Love..diba minsan eh napapaisip tayo, bakit tayo naaattract sa taong hindi naman natin kilala kung sino o ano sila? baka rapist o masamang loob? laging magandang bagay ang makikita mo sa kanya, kinda magbibigay ng liwanag ng buhay mo(ano daw?).. tignan natin ngaun kung, pareparehas ba tayo ng karanasan at pinag daanan pag dating sa LOVE ?
Silipin mo nga sa sarili mo kung anong karanasan mo sa LOVE na matatawa ka, maiinis, wapansin, famous effect, atbp.
Ok ok... tanda nyo pa ba ung mga panahon ng kabataan nyo,as in bata, maliliit palang kayo.. ung mga panahon na matatanda pa at magulang mo ang nag uudyok sayo at sa ipapares sa iyo, tapos syempre bata ka, sasakyan mo ung trip nila kahit nahihiya ka.
Pag magkakasalubong kayo nung pinarehas sayo, makakarinig ka nalang bigla ng "Uuuyyyy" sabay mag tatakbuhan kayo sa kanya kanyang bahay. ahaha biruin mo. sa edad mong 7 years old nararanasan mo na pala ang love ng hindi mo inaasahan? un ung "puppy love" na kung san gusto mo sya, gusto ka din nya, pero worthless kahit anong mangyare kasi nga bata pa kayo. Anyway wala naman masyadong precious moments sa part na yan.
Eh nung grade school kayo? tanda nyo pa ba? kailan kayo nagkaroon ng crush noon? anong grade kayo nung nauso sa inyo ung silay? ilang valentines day meron kayong kayong nabigyan/natanggap na flower with matching jologs na pormahan? pag walang wala teacher nalang bibigyan mo.
Naranasan mo na ba ung time na nakita mo na ung pinaka magandang babae/lalaki sa school niyo? syempre grade school nd pa uso noon ang boyfriend/girlfriend ang in lang noon ay "syota syota", tapos liligawan mo sya at papabubulaklakan mo ang kanyang tenga sa matatamis na kasinungalingan? ung mga bagay na imposible pero sinasabi mo? Sa mga lalaki, nakapangako ka na ba noon ng "dadalhan kita ng isang sakong siopao pag dadalaw ako sa inyo" nakaka tawa nalang kung nakapag salita kayo sounds like that. Ito namang si babae ngingiti ngiti kala mong totoo. Tapos pag grade 6 ka na, napaka dami nyong activity na dapat salihan kaya ayun show na show sa buong school nyo na graduating ka then one time makaka tanggap ka ng love letter from someone, sasabihin nyan crush ka nya at makikita mo sa binta ng isang room may ulong nakalawit at pag sisilipin mo, nag tatago bigla. Yan ung mga panahon na ang mga bata e pinapakilig nila ang mga sarili nila. Childish man pero dyan ka unang lumandi ahaha.
Eh dun sa High School Life na sinasabing pinaka masayang panahon ng pagiging kabataan. Eto ung time na akala mo sa sarili mo na matanda ka na at kaya mo na ang isang relasyon, kaya nagiging maagang magulang e. Anyway,eto ung teen stage kung san ung panahon na makikita mo ung crush mo,napapangiti ka ng wala sa oras. Tapos magkakatabi kayo sa bench ng plaza habang nag papalipas ka ng oras pag ka awas nyo sa school pero hindi naman kayo close then mag kakausap kayo, mag tatanungan, heart to heart talk baga ung mga ganun? ung tipo ng feeling na hindi na matatapos ung araw na un. Kaya ikaw lang ung nag sasabi sa sarili mo na crush mo talaga siya.
Pag naaalala mo sya at ung mga "moments" na mag kasama kayo, Kikiligin ka na agad feeling mo bf/gf mo sya. Ni kahit ung mata nya may nasasabi kang matatalinhagang salita kapag tinititigan ka nya. Kahit may anghit sya sasabihin mo padin "Ok lang, mabango naman ah" pero magigising ka nag aassume ka lang. Nagkasama lang kayo saglit kala mo bf/gf mo na, kala mo FOREVER na? tapos pag nasaktan ka kasi nd ka pala nya type, nag tanong lang ng oras sayo kala mo naman gusto nyan mag himasok sa buhay mo, dedma ka lang pala sa kanya. Napapaisip ka ng iba't ibang bagay para maawa sayo ung tao, mag pumopost ka ng messages kung san sang social connections mo, ung tipong sasabihin mo pa sa kanya na "MAGLALASLAS AKO" hahaha. Nakakatawang isip kung nagawa mo un tapos matothrowback. at lalong matatawa ka pag tanda mo na ang swanget swanget pala nung dati mong crush, patay na patay ka dun. kaya ayun pag tatawanan mo nalang ang mga bagay na un.
Pero may stage din naman noon na mag kakaron ka "dummy" gf/bf, ung gf/bf mo nga sya pero ni hawak ng kamay wala kayo at pag ngyare pa un sinuswerte. Siya ung taong nag papakilig sayo, sa tuwing papasok ka ng school kailangan attractable ka, kailangan laging naka pabango, ayos ang buhok, plantsado ang damit. Kung ikaw ung lalaki, obligado kang ihatid sya sa sakayan ng jeep, ilibre sya pag nakakaluwag ka, tatawag pag nasa bahay na. Kung ikaw naman ung babae, wala, simple lang, mag pakikay ka lang, kikire ka lang ng konti sarap buhay ka na. ahaha.
Meron din namang time na hindi nakakalimutan ng lahat ng H.S , ang J.S. kasi dito ung chance na makapitan mo ung crush mo e. kaya pag pinag sulat sila sa "autograph", "what is your embarassing moment in your life?" aba'y dali daling isasagot "J.S kasayaw si crush". moment to ng mga gwapo at magaganda, sama na din natin ung mga nag mamaganda at nag fefeeling gwapo kasi poporma ka ng todo dito para mapansin ka e. Aarkila ka pa ng amerikana/gown at service para pag baba mo ng tsikot e hall of fame agad datingan mo. Hanggang matapos ang Prom night, wala, un, nagbutas ka lang ng bangko at natulog ka sa loob ng room.
And last but tanggalin na natin sa listahan ung mga ma-L na kabataan, sila ung tipong kabata bata e lahat ng bisyo inaangkin na agad, sila un mga taong nagiging baliko ang pag iisip kaya ayun pag nalasing , buntis, batang magulang agad. ang cool nila diba? para lang silang nag lalaro.Wala e sabi nga kasi nila H.S Life eh.Pero ang dabest talaga eh ung sa pang matagal, ang college seasons.
Eto ung panahon ng mga lovers na pang matagal, minsan ung iba sila na ung nag kakatuluyan, meron namang taon ang tinatagal pero syempre nd padin mawawala ung flirt and fling, natural na sa katawan ng tao un e.
Let's proceed, college? naranasan mo ba dito ang love at first year? ahahaha hindi sight. Love at first year, parehas kayong first year, coursemate or what. Basta parehas first year. Yan ung parehas nyong crush ang isa't isa then kukunin ni lalaki ang number ni babae at mag kakaron na sila ng communication hanggang ........................................................................................................ doon nalang.. wala hindi magtatagal.
Meron din ung Lovers in Field hindi paris. Kasi sila ay nasa field, oo, matigas ang muka, nakaakbay kay babae si lalaki habang tumutuka. Tindi mo pre e.
Meron namang teachers target, bawal ang relasyon ng teacher at studyante so pag labas ng school sila nag kikita diba? tama? makakarelate ka kung may classmate kang ganyan o ikaw mismo ?
eh ung Thesis? ung aasarin ka ng classmate mo kasi magkasama kayo sa thesis? sasabihin nila gumagawa kayo ng babythesis?
Meron ba sa inyo ung tinatawag na Campus Crush? lalaki man o babae, basta malakas ang dating nya sa lahat ng tao ung tipong pag dadaan sya lalakas ung hangin, iba ung feeling eh, nababali ang mga leeg nyo. Pero madalas na campus crush eh mayayabang o may ugali (hindi sa pagiging bitter).
Meron pa dito ung Wait for Love, ung babaeng mahinhin at tuwid ang pananaw sa buhay? pag-aantayin ka pa na makagraduate sya bago ka pwedeng manligaw? Ung tipong first year college ka pinag antay ka na nya? hanggang 5th year kasi engr. pa sya? OMG! tanga mo naman nun pag nag antay ka pa bro!
Long Term? yan yan eto un e. Eto ung relasyon na pang kasalan kung baga, ung madami na kayong pangarap sa isa't isa, ung lahat ng plano mo sa buhay kasama na sya, pati kasal nyo planado na, eto talaga ung relasyon kung san ginagawa mo ang lahat para sa partner mo. Swerte mo kung dito ka napapasama.
Basta dito sa college life na to halo halo kasi e, study, love, career. Pero dito ung panahon na masasabi mo sa sarili mo na ito ung level na nag matured ka? diba? agree?Eto na ung mabigat eh.. pag alis mo sa mundo ng isang mag aaral ? dalawa lang yan e.. TAMBAY O NAGTATRABAHO?
Tambay ka? sino magkakagusto sayo? tambay din? at depende nalang yan kung tambay ka at may kaya kayo. Tambay ka na may pera, always gimik, madaming chix na kainuman, nd ka nawawalan ng kasama. E Tambay na tapos wala pang pera?mag-selfie ka, Magsolo ka nalang, mas ok pa?
E ung nag tatrabaho? kala nyo ba madali ang mga consiquences pag may trabaho ka? classify natin yan. May trabaho ka at bata, masarap yang stage na yan, dyan ung panahon na wala kang pinoproblemang gastos kaya kung mambabae maya't maya pero walang stable na relasyon. E ung may trabaho at matanda? wala ding stable na relasyon kasi nga matanda na sila, may pera lang sila, kaya sila nakakakuha ng mga positive na chix.
Babaeng may trabaho at bata, aba bentang benta lalo na pag maganda ka. Lagi kang pag kakaguluhan sa company nyo promise, siguro nga kahit ung boss nyo magkagusto sayo e.
Babaeng may trabaho at matanda? yan ang hirap, laging busy sa trabaho, nd napapansin ang love life, laging stress muka ng losyang, sino pa mag kakagusto sayo?
E yan mga bagay na yan e magiging ayos at tama kung gagamitan nyo ng utak, tamang pag iisip. Sabi nga kasi nila, "MADAYA ANG LOVE" pwede kasing ang saya saya nyo kahapon then what now? nilamig bigla, tinamad sayo, pwedeng magyare yang bagay na yan e. Meron din namang give ng give, ung isa take ng take, anong mangyare sa inyo nyan? walang mangyayare! wag kang umasang maganda ang relasyon nyo. Ang magandang gawin mo pag nasa isang relasyon ka eh? Keep on touch lagi then mag open ka laging ng conversation para hindi sya tamadin pag magkasama kayo, pag usapan nyo ang relasyon nyo, tanong mo na lahat ng dapat itanong basta ung sense baka kasi sabihin nya may masabi ka lang kaya kayo nag uusap.Teka eto pa nga pala? anong Forever Forever akong naririnig ngaun?
WALANG FOREVER!!!
papayag ka hindi ka mamatay? forever kang buhay? mag mamano sayo ung apo mo sa apo mo sa apo mo sa apo mo sa apo mo sa kuko sa paa? kaya walang forever kasi nga buhay natin may hangganan e. Everything has limitation. Tanda tanda mo na naniniwala ka pa sa fairy tale !
Walang forever, siguro nasasabi lang un ng ibang tao sa sobrang kasiyahan nya dun sa karelasyon nya kaya nasabi nya "ILOVEYOU FOREVER". Yaan nalang natin sila, hindi naman nila tayo kinakagat e. ahaha