Nandito pa rin kami sa Artcore cafe. Yung dance floor parang puno ng mga wild animals na nag wawala at yung cr parang libreng motel.Ano kaya nangyayari sa mundo?
"Hey manang!" Napalingon agad ako nung sumigaw ang babae.
Halata naman kasing ako yun noh.
Nag tawanan naman agad yung iba pa niyang kasama ngunit wala lang aking reaksyon.
Totoo naman kasi sinasabi niya eh pero atleast mukha akong desente.
"Ops, can I call you manang?" Sabi nya.
Ahh, trip mo ko ah.
"Sure" ngumiti ako at humahagikhik ang iba pa niyang kasamahan "but can I call you payaso?" Tanong ko.
Nakikita ko ang bakas ng inis sakanyang mukha habang ang mga lalaki naman ay nag pipigil ng tawa.
"Excuse me?!" Mataray niyang tanong
"You're getting yourself in trouble, wag ka na gumanti mga utak talangka yan" bulong ni Blast.
Okay.
"Ahh ehh I mean payaso kase you are making us smile he he he" palusot ko
Napatawa naman ang iba pa niyang kasama.
"Bitch" mahina niyang bulong.
So far hindi naman nila ako pinakealaman. Pinipilit nila akong uminom ngunit hindi ko talaga kaya. Bakit naman ako iinom?
"Hey stupid" napatingin ako kay Blast.
Ang pogi niya. Kahit madilim ang pogi niya. Ang ganda pa ng mga mata, yung tipong pag tinignan mo ay mawawala ka sa iyong sarili.
"Oh?"
"Come with me" sabi niya
Masunurin naman ako kaya sinundan ko siya.
Sa wakas! Nasa tahimik na environment na ulit ako.
"Hays, ang saya" sabi ko
"Are you having fun inside?" Tanong niya.
Unti unti ko siyang tinignan at ako'y umiling. "Dito ako masaya"
"You're so weird" pa iling iling niyang sabi sabay hithit ng kaniyang yosi.
"I prefer silence over nonsense noise" sabi ko habang naka tingin sa malayo.
Binalot kami ng isang nakakabinging katahimikan at tanging malaming na simoy ng hangin lamang ang nag sisilbing musika sa aking tenga.
"Eh ikaw?" Basag ko sa katahimikan.
"I prefer nonsense noise" sabi niya at humithit "it is making me forget the voices inside my head. The thoughts that are killing me everyday." Sabi niya at umalis na.
Alam kong nakakulong ka Blast, pilit mo lang minamahal ang selda mo kaya't nag mumukha kang miserable pero bakit nga ba?