John's P.O.V
Nagising ako dahil sa ingay ng nag-uusap na isang babae at isang lalake. Pagmulat ko ng mga mata ko ay nagulat ako nang makita si Myra at si Nhel na naguusap sa harap ko.
"Ano 'to?" sambit ko at bumangon.
Nakita kong hawak ni Nhel ang maleta ni Myra.
"Aalis na kami, sasama si Myra sa 'kin dahil ako ang mahal niya," sabi ni Nhel at hinawakan ang kamay ni Myra.
"'Wag! Hinde pwede! Ako ang ama ng dinadala niya! May sarili na kaming pamilya kaya layuan mo na kami!" sigaw ko kay Nhel.
"Ayoko pumatol sa 'yo ngayon, kaya si Myra na ang magsasabi para sa 'yo. Myra? Sinong pipiliin mo? Ako o si John," tanong ni Nhel kay Myra.
"Ikaw, Nhel, sa 'yo ako sasama," sabi ni Myra na ikinadurog ng puso ko.
"Ikaw ang sumira ng relasyon namin! Kaya 'wag mo siya tawaging pamilya," sabi ni Nhel at naglakad na sila paalis.
"Myra! Please!" pagmamakaawa ko.
"I can give you all I have!" sigaw ko pa at tuluyan nang napahagulgol sa sakit ng nararamdaman ko.
Nagising ako nang mag-isa sa kama, agad akong bumangon at napraning ako dahil baka totoo yung nangyare.
"Myra?!" sigaw ko at lumabas ng kwarto.
Nakita ko si Myra na mahimbing natutulog sa sofa.
"Myra?" bulong ko at napahawak ako sa puso kong mabilis pa rin ang kabog.
Tanginang panaginip 'yan! Bakit ganoon?
"Sa 'kin ka lang please," bulong ko at hinalikan si Myra sa noo niya.
Nagulat naman ako nang magising ito.
"John," bulong nito.
Lumayo ako sa kaniya at naglakad papuntang kusina.
"Diyan ka natutulog 'di mo iniisip 'yung bata sa tiyan mo! Alam mong hindi komportableng matulog diyan! Napakaliit at masikip sa sofa na 'yan! Paano pa 'pag nahulog ka eh malikot ka matulog! Hindi ko malaman kung sinasaniban ka ba ng anak natin. Mas malikot ka," sabi ko at nagsanggag ng kanin.
Sa tuwing maalala ko ang panaginip ko kinakabahan pa rin ako. Ayokong mangyare 'yon baka ikamatay ko.
"Sorry nga pala kaga--" hindi ko na pinatuloy ang sasabihin ni Myra dahil sinubo ko sa kaniya ang mansanas na kinakain ko.
"Kumain ka ng prutas," sabi ko habang niluluto naman ang ulam namin.
"May iba akong prutas na gusto," sabi nito.
"Ano?" tanong ko.
"Saging? Meron pa ba?"
"Oo, wait," sabi ko at kumuha ng saging mula sa ref. paglingon ko naman kay Myra ay nakita ko itong pumasok sa banyo.
Sinundan ko ito dahil hindi naman sarado ang pinto, iaabot ko sana ito sa kaniya pero nagulat ako nang makitang nakaupo ito sa bowl.
"Hoy! Bastos!" sigaw sa 'kin ni Myra.
Tumalikod naman ako.
"Bakit kasi hindi ka nagsasarado ng pinto!?" inis na tanong ko sa kaniya.
"Naiihi na ako! Alam mo bang ilang beses ako nagigising sa gabi para lang umihi! Kulang na lang tapalan ko 'tong ari ko para hindi labas ng labas ang ihi ko!" galit na sigaw ni Myra.
"Oo na!" ani ko.
Narinig kong nag-flush na yung bowl kaya humarap na ako. Naghugas muna ng kamay si Myra saka lumapit sa akin at kinuha ang saging.
BINABASA MO ANG
My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMAC
RomancePUBLISHED UNDER IMMAC FOR 420 PESOS (AVAILABLE IN IMMAC CAFE, SHOPEE AND LAZADA) Synopsis Ang gusto lang naman ni Myraquel ay makatapos ng pag-aaral upang maiahon sa kahirapan ang nag-iisa niyang pamilya-ang kaniyang ina. Ngunit dahil sa ginawa ni J...