"Haynako yosi nanaman pre, di kaba nag sasawa kaka yosi mo?" Reklamo ko"Ikaw? Di kaba nag sasawa kaka dada dyan?" Iritado nyang sabi sabay hithit ng yosi.
Umirap na lamang ako at tumingin sa kung saan saan hanggang sa nahuli ng mga mata ko ang isang kaha ng yosi nya,
Marlboro red
May warning pang may kasamang picture ng kung ano mang sakit na maaaring maidudulot ng pag yoyosi.
Tumingin ako sakanya, nag yoyosi padin, ang pogi nya talaga hihi enebe.
Messy ang kanyang buhok, matangos ang ilong, maputi, chinito, at medyo maputla ang labi (siguro dahil epekto na din ng kakayosi nya)
Sunod sunod ang pag hithit nya ng yosi na tila ba'y parang katapusan na ng mundo at mauubusan sya ng yosi.
Hays, ano kaya ang feeling pag humihithit ng yosi?? Pwede nya namang hithitin labi ko, charot!
Blast Corpuz, sino ka ba talaga at
bakit inlove na inlove ka sa yosi?=BAHAY=
Pagkabukas ng bahay, same scenario.
Nag rereklamo nanaman si inay tungkol sa buhay niya. Naririnig ko nalang na sinasabi ni nanay na 'kung hindi sana ako nabuntis sa batang yun ay nasa korea na ako ngayon'
Tanging ngiti na lamang sa mga labi ko ang kaya kong ibato sa masasakit na salitang iyon.
Wala rin naman akong magagawa diba? Kung mag iiiyak ako. Hindi na ako marunong umiyak eh hahaha.
Ngiti na lamang ang kaya kong iganti. Maswerte parin ako at nabuhay ako kahit ganito.
Life is a gift from God.
I shouldn't waste it. Bahala na kung kamuhian ako ng lahat! May isang tao panamang mahal na mahal ako eh at yun ang panginoon.
Pumasok na lamang ako sa aking kwarto para mag bihis at mag luto na.
cold treatment lang ang binibigay nila sakin yung para bang iniimagine nila na hindi ako nag eexist? Well, okay na yun noh!! I'm beyond blessed.
Pag labas ko ng aking kwarto, nadatnan ko si nanay na nag yoyosi kayat napatingin ako sa kaha ng kanyang yosi.
Marlboro Blast.
Na curious ako kaya tinitigan ko pa itong maigi. Parehong may warning ang kaha ng yosi na ito sa yosi ni Blast, yun ngalang mas maganda itong Marlboro Blast na ito, lamang siguro sa packaging at sa design ng yosi kasi parang may bilog eh.
Pero
Maganda man o hindi ang anyo nila panlabas, pareho naman silang nakakamatay.