Kasal sa Kultura

0 0 0
                                    

/Introduction/
Mandaluyong, kung saan makikita mo ang magagandang imprestraktura gaya ng malalaking pamilihan at pasyalan.

Sa isang subdivision sa mandaluyong ay makikilala natin ang isa sa mga pinaka-kilala at sikat na mananahi ng pangkasal na si Angelica Makultura. Si angelica hindi mayaman at hindi rin mahirap kumbaga ay nasa tama lang.

Si angelica ay galing sa pamilyang saunahin.Ang saunahin ay tawag sa mga tao o pamilya na masunurin at tapat sa kultura at tradisyon ng kanilang bansa. 

Pero balik tayo kay angelica, sa dinami-dami na ng damit pangkasal na kanyang natahi ay wala pa siya ni isang nasusuot dahil sa oras na palaging pinaghahandaan nila ng nobyo niya ang kasal nila ay may mga problemang dumadating sa kanilang mag-irog o maaring sa pamilya nila.

Noong 2016 ay hindi natuloy ang kasal nila dahil bumagsak ang negosyo ni Angelica na naging sanhi ng pagkawala ng ipon nila upang isugal muli nila ito sa negosyo.

2017, ang ikalawang taon na dapat ay ikakasal sila ay naudlot nanaman dahil ang panganay nyang kapatid na si  Jessa ay ikinasal.

Bawal daw iyon sabi ng nanay nya ayon sa pamahiin. Sukob daw ang tawag dun.

2018, sa ikatlong pagkakataon na dapat ay ikakasal sila ngunit hindi nanaman natuloy dahil sa pagkamatay ng kanyang pinakamamahal na ama at kanya itong dinamdam ng mahigit kalahating taon.

Ang kanyang nobyo na si Juan De Los reyes ay minsan na ring nagtankang iwanan si Angelica dahil sa pag-kalimot nito sa kanya at palaging pamilya at mga kakilala na lang ang kanyang iniisip.

Likas naman talaga kay Angelica ang pagiging matulungin, mapagbigay, at marami pang iba kung kaya't bagay din ang apelyido nyang Makultura.

Isang araw habang nasa patahian si Angelica at nasa bahay naman si juan napaisip Juan na mag-propose ulit kay Angelica sa ikaapat na pagkakataon.

"Talagang dapat na matuloy ang kasalan na to at wala ng anu mang aberya ang magaganap". sambit nya

/habang kumakain sa hapag/

Dumating ang araw ng kanyang pag-tatapat.

"Mahal pwede mo ba ako samahan sa mall para bumili ng bagong sapatos ?kasi nasira na yung sapatos na regalo mo sa akin"tanong ni juan.

"sige mahal tatapusin ko lang ang pangkasal ni mrs. buenaventura." sagot naman ni Angelica.

/6:00 pm sa Mall/

"Mahal parang kumukulo na ang tiyan ko"
sabi ni Juan

"oo nga parang ako din"
sagot ni Angelica.

"Sige mahal sa Dapo at Tisa na lang tayo kumain" sabi ni Juan.

/Dapo at Tisa/
Nagtaka si Angelica kung bakit ni isang bakas ng tao sa kainan ay wala, na dati-rati ay hindi na kasya ang lahat ng tao sa kainan.

sabi ni Angelica sa waitress"ma'am ganun na po ba kabilis ang pagbagsak ng negosyo?"

sinagot ito ng wiatress"sorry po ma'am kung naninibago po kayo, panandaliang sinara po ito dahil may espesyal pong kaganapan ang mangyayari dito"

Habang patuloy ang pagtatanong ni Angelica sa waitress tungkol sa espesyal na bista nito ay nakaluhod na si Juan sa Likodni Angelica.

Biglang tumugtog ang isang nakakaantig na musika mula sa harp.

Napatingin bigla si Angelica sa kanyang likod at siya ay natulala ng makita nyang nakaluhod si Juan sa kanya.

Nagsimula na ring lumuha ang kanyang mga mata ng makita nyang pumasok sa kainan ang kanyang nanay at mga kapatid at pati na rin ang pamilya ng kanyang nobyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kasal sa KulturaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon