Kanina, sa jeep papuntang school, ako na lang mag-isa. Lahat ng pasahero nagsibabaan na sa may bandang palengke.
Nilalanghap ko ang mahabo at karima-rimarim na simoy ng hangin na nanggagaling sa mga usok ng sasakyan habang nakatanaw sa mga taong dumadaan sa gilid ng kalsada.
Naramdaman ko na lang na hindi na pala gumagalaw ang sasakyan.
Hay! Traffic na naman pala.
Napatingin ako sa relo ko na kulay black, 7:44am na. Ang ibig sabihin, late na ako dahil ang una kong klase ay nagsisimula ng 7:30am.
Bakit ganon? Ang aga ko naman umalis sa bahay ah. Tapos late na naman ako? First day pa naman ng klase ngayong 2nd sem.
Nung first day ng 1st sem, nalate din ako. Napahiya pa nga ako nun eh. Kabukas ko ng pintuan ng classroom, napatingin lahat sakin.
Halata sa klase na nagu-umpisa na sila. Tinignan ko yung instructor ko sabay sabing..
"G-goo...goodmorning p-po sir." Halata bang kabado ako? Hindi naman diba? Hahaha.
Yung instructor ko naman tumingin sakin at sinabing...
"What's good in the morning miss?" Para akong nag-Muriatic Acid Bucket Challenge nun dahil sa kaba.
Yun yung moment na gusto mo na lang bumuka yung lupa at kainin ka saka ka na lang ibabalik kapag dismissal na. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kaya isang SORRY PO na lang ang nasabi ko. Umatras na lang ako at handang nang lisanin ang apat na sulok ng silid-aralan.
Bye-perfect-attendance na ang mukha ko nun nang biglang tumawa ng bahagya at nagsalita ang instructor.
"I'm just joking miss. Sige na pumasok ka na. First day naman ngayon eh so I will accept late students. Pero ngayon lang to."
Nagliwanag naman ang paligid at para akong pumunta sa langit nang sabihin 'yon ng instructor ko sa General Psychology.
Isang thankyou na lang ang naisambit ko sabay ngiti bago ako pumasok at umupo sa pinakadulo dahil doon na lang ang bakante at kasi nga late din ako.
Napangiti na lang ako nang maalala ko ang pangyayari noong first day ng 1st sem.
At ngayon, hindi malabong mangyari na naman ulit yon dahil late na naman ako.
Ganito na lang ba lagi? Wala na bang bago sa buhay ko kundi malate lagi kapag first day? Pero napagisip-isip ko, first day pa lang naman. 5 months ang buong sem kaya pwede pa akong bumawi bukas, sa makalawa, makatlo o ano pang maka yan.
Bukas, bagong simula na naman ng matinding paglaban sa init ng araw at mabahong paligid na akala mo ay lagi kang nasa Cubao o EDSA. Bukas, ipinapangako ko sa sarili ko na gigising na ako ng maaga at sasakay sa mas punong jeep para hindi na ito maghihintay pa ng pasahero.
Siguro naman hindi ako malalate nun no?
Pero sabagay, hindi mo mape-predict ang future. No one knows our future except God. Siya lang ang nakakaalam kung ano ang mangyayari bukas o sa susunod pang mga araw. Kung maaga man akong gumising kung gusto ni God na malate ako ay malalate talaga ako. Hahaha!
Katulad ng love. Kung hindi man naging successful ang first mo, siguro naman bibigyan ka pa ni God ng second chance para sumaya ulit sa susunod.
Bibigyan ka pa niya ng chance na maitama ang mali mo at mai-apply ang mga lessons na natutunan mo sa mga next chapter ng buhay mo. Huwag kang papakadepressed kung nag-fail ka man ngayon.Haler! End of the world na ba ngayon para magmukmok ka dyan? Sabi nga ni Santino, "May bukas pa." Oo nga naman, may bukas pa nga naman. Atleast bukas alam mo na ang gagawin mo.
Hindi ka na ulit magmumukhang tanga sa harap ng classroom mo dahil kasalanan ng mga swapang na jeepney driver na kulang na lang eh isakay ang buong barangay niyo para lang mapuno ang jeep niya ng mga pasahero.
Tandaan mo to, everybody deserves a second chance.
Kahit ano pang estado ng buhay mo, nagkamali ka man ngayon dahil sa maraming hadlang sa buhay mo, pwede ka pang bumawi kinabukasan.
Napapitlag ako ng biglang gumalaw ang jeep.
Yes!
Salamat at makakarating na rin ako ng school. Habang papagalaw ang jeep ay bigla akong napangiti dahil may nagpatugtog ng kanta sa may bandang bilihan ng CD's and DVD's sa may bandang palengke na hindi ko inaasahang marinig sa simula ng araw ko.
Wrecking Ball by Miley Cyrus.
Hindi ko alam kung bakit natatawa ako sa kantang yan.
Unti-unti nang umandar ang jeep at ilang sandali pa ay natatanaw ko na aming paaralan.
Pumara na ako at bumaba sabay tungo sa entrance gate ng paaralan. Bigla akong kinabahan.
Bakit kaya?
-
-
-
-
O.O
Napatingin ako sa relo ko na kulay black...
OMO! 8:15 na!!!!!! Sabi ko na nga ba late na late ako eh huhuhuhubels
Osya na! Bukas pa ang second chance at kailangan ko pang ihanda ang aking speech dahil alam niyo na kung anong mangyayari sa akin pagbukas ko ng pintuan ng NB102. Bye :*
------------------------
Heya! Hindi ko alam ang nangyari sa akin kung bakit naisipan kong gumawa ng ganitong kaartehan. Hindi ko naman siya pwedeng ipost sa facebook dahil sobrang haba at mas lalo naman sa twitter dahil 140 characters lang ang tinatanggap nun. Sadnu? Dito ko na lang pinost para masaya hahaha bakit ba?!
Hindi ako nageexpect na may magbabasa nito. Kaartehan ko lang to eh. Tsaka yung iba edited, naligaw nga ako kanina dahil di ko alam classroom ko eh XD
Bukas na lang ako mage-edit kung may typo man, inaantok na ako for Pete's sake!!!
TIME CHECK: 11:40pm
Matutulog pa ako dahil bukas na ang totoong first day. Isang subject lang kanina eh kaya hindi ko siya kinoconsider na first day. Goodnight guys! (-3-)
BINABASA MO ANG
One Day Diary
Short StoryWag mong basahin, kaartehan lang to. Hindi ako writer, sadyang makata lang ako kaya nagawa ko to. Maraming hugot lines dito grabe! hahaha