka tag-araw. Masarap lumakad ng nakatapak lang sa maputi at pinong buhangin.
"May mga torista pala Randy," masayang sabi Maxxine.
Kabisado ni Randy ang Isla de Torista kaya siya ang lagi sinasama ni Maxxine tuwing pumapasyal sa buong isla. At tuwang tuwa siya kasi sa angking galing ni Randy sa pangangaso. Lagi silang may uwing baboy ramo pagka galing nila sa isla.
Booom! isang tunog ng pagsabog. Dinig ito ni Maxxine mula sa kanyang kinatatayuang yate. Nanggaling sa isang malaking isla ang barkong dumaan kung saan may pasabog. Sa Isla Maria Clara, isang malaking isla kung saan naroon pa ang mga maiilap na hayop. Hindi pa gaanong pinupuntahan dahil mapanganib. Virgin island pa kung tawagin ang Isla Maria Clara.
"Narinig mo ba yon, Randy," tanong niya sa binata.
"Opo Ma'am," mabilis na sagot sa kanya.
"Ate Maxxine na nga lang." Ayaw ni Maxxine ang pakiramdam na tinatawag pa siyang ma'am sa mga taong kasama niya sa bahay.
Okay lang sa kanya kung sa labas niyang mga empleyado. Isang pormalidad lang sa kanya ang tawaging ma'am."Mabuti pa siguro'y umuwi na tayo. Iba na ang kutob ko sa barko na iyon. Saka nakakatakot na may naririnig tayong putukan.
Ilang minuto pa lang dumating na ang mga Coast Guards at mga Naval Infantrymen para suyurin ang buong Isla Maria Clara.
"Randy kilala mo ba yang isang fishing boat na dumaan?" nagtatanong si Maxxine habang tinututro ng daliri at nguso.
Itinanong ito ni Maxxine dahil nakita niya na may del Carmen Palma na nakapangalan sa fishing boat. Alexandra del Carmen Palma ang eksaktong nakalagay na pangalan. Ang buong akala niya wala ng fishing boat na natira ang mga del Carmen Palma. Pero meron pa pala akala niya ay nabili niya na lahat.
"Kay ma'am Xandra na po ang fishing boat na yan sa anak ni sir Fernan." sagot ni Randy.
"Anak? May anak siya?" Nagtaka si Maxxine sa nalaman dahil sa kanyang na mga nabalitaan hindi nagkaanak si Fernan at ang babaeng pinakasalan niya.
"Meron ho pero hindi rito lumaki sa ibang bansa. Kasama sa mga magulang ni sir Fernan." sagot ni Randy.
"Bakit nga ba may kakaibang kutob na nadarama si Maxxine. Maari nga kayang buhay nga ang anak niya. Na totoong nandoon si Fernan noong nanganak siya. Na maaring kinuha ni Senyora Amelia at Fernan ang anak niya. At lalong hindi siya nag delerio lang ayon sa paniwalang gustong ipilit ni Aling Letty sa kanya noon.
"Kailangan na nga talaga nating umalis rito ate Maxxine," mungkahing sabi ni Randy. Dumating pa kasi ang maraming Infantrymen Naval.
"Anak, hello anak," boses ni Aling Letty sa phone.
"Hello, nay!" Kunot noong tiningnan ni Maxxine ang phone.
Walang signal. Nakailang tawag na pala ang kanyang ina. Sa tonong ng boses parang alalang alala ito sa kanya. Hangga't naramdaman niya ang vibrato ng kanyang phone. May natanggap na siyang text galing sa ina.
"Anak umalis na kayo dyan sa Isla de Torista kung andyan man kayo sa isla na yan. Dahil may piratang tinutugis ang mga awtoridad." saad ng ina sa text.
Halata ni Maxxine na sobrang nag- aalala ang ina doon sa boses na narinig niya noong tumawag. Sumubok pa ito uli sa pagtawag ngunit paputol putol talaga ang boses ni Aleng Letty habang nagsasalita. Kaya siguro naisip nitong magtext na lang para babalaan silang dalawa ni Randy.
Nakalayo naman na nga sila. Nakasalubong ng kanilang yate ang malaking fishing boat ng del Carmen Palma. Hinahabol na ito ng mga Coast Guards. Hangga't sa pati silang dalawa ni Randy naipit na sa engkwentro.
"Ate Maxxine dumapa ka" umalingawngaw na sigaw ni Randy.
Nakita kasi niya na may lalaking tumalon mula sa fishing boat ng mga del Carmen. Hinahabol ito ng lalaking armado. Ngunit huli na ng tinamaan na sa braso si Maxxine. Kitang kita ito ni Randy kung paano nahulog sa tubig. Nawala sa tamang balanse si Maxxinesa kanyang pagkatayo sa gilid ng yate.May kasunod pang putok kaya nanatiling nakadapa si Randy. Ang pagsigaw na lang ni Maxxine ang huli niyang narinig. Gumapang na siya upang silipin sa tubig ang amo pero hindi niya na nakita ito.

BINABASA MO ANG
Love Beyond Infinity (COMPLETED)
RomanceAyan kasi nagmamaganda kung hindi naman siya nalahian, eh di kamukha din siya ng nanay niyang bilugan ang mata." "Siya yong dating maganda na kasalukuyang nagnaknak na sa kagandahan." "Kadiri yong nasa kanyang mukha no!" "Ay naku basta mukha ko maki...