Noong 1931 nagsimula ang World War II. Inatake at sinakop ng Nazi ang Poland para lumaki ang kanilang bansa. Gumawa ng base ang Nazi sa Poland at tinawag itong Auschwitz. Dito pinapatay ang mga Jews sa Poland at dito na nangyari ang holocaust.Noong nalaman ng Britain at France ang pananakop ng Nazi Germany sa Poland at sa holocaust, nagdeclara ng digmaan ang Britain at France sa Nazi Germany. May digmaan rin na nagaganap sa Asia dahil sinakop ng Japan ang hilaga ng China, 1931 din nagsimula ang digmaan sa Asia dahil sa Mukden Incident sa Manchuria.
Sumuko ang Japan sa Allied at sumali sa Allied ang Japan dahil maglalaglag ang America ng Nuclear Bomb sa Japan at dahil doon, itinaksil ng Japan ang Axis. Nagalit ang Axis sa Japan at sinabi na papahirapan ang mga Asiano dahil sa ginawa ng Japan.
1950, nasakop ng Axis ang buong Europe, Asia, at Africa, dahil sa paraan ng paglaban nila na tinatawag na Blitzkrieg. Naisip ng Axis na pahirapan nalang ang mga Asiano, mga African imbis na patayin sila pero lahat ng mga Jews ay pinapatay dahil naisip nila na gawa ng demonyo ang Nazism. Hindi pa nasasakop ng Axis ang Australia at buong America dahil napakalayo ng Australia sa Asia at mabigat ang defense ng America. Dito nakatira ang mga mayayaman na Asiano para hindi pahirapan sila ng Axis.
Dumating ang bagong siglo. Hindi parin nakakalapit ang Nazi Germany sa America at Australia. Maliit parin ang tangin sa mga Asiano. Halos lahat ng mga German may Asiano na slave na laging inuutusan para gawin lahat ng gusto nila. May bata na ipinanganak sa Pilipinas na nangangalang Filip. Noong bata pa siya, kitang kita ang kabutihan sa kaniya. Tinutulungan niya ang ibang tao na may kenalan ng tulong. Masunurin siya sa magulang niya at sa amo nila. Gusto niya mag-aral para matulungan ang pamilya niya sa kahirapan pero pinagbabawal pagaralin ang mga Asiano.
Isang araw, namatay ang amo nila dahil inatake siya sa puso. May bago silang amo na mabait.
Ang bago nilang amo ay isang teacher. Gusto rin makapag aral ni Filip pero hindi pinapayagan ng Nazi Germany kaya yung bagong amo ang nagturo sa kanya. Madami rin tinuturuan na Pilipino na bata ang amo nila kaya ginusto ni Filip mag-aral para may kaibigan siya.Noong magtatapos na ang 2019, natuklasan ng mga Nazi ang pinaggagawa ng amo nila kaya pinapatay ang amo nila. Magtatapos na si Filip mag college pero pinatay ang kanyang teacher. Noong nabalitaan ng mga American ito, sila ay pumunta sa Pilipinas para bawiin ang isang parte ng Asia at para may base sila sa Asia. Dinala ng mga American ang mga estudiyante ng teacher niya sa America para makapag tapos sila sa pag-aaral.
Noong 2020, nakapagtapos si Filip ng college. Nag military training siya noong pagkatapos niyang mag-aral para lumaban sa Axis. May plano ang Allied para lumaban sa Axis, pupunta pupunta muna sila sa Europe para ma-distract ang Axis tapos pupunta ang iba pang grupo sa China para mang-backdoor sa Axis at tuloy-tuloy na iyon papuntang Europe. Si Filip ay kasama sa grupo na pupunta sa China.
2025, ang araw ng WWIII, noong pagkadating ng Allied sa Europe, pumunta na ang grupo nila Filip sa China. Noong pagkapunta nila, walang masyadong sundalo ng Axis doon, kaya madali nilang nabawi ang bansang China. Nabawi na rin ng Allied ang Great Britan at ang France. Noong pupunta na ang grupo ni Filip sa susunod nilang bansa, inatake si ng maraming sundalo ng Axis, doon lang nila na-realize na Blitzkrieg pala iyon, mag-reretreat sana sila pero na-corner sila ng Axis. Gumawa kaagad sila ng trench para pang-cover nila pag nagbabarilan. Madaming natamaan ng bala ang kakampi ni Filip kaya tumakbo kaagad siya doon sa mga nabaril niyang kakampi kahit binabaril sila. Nagpadala ng helicopter sila para dalin ang sugatan sa malapit na pagamutan. Binuhat ni Filip ang mga kakampi niyang sugatan sa helicopter.
Noong babalik si Filip sa labanan, madami siyang nakita na sugatan at patay, kumuha siya ng baril at nagpaputok siya sa Axis para pang-open fire lang, noong dinadala na niya ang kakampi niya sa helicopter, may bala na tumama sa dibdib niya. Habang may tama ng bala, dinala niya parin ang kakampi niyang sugatan. Noong babalik ulit siya sa labanan, may tumama din na bala sa kaniyang paa, at balikat. Doon na siya bumagsak.
Nawalan siya ng malay noong madami na siyang tama ng bala. Nagpadala sila ng backup para tumulong sa Blitzkrieg ng Axis. Lalagay na dapat si Filip sa body bag pero na pansin siya ng kakampi niya na tinulungan niya, pero sinabi ng medic na patay na siya. Ginamit ni Filip ang natitira niyang lakas na dumilat at magsalita. Sabi niya "Makakapahinga ako ng mahinbing kung matupad na ang gusto ko na maayos na ang mundo".
2030 natapos ang digmaan. Sumuko na ang Axis dahil sa pagkaka-out number ng Allied sa kanila. Nagpakamatay ang pinuno nila na si Adolf Hitler at pinapatay ang mga tagasunod sa kaniya. Narewardan si Filip ng Medal of Honor. Ito ang pinakamataas na award na makukuha mo kapag naging soldier ka. 2083 namatay si Filip habang 83 na taong gulang na siya.
BINABASA MO ANG
Kung Nanalo Ang Axis
FanfictionNoong WWII, nanalo ang Axis at sinakop ang buong Europe, Asia at Africa.