Dating with Mr. Destiny

91 2 0
                                    

Dating with Mr. Destiny

Napakaweird nya talaga.

Yung feeling na hinila ka na lang nya kung saan kasi sabi nya muka kang kawawa kaai nagbibitter ka sa isang coffe shop na katapat ng Watson.

Yung feeling na binigyan ka nya ng panyo para sa luha mo tas niyakap ka pa.

Sabay sabi nang "because I feel you".

Weird di ba di mo man lang alam yung pangalan nya tas di pa kayo magkakilala tas ganun sya sayo.

Nakaupo kami ngayon sa foodcourt. Kumakain kami ng fries at buko salad nasa buko.

Pakiramdam ko ang romantic ng ambiance kasi sya yung kasama mo. Tas magka-holding hands pa kayong um-escape sa sitwasyon na gusto mong takasan at di mo matanggap dahil masakit.

Masakit na makita na may ibang kasama sya. Yung feeling na sana di mo na lang nakita o nalaman.

Pero masaya na rin ako kasi kasama ko naman sya.

WHAT????!!!! What 'em saying nafafall na ba ko sa kanya sa maikling panahon na kasama ko sya??? NO!!!!!.

"UY tulala ka ata jan. May iniisip ka ba o may gusto kang sabihin?" tanong nya.

"Naisip ko lang, ang weird kasi kanina pa tayo magkasama pero di ko man lang alam pangalan mo." sabi ko sa kanya

"call me Mr.Destiny, you're Ms. Bitter melon, yan ang code name naten"

"WHAT?are you insane?di ba nag bitter melon ay ampalaya?" tanong ko sa kanya.

"correct. Kasi ang bitter mo sa lalaki kanina"sabi nya. " e kasi sya yung super duper crush ko, ikaw ba di mo ba yun naranasan minsan sa buhay mo? Tsaka sabi mo kanina I feel you" tanong ko.

"oo pero di ko kailangan maging bitter na katulad mo. Kung para sayo talaga para sayo. Bahala na si destiny kung paano kayo magkikita o kung paano kayo magiging kayo"sabi nya.

"Oo na bitter na ko. Pero sandali may girlfriend ka ba? Bakit ayaw mong sabihin yung pangalan mo?ayaw mo din sabihin yung pangalan ko. Ang weird mo" sabi ko.

" Wala akong gf o naging gf. Ang love di yan inaantay o hinahanap kusa yan dadating sa tamang panahon at lugar. Destiny kumbaga. Parang parents naten dahil sa destiny kaya sila nagkita at nagkasama at nagpakasal. Kaya nabuo tayo. "sabi nya.

"naniniwala ka pala sa destiny,wow huh boy Whogoat ka boy hahahhaha e bakit may code name di mo pa ko sinasagot"tanong ko.

"may bagay na mas mabuti na lang di nating alam, curiosity kills and truth hurts di ba, tska pag kilala natin ang isa't isa edi mahihiya tayo sa isa't isa. Di ko sana masasabi sayo na naniniwala ako sa destiny at di ko malalaman na bitter ka."

"sa bagay may point ka." sabi ko "ikaw may bf ka?"tanong nya. " wala kasi umaasa ako na magiging kami ni Myron" sabi ko.

"e bakit kasi umaasa ka sa kanya" tanong nya. "ikaw din naman umaasa ka sa destiny. Paano ka magkakaroon ng gf kung hindi ka manliligaw kung umaasa ka sa destiny" pang-aasar ko sa kanya.

"e syempre mag-aantay ako na matupad yung mga signs ko at sa destiny, ung tamang panahon, alanganin naman kahit sino sa may kanto ang ligawan ko. Ano yun masabi lang na may gf ay okey na"sabi ko.

"uy kalma lang, yung puso mo nakastapler lang yan."sabi ko sa kanya. "oo na hahahahhaah, e bakit mo ba sya nagustuhan?"tanong nya.

"kailangan ba lahat may dahilan, hindi ko din alam e basta one day nagkita kami sa praktis ng sayaw para foundation day, tas nagwapuhan syempre, tas naamaze ako sa personality nya kasi sobrang perfect guy nya" sabi ko.

"ganyan naman kayong mga babae mahilig sa fairy tale tas magbibitter" asar nya na naman.

"hahah ganun talaga kaming mga babae noh masanay ka na sa kabaliwan namin, e by the way, nag-aaral ka pa ba o nag-tratrabaho ka na?" tanong ko.

" nag-aaral pa sa ceu, tas im taking up nursing"

"uy parehas tayo ng course pero sa bsu lang ako" sabi ko.

"lang di ba dapat proud ka sa school mo, ang hirap kaya dyan pumasok, mahirap yung exam tska mahaba yung pila sa dami ng students na nag-eenroll, galing nyo kaya sa licensure exam ng engineering, anong year mo na ba?"tanong nya ulit.

"3rd year,e kasi yung mga prof samen hindi hands on katulad sa inyo,self study, pero mahirap yung exam namin"sabi ko.

" konti na nga lang kami, kasi ang mahal ng tuition,tas pahirap ng pahirap, kaya nga ayoko munang mag-love now study later, hahah ganun kasi ang common na mga estudyante" sabi nya. "oo nga e, e taga saan ka?" sabi ko. "sa somewhere else sa Meyc"sagot nya.

"ako din taga dun, coincidence hahahaha" sabi ko. "oo nga noh, uy mahilig ka ba sa movie"tanong nya.

"oo kaso di ako mahilig mag-sine kasi nangangawit ako sa upuan." sabi ko.

"tara mag-sine tayo, kahit ngayon lang kasi baka wala nang next time kasi baka hindi na tayo magkita, wag kang mag-alala libre ko" anyaya nya saken

" O sge sine tayo pero wag mo na kong ilibre" sabi ko naman kasi nahihiya ako sa kanya. Tas nginitaan nya lang ako.

Humaba ng humaba ang usapan namin. Nag-enjoy kame sa pag-uusap namin tas niyaya nya kong mag-sine at kumain tapos nun nag-ikot-ikot. Parang kulang pa nga yung araw.

"uy magsasara na pala mall, gabi na pala" Sabi ko sa kanya.

"oo nga no,ano uuwi ka na ba?"

"medyo hahaha, o sya nagenjoy talaga akong kasama ka ngayong araw na ito sana may next time pa noh, thank you ha dahil sayo nakalimutan ko pagiging bitter ko"

"uy thank you din, masaya ako nagka kilala tayo dahil sayo nasabi ko na naniniwala ako sa destiny tsaka sa mga signs hahahhaha nakakahiya parang nakaka gay hahahha"

"hindi a ideal bf ka nga. Sge ingat ka Mr. Destiny"

" ideal gf ka din naman. Sayang di nya naappreciate. Pero okey lang baka hindi lang talaga kayo para sa isat isa. Sige ingat ka din Ms. Bitter Melon. Bye bye"

Nagwave na ko sa kanya para magbye bye. Sya sasakay pa ng jeep kasi medyo malayo pa sya sa uuwian nya Meyc. Sabi nya ako naman mag-tritricycle lang.

Sya na kaya ang kasagutan sa pagiging bitter melon ni Dariell? Ito na kaya ang destiny na hinihintay ni Mr. Destiny? Malalaman natin sa susunod na kabanata

....... ABANGAN

Trivia: ang inglea ng kangkong ay swamp cabbage.

Authors note: Sana po basahin nyo hanggang huli yung story ko. Keeps on voting and comments na rin po. Pag 1k na nagbabasa ng story may upadate. May twist po ung story na to abangan nyo na lang. Tska medyo magiging busy ako dahil sa school at duty. Kaya yun medyo hintay hintay lang sa update ko. Nagpapasalamat ako sa mga taong nagbabasa at bumuboto sa story ko. Kung di dahil sa inyo di ako maiinspired magud. Thanks po.

Bitter AmpalayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon