"MALANDI KANG BATA KA!!!"Sabay sabunot sa akin papasok ng aming bahay.
Walang reaksyon sa aking mukha. Hindi rin ako pumapalag.
*Pak
Sinampal niya ako. Ramdam na ramdam ko ang gigik niya bawat pananakit niya sa akin.
"Susan! Tama na!" Sigaw ni papang.
"Manahimik ka tanda!! Kinukunsinti mo pa itong malanding to?! Alam mo kung hindi ng dahil sa iyo ay ipina laglag ko na ito" sabi niya.
Patuloy parin siya sa pananakit sa akin ngunit hinahayaan ko lang sya. Ramdam na ramdam ko ang gigil niya.
Ang kaniyang mga mata ay nag aalab na para bang kahit anong oras ay gusto niya nang pumatay ng tao.
Hinahayaan ko lang siya sa kaniyang ginagawa.
Nag babakasakali.
Nagbabakasakaling maibsan ang bigat ng nararamdaman niya saakin.
Nagbabakasakaling sa pamamagitan ng pananakit niya ay gumaan naman papaano ang kaniyang loob.
Hindi ako galit sakanya. Naiintindihan ko, ako ang sumira ng kaniyang buhay.
Ilang minuti pa ay tinantanan na ako ni inay kaya't pumunta na ako sa aking kwarto.
Dito ki na lamang ibinuhos lahat ng luhang nag babadyang pumatak kanina.
Tao din ako, nasasaktan.
Pinunasan ko kaagad ang aking luha nang may kumatok sa pintuan.
"Iha" naka ngiting bungad ni papa.
Ang aking lolo. Matanda na siya at medyo mahina na sya kumilos.
Lagi niya akong nginingitian. Na we-weirdohan nga ako eh. Iniisip ko nalang na natutuwa siya dahil nabuhay ako para naman magkaroon ako ng rason na lumaban sa kasakiman ng mundong ito.
"Oh papang" sabi ko.
Hinawakan niya lamang ang aking ulo at hinalikan ang aking noo at ngumiti at tsaka siya umalis.
Napangiti ako at tila ba parang lahat ng sakit sa puso at katawan ko ay naglaho na parang bula.
Mundong masama
Sapagkat totoo
Laging may kasama
Hanggang sa huling yugto.