3

23.8K 121 2
                                    


Nabanggit kong balang araw ay may darating din na tao sa buhay ko at ito'y mag bibigay ng kulay sa aking buhay.

Natagpuan ko na ito.

"Anong tinitingin tingin mo babae?!" Sabi nya at humithit ng yosi niya.

Kahit kailan talaga napaka pogi nya lalo na pag nag susuplado hehe.

Ano kaya ang mukha nya pag tumatawa o umiiyak? Gwapo ba or mas gwapo pa?

Ewan ko ba. Siguro sa mata ng ibang tao nahihibang na ko dahil lahat ng pangit na aspeto ay nasakanya na ngunit pilit ko pa rin itong hinahangaan.

Para akong nabulag sa usok ng kanyang sigarilyo at sa pamamagitan ng amoy na ito, napapangiwi ako pero bakit, bakit nga ba di ko pa rin nilalayuan?

"Why do you keep on pushing yourself to motivate me?" Sabi nya sabay hithit

Woah is this real? Kinakausap niya ako.

"Ahh ehh w-wala lang. Pake mo mo ba?" Sabe ko at inirapan ko siya.

"Tsk! You're unbelievable" sabi niya at binato niya ang kanyang sigarilyo.

Saan naman kaya pupunta itong pogi na ito?

Nang makaalis siya, at lihim ko siyang sinundan. Bahala na kahit pagalitan ako mamaya. Lagi naman akong pinapagalitan eh, sulitin ko na!

Nasa malayo ako at nag mumukha akong stalker sa ginagawa ko. Mainit at wala akong payong ngunit kaya kong indahin ang lahat, masundan ko lamang ang taong gusto ko.

Oo, si Blast nga ang tinutukoy kong taong mag kukulay sa mundo ko. Napaka impossible sapagkat di namin kilala ang isat isa ngunit kaya ko itong gawing posible.

Ewan, may nararamdaman lang aking kakaiba sa kaniya na hindi ko maipaliwanag. Para bang sinadya kaming pag tagpuin ng tadhana sa hindi malaman laman na dahilan ngunit naniniwala ako na masasagot din iyan balang araw.

Hindi naman siya masamang tao eh. Naniniwala akong may rason kung bakit sya ganiyan at yun ang aalamin ko.

Ang tunay na kulay
Ay di namamatay
Nabalutan man ng kadiliman
Ang kulay ay nasa kaloob looban.

Tuklasan at handang malunod
Matuto at wag lamang manuod
Titingkayad ang tunay na kulay
Sa tamang panahon, habang may buhay.

Marlboro RedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon