Chapter 1: Alain

30 6 0
                                    

Tanaw ko ang dalawang rehiyon mula sa puwesto ko. Nasa pagitan ng dalawa ang isang malaking kastilyo na aakalain mong tahanan ng mga dugong bughaw ng isang kaharian. Nakikita ko ang mga batang naglalaro sa field ng kastilyo, habang 'yung mga kaedad ko ay nag-aasaran o kaya nama'y nag-aaral.

Altaria Academy. Kinuyom ko ang kamay ko. Sumagi na naman sa isip ko na pinanganak silang may kutsara sa bibig nila, na hindi nila nararanasan ang paghihirap naming taga-barrio. Ang kumayod para sa pamilya, maghirap para sa pagkain, masaktan para sa pera, at higit sa lahat, sa buhay.

Naiinis akong sa tuwing nakikita ko ang masaya nilang pagmumukha ay nalalasahan ko ang pait ng buhay ko. May sigurado silang kinabukasan, samantalang ako, wala. 'Di ko nga alam saan ako pupulutin o pupunta.

Nalulungkot ako na kahit ilang dekada pa akong magtrabaho, wala pa rin sa kalingkingan nila ang lahat ng iyon.

Dumako naman ang tingin ko sa paanan ng kastilyo — ang Paguitan Village, lugar kung saan ako nakatira. Mas kumunot ang noo ko. Deserve din ng mga taong nakatira sa village ang maganda at maluhong buhay. Pero kahit na ang pait ng sitwasyon namin, dito ko nakikita ang mga mukhang ngumingiti kahit nahihirapan na.

Tahimik kong pinagmamasdan ang ganda ng tanawin nang may marinig akong ingay sa likod ko.

"Alam kong nandiyan ka," mungkahi ko, without even looking at the back. Naramdaman ko ang pagkilos niya papunta sa akin, hanggang umupo siya sa tabi ko.

"Sinasabi ko na nga bang andito ka lang," wika ni Serena, habang inayos niya ang puwesto dito sa cliff. Matapos nun ay tumahimik na ulit ang paligid. Gustong-gusto kong tumambay dito kasi nakikita ko ang magagandang tanawin, and somehow it brings me peace. Kapayapaang hindi mo mararamdaman kung nasa bayan ka.

"Haven't I told you na delikado ang matarik na cliff na ito? Hanggang ngayon, 'di mo pa rin ako pinakikinggan," wika niya ulit na siyang dahilan kung bakit napalingon ako sa kanya. Pinagmasdan ko ang mukha niya — mapupungay na mata na kasing kulay ng punong acacia, malambot na labi at ang pagsabay ng kaniyang kulay peach na buhok sa malakas na ihip ng hangin.

"Alam mo namang payapa ako dito," tipid kong sagot sa kanya at ibinalik ko ang tingin ko sa harap. Papalubog na ang araw. I saw in my peripheral view na ngumiti siya nang kaunti at tumango.

"Sorry," hingi ko ng paumanhin. Lumingon siya sa akin at marahang ngumiti.

"Alain Eclipse. Wala kang dapat ihingi ng tawad, wala kang kasalanan," she softly said. Napayuko ako, marami akong kasalanan, Serena, na kahit ako hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Bumuntong-hininga siya. "Seriously, you need to stop blaming yourself from things that accidentally happen."

I tried. I am trying. Ngunit hindi naman ganoon kadali ang lahat, diba? Ang hirap. Lumipas pa ang ilang mga sandali nang nagdesisyon akong bumaba na sa barrio. Tumayo na ako at inaya ko siyang bumaba na rin. Umiling lang ito habang nakangiting tumingin sa akin.

"I think I'm gonna stay here for a while," mahinahong sabi niya. Hindi ko na siya pinilit pa at nagsimula na akong maglakad pababa.

I drowned in my thoughts until I found myself standing at the front door of my house. I don't know if it should be called that because it looks like a worn-out dilapidated building that looks like a bodega.

It's not much since I live alone mula nang mamatay ang dalawang matandang nag-alaga sa akin habang pinoprotektahan ako, siyam na taon na ang nakakalipas.

I blamed myself for what happened. I blamed myself for everything. Alam kong may masamang mangyayari sa village sa araw na iyon pero hindi ko sila nagawang kumbinsihin para umalis. They died protecting this town and I know they didn't die in vain, but I wasn't happy. Kung ginawa ko lang ang lahat para kumbinsihin sila, edi sana... sana...

"Ku... Ya... A... lain?"

Napalingon ako at nakita ko si Shyn, ang kapatid ni Serena. Nasa likod niya naman ang nanay niya habang karga-karga si Selene, ang bunso nilang kapatid. Ngumiti si Mrs. Mesa habang tumakbo palapit sa akin si Shyn.

Napangiti naman ako habang kinakarga ko si Shyn. "Ang laki mo na ah, ang bigat mo na," wika ko habang pilit niyang hinahawakan ang mukha ko. Dumako naman ang tingin ko kay Mrs. Mesa na lumalapit sa posisyon namin. Siya ang old version ni Serena — maganda at mabait na features at hulma ng mukha kahit na may katandaan na.

"Napabisita po kayo, ano pong meron?" tanong ko kay Mrs. Mesa.

"Hindi mo na ba naaalala ang araw na ito?" balik niyang tanong sa akin. Ah, kaarawan ko ngayon. Ang pang-siyam na taon ng pagkamatay ng mga nag-alaga sa akin.

Napayuko naman ako. Napansin naman agad iyon ni Mrs. Mesa at ibinaba si Selene. Hinawakan niya magkabila ang pisngi ko kaya naman napatingin ako sa kanya.

"After all these years, iniisip mo pa rin bang ikaw ang may kasalanan sa nangyari, 9 years ago?"

Marahan akong tumango.

"It's not your fault, Alain. Wala kang kasalanan," aniya, "it was beyond human control."

"Pero kung nagawa kong sabihan sila, edi sana..."

"You protected everyone that night, Alain, everyone," sabi ni Mrs. Mesa.

"I couldn't protect my loved ones," sagot ko habang nagbabadya na ang mga luha sa mata ko. Ngumiti nang mapait si Mrs. Mesa at may tumulong luha sa mata niya. It must have been hard for her, too. After all, she lost her husband and daughter, too.

"Alain, listen to me. Regrets will remain like that, regrets. You can't do anything about it anymore. It's been 9 years, and I know it has been hard for you as it was for everyone. But if you keep the past on hurting you, then you can never live in the present. You are in the now, Alain, so live in the now.

"You are young. You can start over, begin again. You have your whole life ahead of you, just waiting for you to make your move. And for your peace of mind, you can choose to move out from this place. This place holds you, grounds you from soaring high because of the painful memories it left you. However, I'm not telling you to run away. I'm telling you to mend yourself until you're brave enough to move on and let go of the past."

ExtrasensoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon