Chapter 1

0 0 0
                                    

"Aeya, where are you?? It's already 10 pm!" bahagya kong nailayo ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa malakas na sigaw ng kuya ko sa kabilang linya.

"I'm on my way home, stop shouting." irita kong sagot habang patuloy lang na naglalakad pauwi.

Sobrang dilim na sa kalsada dahil sa kalaliman ng gabi, nakapatay rin kasi ang mga ilaw ng street lights. Wala na ring katao-tao at ako nalang talaga ang mag-isang naglalakad.

"I'll fetch you, nasaan ka banda?" sigaw ulit ni kuya, napaka-over protective talaga netong kuya ko sakin. Pero pag nasa bahah halos wrestlingin ako.

"No need, I can handle myself, bye!"

"AEYA!" pahabol pa ni kuya pero pinatay ko na ang tawag at nagpatuloy nalang ulit sa paglalakad.

Galing kasi ako sa bahay bg kaibigan ko, masyadong napasarap ang kwentuhan kaya ginabi na ako ng uwi, hindi ko dala ang motor ko at wala na ring dumadaang sasakyan kaya no choice ako kundi maglakad, hindi naman aabot ng isang kilometro ang lalakarin ko kaya medyo ayos lang.

Ilang hakbang pa ang ginawa ko ng makarinig ako ng sasakyan na paparating sa direksyon ko. Lumingon ako at nakita ang isang puting van, sumibol agad ang kaba sa dibdib ko. Diba kasi uso ngayon yung kidnapping tapos kukunin ang lamang loob tapos ibebenta? Halaaa.

Ilang segundo pa akong naestatwa sa kinatatayuan ko bago magpasyang tumakbo. Binilisan ko ng binilisan ang takbo ko at kung saan-saan na ako lumiko ngunit nakasunod pa rin 'yong puting van.

Shit, dead end.

Hinihingal akong tumigil sa pagtakbo at saka tumingin sa mataas na pader na masa harapan ko. Fudge, I'm trapped.

Lumingon ako at nakitang may mga nakaitim na lalaki ang bumaba sa van, tatlo sila at malalaki ang katawan, naka mask silang lahat kaya hindi ko maaninag ang mukha nila. Huhu Lord 'wag naman sanaaa.

"Kuya please 'wag nyokong kunin, huhu. Wala kayong mapapala sa'kin. Malabo na ang mga mata ko kaya 'di nyo na mapapakinabangan 'yon. May UTI rin ako kaya hindi nyo mapapakinabangan ang atay ko. May sakit rin ako sa puso kaya lalong hindi nyo mapapakinabangan yon." pagsisinungaling ko, nagbabakasakaling magbago ang isip nila at hindi na nila ako kunin.

Pero nagkamali ako, dahil ngumisi lang sila at nagpatuloy sa paglapit sakin. Unti-unti ng bumuhos ang luha ko kasabay ng paghatak nila sakin papasok sa van.

Pilit pa akong nanlaban pero tinakpan nung isang lalaki ang ilong ko ng isang panyo. Nakakahilo ang amoy n'yon at unti-unting nanlabo ang paningin ko, hanggang sa nakatulog na ako...

---

"I said, treat her right!" rinig kong sigaw ng isang lalaki. Malalim ang boses nito at puno ng autoridad.

"Sorry boss, nanlalaban kasi eh, kaya wala kaming choice."

"Get out!" pagkatapos ng sigaw na iyon ay nakarinig ako ng pagbukas at pagsara ng pinto.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at saka sinubukang bumangon pero agad rin akong tumumba sa isang malabot na higaan.

Aish, ano bang nangyari sa'kin??

"Are you okay?" hindi ko namalayan na nakalapit na pala saakin ang lalaking sumigaw kanina.

Kinusot-kusto ko ang mga mata ko upang aninagin ng maayos ang mukha nya, at halos mapanganga ako dahil sa kagwapuhan ng nasa harap ko!!

Jusmiyo, isa ba tong anghel?? Nasa langit na ba ko?

"A-ayos lang ako, sino ka? Anong nangyari sa'kin? Ba't ako nandito?" sunod-sunod kong tanong pero ngumiti lang sya na lalong nakapagpanganga sa'kin.

•••

A/N: Hello gAiz, gusto ko lang sabihin na sana wag kayong magexpect ng madaming scene about love dito. I don't do love stories naccringe ako, hahaha. But I will try my very best para makapaglagay parin ng kilig scenes, lol. JUST DON'T EXPECT A LOT!

Don't forget to click the start button and comment down below your thoughts!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Who Am I?Where stories live. Discover now