CHAPTER FIVE

541 29 15
                                    

" ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK "
WRITTEN BY SHERYL FEE

CHAPTER FIVE

"CONGRATULATIONS MASTER CHEF." Ang bukambibig ng lahat. Kaliwa't kanan na pagbati sa kanya na halos mula simula hanggang sa kasalukuyan ang naririnig niya.

Pagdating na pagdating niya sa kanilang tahanan ay halos buhatin na siya ng mga tao dahil sa magandang balitang dala-dala niya. Hindi pumayag ang abuelo niya na walang thanksgiving partu kaya't kahit impronto lamang ang paghahanda'y dinaluhan pa rin ng halos buong Bontoc.

"We are so proud of you iho at kunting halaga lang ang pagpapakain natin sa mga kababayan natin." Wika nga ng abuelo na sinigundahan ng abuela.

"On your first attemt apo, nagwagi ka kaya't panatilihin mo ang iyung mga paa sa ibaba upang mas malayo ang mararating mo. Congratulations apo ko." Ani 'to.

Ilan lamang iyun sa mga pagbating narinig niya sa loob ng pamilya nila dahil nagsidatingan ang mga kapatid ng kanyang ama kasama ang pamilya nila. Puwera pa ang mga nagsipagdalo.

Kaso!

Sa gitna ng tagumpay niya sa international competition ay umaagaw eksena sa isipan niya ang inosenting mukha ng dalagang nanakawan niya ng larawan although sa airplane din naman.

"Nasaan na kaya siya? Nakauwi na kaya ng bansa?" Piping sambit niya na hindi niya namalayang nasabi pala niya kaya't nagulat siya ng nagsalita ang kaibigan niya.

"Oist parekoy may hinahanap---patingin nga---saan mo nakuha ang larawan ni attorney Cameron?" Tuloy ay wika ni Marcus Xander.

Paano naman kasi!

Bubulong-bulong na hawak ang cellphone kung saan pinagmamasdan ang larawan ng babaing pumukaw sa damdamin niya. Ang kauna-unahang babaing gumising sa puso niya na laging sinasabihan ng mga nakapaligid na late bloomer dahil sa wala naman talaga siyang naging kasintahan simula nag-aral o sa teenage life. But when the wedding of his cousin's cousin to his father side he saw her, and she even visited Bontoc with them, and they bumped each other at magkatabi pa sila sa eroplano na siay rin yatang nagbigay ng suwerte sa kanya.

"Tsk! Bakit ang ingay mo?" Tuloy ay sabi niya pero pinagtawanan lang siya ng kumag.

"Alam mo kapatid kung plano mong manligaw diyan pag-aralan mo ang maging detective Connan." Tawa pa nito.

"And why? Anong kinalaman ni detective Connan diyan bro?" Taas kilay niyang sagot.

"Well well according to malditang may sungay kaya siya laging out of the country dahil takot mambasted. May kapatid iyan sa Madrid who happen to be my bayaw Enrico Cameron, kaya laging wala sa bahay nila dahil umiikot sa pamilya nila para lang mapagtaguan ang manliligaw dahil takot mambasted. At kung kakilala naman nila ang manliligaw sana'y sa Madrid daw iyan nagtatago and that's all I know dahil nakuwento ni malditang may sungay noong natanong ko kung kailan naman ang kasal ng hipag niya. So good luck kapatid." Sagot nito.

Sa narinig ay muling nanumbalik ang mukha nito at ang pagbulong nito na "sinusundan mo ba ako".

Kaso...

The coward of the mountain showed up too finally!

"Oh ano naman ang pinagbubulubungan ninyong dalawa diyan?" Agad nitong tanong.

"Ay grabe ka naman pinsang kong guwapo pero mas guwapo ako, interrogation agad? Baka naman maaring batiin mo muna ang chef cook natin bago ang tanong?" Pabirong supla ni MX kaso ano pa ba ang aasahan nila dito na mas sumungit na yata simula noong huling luwas nito sa Baguio na hindi man lang nila nalaman hanggang sa mga sandaling iyun kung ano ang dahilan.

ELIJAH GREGG, THE CHEF COOK WRITTEN BY SHERYL FEE(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon