SAU - Chapter 5

2.1K 43 0
                                    

Originally, "Title: To Be Announced" po talaga 'yung title nito. Pero n'ung nilagay ko 'to sa Booklat, I changed it to "Something About Us" dahil naawa at nabantutan ako sa title. So, heto, "Something About Us" na ang title ng kuwento ni Mico at Milyeta. :))

-Rina Drea

-------------

Chapter Five

“Hey Carmilette,” untag ni Serah sa kanya.

Mula sa bintana ng kuwarto niya ay dumako ang paningin niya kay Serah na nakatayo malapit sa kanya. “Bakit?”

Mataman siya niton pinagmasdan nito na para bang may kakaiba sa kanya. “You're acting weird, alam mo ba 'yon? Para kang wala sa sarili. Okay ka lang ba?”

Bumuntong-hininga siya. Kung usaping kalusugan din lang ay sigurado siyang okay siya, pero pagdating sa usaping pang-puso ay hindi niya alam. At kasalanan lahat iyon ni Mico. Whenever he was near, her heart goes boom-boom. Nakakatawa dahil noong mga dalagita at binatilyo pa lang sila ay hindi naman siya nakakaramdam ng gano'n. Ngayon lang. Ibig sabihin ba n'un ay attracted na siya sa binata sa kabila ng kakulitan at kapilyuhan nito? Is it possible that she's starting to like him as a man?

Napasinghap siya sa naisip. “No... It can't be.”

Niyugyog siya ng kabigan. “Hey! Ano'ng pinagsasasabi mo riyan?”

Nanatili siyang walang imik at pilit na ibinabaon sa kasuluksulukan ng isip niya ang ideya na 'yon. Magkakaroon muna ng zombies at babangong muli ang mga dinosaurs bago siya magkagusto sa pesteng lalaki na 'yon.

“Okay. I get it. Tatawagin ko lang si Mico at pahahalikan kita sa kanya.”

Sa sinabi ni Serah ay agad siyang natauhan at sinipa niya ang binti nito. Napahiyaw ito sa sakit. “Subukan mo lang at itatali kita sa kuya ko.”

“You midget sadist! You don't need to do that, you know?” reklamo nito sa kanya habang hinihimas-himas ang nasaktang binti. “'Grabe, nagkukulay pula talaga ang paningin mo mabanggit lang si Mico sa'yo. I wonder how he managed to survive yesterday.”

Sinipa niya ulit ito pero mabilis na itong nakaiwas sa kanya. “Wala akong gusto sa kanya!” she blurted out with passion.

Parehas silang dalawa na nawalan ng imik at napatitig lang sa isa't-isa. Where the hell did that come from? Mariin siyang napapikit at naisip niyang iumpog ang ulo sa malapit na dingding. She and her big mouth! Nang sulyapan niya ang kaibigan ay nakapamaywang na ito at nakangising nakatingin sa kanya. Imbes na ang ulo niya ang iumpog, bakit hindi na lang ang ulo nito ang iumpog niya?

Mukhang nakatunog agad ang babae sa balak niya kaya agad itong kumilos palayo sa kanya. “Ah-ah-ah! Walang mabuting maidudulot ang violence, Carmilette. Daanin natin ito sa matinong usapan.”

Inismiran niya ito. Walang matinong usapan kapag sila ang nag-uusap. “Tsk. Just stay quiet, got that?”

“Ah, I can easily do that.”

“Good—”

“Pero may bayad.” Serah's eyes were shining with mischief. Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi nito. With a suspicious face like that, she knew that it spells big trouble.

“Well? What is it?” nakataas ang kilay niyang tanong.

“Hmm...” May hinalungkat ito sa shoulder bag nito at ang kaninang mapang-asar na hitsura nito ay unti-unting napalitan ng nahihiyang anyo. Napataas pang lalo ang kilay niya. “Well... P'wede bang ikaw ang mag-abot nito sa kuya mo?”

Something About Us (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon