i. lowercase intended.
ii. grammatical / typographical errors ahead.
iii. offensive words ahead.~•~
nevada's pov
"oh isa na lang, isa na lang aalis na!" sigaw nung barker kaya naman nagmamadali akong pumunta doon sa may jeep. "oh sa kanan isa pa." sabi pa ulit nito at tumingin naman ako sa wrist watch ko. "shit, 7:48 na." sabi ko sa sarili ko.
akma naman na kong sasakay sa jeep nang biglang may dumating na babae. maganda siya, kaso may adam's apple. hinila niya ko pababa ng jeep at siya naman yung umakyat, kaya hinila ko rin siya pabalik. aba, ang galing naman neto.
"excuse me?" mataray nitong sambit habang nakataas ang kilay. halata sa boses nito na pinipilit niya lang maging boses-babae. "hoy, excuse me ka ren. nauna kaya ako dito." sabi ko naman. "what the--- i don't care! nagmamadali na ko kaya you better go away." mataray nitong sambit at akmang aakyat na ulit siya sa jeep, kaya hinarang ko siya.
"you better go away nye nye nye. nagmamadali na rin ako eh, pwede ba." sabi ko naman at inilabas pa ang dila para mas lalo siyang asarin. bAklAng tWo. "aba, you---"
"Harriette, ano ba? kanina pa kita hinahanap! tara na nga!" sambit naman nung kasama niyang bagong dating lang. umuulan ata ng kabaklaan dito eh. tumingin naman sakin ng sobrang sama yung 'Harriette' na yun. "tsk, whatever." sabi niya at saka umirap pa sakin saka tuluyan na silang umalis. "whateverin ko yang mukha mo eh, hmp." mahina kong sabi.
"hoy ano ba? sasakay ka ba?" tanong naman nung barker at sinamaan ko siya ng tingin. "obvious ba? taeng-tae, di makapag-hintay?" pilosopo ko namang sabi at saka tuluyan nang sumakay ng jeep.
~•~
nevada's pov
"please, please... sana umabot ako sa interview please." sabi ko sa sarili ko habang naglalakad ng sobrang bilis. napatingin naman ako sa wrist watch ko at 8:26 AM na. hindi ko naman inakalang sobrang layo dito, sumabay pa yung sobrang traffic.
nang makapasok na 'ko ng building, lumapit ako agad doon sa receptionist. in fairness, ang gandang receptionist nito ha. nawala tuloy bigla yung stress ko. pero hindi, loyal ako sa bebe ko hehe.
"hi, m-may... may interview ako with mr. Santiago." nakangiti kong sabi doon sa receptionist. bigla namang napalitan yung ngiti niya ng pag-aalala tapos parang natatae na ewan, ganun.
"oh, uhm... are you ms. Nevada Rim Mendez?" tanong niya at agad naman akong tumango-tango habang nakangiti. "oh, i'm sorry ms. Mendez, but mr. Santiago left 10 minutes ago. you're 20 minutes left na kasi, sorry." sabi niya naman. "a-ah, hindi, kasi... kasi sobrang traffic kasi eh, tapos medyo nagkaproblema pa kanina. uhm, kelan ko kaya siya pwedeng ma-meet ulit?" natataranta 'kong sambit. naluluha na rin ako kasi hindi pwede 'to. kailangan 'ko ng trabaho. ito na lang yung pwede 'kong pasukan tapos ganito pa.
"ha? eh first and last interview na 'to. sabi nga nila, it's now or never. apply ka na lang ulit sa iba, sorry." sabi pa niya. tumango-tango na lang ako. "s-sige... thank you, alis na ko..." sabi ko at ngumiti ng pilit. tumalikod naman na 'ko at tumingin sa brown envelope na hawak ko habang naluluha. tanginang buhay 'to.
lumabas na ulit ako ng building at pinagmasdan ang paligid. ang daming tao, ang daming mga nakatayong mga building, mga billboard, mga poste, ang dami ring mga nagdaraang mga sasakyan. napaka-dami. pero bakit sa sobrang dami na yun, ako yung pinakamalas? part ba 'to ng sumpa sa pamilya namin na lahat ng magiging asawa namin, mamamatay? eh bakit sila mama? may kaya na ngayon sila ni papa sa province. di 'ko lang maintindihan kasi... kasi alam 'ko namang may mga pinagdadaanan ding mga problema 'tong mga taong 'to, pero ba't parang sakin yung pinakamabigat?
napakamot na lang ako sa ulo ko sa sobrang dami ng mga ideyang pumapasok sa isipan ko pero maya-maya pa'y biglang tumunog yung phone ko. agad ko naman itong kinuha mula sa bulsa ko at sinagot yung tawag.
"hello, ma? ba't... ba't napatawag ka?" masigla 'kong bati sa kaniya para kunware wala akong problema. "uhm... k-kamusta ka naman jan sa Manila?" tanong niya. merong kakaiba sa boses niya ngayon. nanginginig yung boses niya at parang kagagaling lang sa iyak. "ah, i-ito... okay lang naman. kelan kayo susunod dito ma? excited na 'kong makita kayo." sabi 'ko habang nagpipigil ng luha. oo, kunware okay lang ako. ayoko namang isipin ni mama na i failed. na sayang yung pagpunta ko dito. naturingan akong panganay tapos hindi ko matulungan yung pamilya ko.
"hindi muna ata kami matutuloy 'nak, pasensiya na." sabi niya habang humihikbi. napakunot naman ako ng noo. "umiiyak ka ba ma? saka akala ko ba susunod kayo dito? ilang taon ko na kayong hindi nakikita oh. miss 'ko na kayo, ikaw, si papa, si renren saka si reo." sabi ko habang nanginginig na rin yung boses. puta, sabi ko hindi ako iiyak eh. ano ako, iyaken?
"s-sorry anak. m-may problema kasi dito eh." sagot niya naman. "anong problema ma? kayo, may gulo na pala jan, 'di niyo man lang sinasabi sakin." sabi ko naman. "ano ba yun?" dagdag ko pa.
"anak... yung papa mo kasi... dinala sa hospital kagabi. inatake siya sa puso. w-wala na yung... yung papa mo." sabi niya at tuluyan nang umiyak.
bigla naman akong nablangko at parang bumagal yung kilos ng mga tao at ng mga sasakyan. unti-unti 'kong ibinaba yung phone ko, kasabay noon ang unti-unting pagbuhos ng mga luha ko. wala na rin akong ibang marinig kung hindi ang tibok ng puso ko. sobrang lakas, nakakabingi.
unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko. mabagal akong naglakad palayo sa building na iyon. hindi ko na rin alam kung saan ako mapupunta. basta, naglalakad lang ako habang blangko pa rin yung utak ko.
"wala na yung papa mo..."
"yung papa mo...
"yung papa mo..."~•~
nevada's pov
"bakit ka nga ba nakikipag-inuman sakin? saka... sino ka ba?" tanong nung lalaking kausap ko ngayon habang ako nama'y patuloy lang sa pag-inom. lasing na 'ko, malabo na rin yung paningin ko. duling na ata ako eh.
"ewan." sabi ko na lang at kinuha yung bote ng beer at saka uminom. ramdam ko yung malamig na alak na dumadaloy sa lalanunan ko. nang maubos ko na yon, binitawan ko na yung bote, dahilan para mabasag ito. "ha?" tanong niya saken.
"hatdog." maikli 'kong sabi at saka tumayo na.
"oh, sa'n ka pupunta?" tanong niya ulit. "di ko alam. bahala ka na jan." lasing 'kong sabi at saka pagewang-gewang na naglakad palayo. "hoy teka! naiwan mo oh!" sigaw nung lalaki nung medyo nakalayo na 'ko lumingon naman ako at nagflying kiss sa kaniya, at saka naglakad na ulit ng pagewang-gewang sa daan.
sa ngayon, wala na akong pake kung makatapak man ako ng tae, kung kidnappin ako, holdapin ako, o kahit patayin man ako ng mg tao jan. patapon na rin naman na yung buhay 'ko. actually, hinihintay ko na nga lang yung sundo 'ko eh. kaso ang tagal niya. natraffic siguro.
maya-maya pa'y nakakita ako ng kotse na bukas ang pinto. diba, kahit malabo na yung paningin ko, kita ko pa ren. ah, ewan basta.
nilapitan ko yung kotse na iyon nang biglang nakaramdam ako ng antok. wao, tumayming ka pa ha, yawa. gusto ko na lang tuloy humilata sa kalsada tapos matulog, ganorn. sibce bagay naman sakin yun eh. ako lang naman si Nevada Rim, isang kawawang bisexual na hindi nagkaroon ng trabaho, hiniwalayan ng girlfriend, at namatayan ng tatay. huh, great. pero ba't parang hindi pa rin ako nakakalapit dun sa kotse? akala ko malapit lang. o baka kasi pa-zigzag ako maglakad kaya malayo?
nung makalapit na ako, agad 'kong sinilip yung loob ng kotse. nakita ko yung dalawang babae na magkamukhang-magkamukha habang natutulog. o baka nga duling lang talaga ako? pero maganda siya ha. mahaba yung buhok niya tas nakasuot siya ng pink dress.
dahil na rin sa sobrang antok, pumasok ako sa loob ng kotse at tumabi doon sa babae sa back seat. "patulog. salamat." sabi ko at isinara na yung pinto ng kotse.
BINABASA MO ANG
Be My Man, Sis.
Random+Nevada used to be an ordinary human; bisexual, living on her own, and try'na help her family. but everything changed when she lost the job, her girlfriend broke up with her, and her father died. it's like, she's very unlucky. however, there are two...