2

33.6K 151 3
                                    


Naglalakad ako pauwi sabay lagay ng earphones sa tenga ko. Lagi kong pinapatugtog ang kathang isip ng ben&ben, ewan ko kung bakit, eh hindi naman ako bigo. Hindi ko pa nga naranasang ma inlove eh.

Dinadama ko bawat lintanya ng kanta na para bang relate na relate ako. Hindi ko maintindihan ang aking sarili, bakit ako nasasaktan?

Ang lalim ng iniisip ko, hindi ko na namalayan na nasa bahay na pala ako.

"Oh bat ngayon kalang?" Sigang tanong ng nanay ko habang humihithit ng sigarilyo.

Ano bang meron sa yosi at lahat sila'y nahuhumaling?

"hindi kaba talaga sasagot?! Ano?! Napipipe kana sa kalandian mo at gabi kana lagi umuuwi? Uwsissgsisii" ratatatatat BOOM!!!

Hindi ko na pinakinggan pa ang sermon ni nanay. Umakyat nalang ako at nag ayos.

Umupo ako sa aking study table at kinuha ang aking paboritong kwaderno na puno ng tulang aking sinusulat para maibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Iniisip ko muna lahat ng nangyari saakin ngayong araw na ito at tsaka ako bumuo ng tula saaking isip upang maisulat ito sa aking paboritong kwaderno.

Sinulat ko sa aking kwaderno ang tulang ginawa ko at ako'y naghanda na para matulog.

Hindi ako makatulog.

Siguro marami lang talaga akong iniisip kaya't hindi ko magawang matulog.

Ganito lagi ang eksena sa bahay. Bubungangaan ako ni nanay pero di ko sya papansinin. Nag mimistulang musika na din saakin ang sermon nya araw araw ngunit hindi pa rin ako nag papatinag.

Kahit ganito sa akin ang buhay, alam kong may darating na isang taong mag bibigay liwanag sa aking buhay at lahat ng kahirapan ko ay masusuklian na ng saya.

Ganon naman diba sa mga stories tsaka mga movies? Lagi kang makakatagpo ng isang taong mag liligtas sayo sa kasakiman ng mundo.

Hindi man kahapon
Hindi man ngayon
Sa tamang panahon
Ako'y aahon.

Marlboro RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon