EPILOGUE

57 1 0
                                    


            RAVEN'S POV.






"ANO BANG NANGYARI?" Nagkibit-balikat si Sky sa tanong na iyon ni Guiller.

Hinahanap namin si Lyndon pagkadating namin nang may magbalitang nasa school clinic daw ito. Nawalan daw ng malay. Pero walang makapagsabi kung bakit.







"Nagulat yata kay Mae," sabi ng janitress na nagsabi saamin ng nangyari.

Nagtataka ako bat kilala ng janitress si Mae pero 'di na ako nagtanong pa.







"The fck!? Nandito na ulit si Mae?" nagningning ang mga mata nila.

Halos patakbo kaming pumunta. Kaagad binuksan ni Ji ang pintuan. Natutok ang mga mata namin kay Lyndon na nakahiga at wala pa ring malay.

Nang mapatingin kami Kay Ji, May kausap pala s'ya pero hindi ko makita dahil nahaharangan n'ya ito.







"I'm so glad. I miss the old you."

Nagkatinginan kami. Hindi pa rin namin makita sinong kaharap n'ya.







The old you? Anong sinasabi n'ya?

"Yeah. Me too."

Hindi ko alam kung paano magre-react. Tama ba ang dinig ko o dinadaya lang ako ng tenga ko? Ilang gabi na rin akong halos walang tulog kaya hindi na ako magtataka kung sakali mang nababaliw na ako.







Humarap si Jireh saamin pero hindi na ako nakapaniwala pa. Tama ako. S'ya nga ito.

Pero nasaan na ang dating kalamigan ng bawat tingin at kilos n'ya? Parang may nagbago. Walang emosyon ang mukha n'yang nakatingin saamin pero pakiramdam kong may Kakaiba talaga. Hindi ko lang talaga masabi.

"Maaaaeeeeee!" nanlaki ang mga mata ni Sky at kulang nalang ay sugudin ito ng yakap pero halatang nagpipigil s'ya. Alam n'ya rin siguro na hindi naman talaga sila close.







"M-Mae..." halos bulong na usal ni Guiller pero dinig na dinig ko naman.

"Ipapakilala kita." doon na ako nagtaka. Ipapakilala n'ya saamin si Mae? Anong sinasabi ni Jireh?







Tumikhim ako dahil may naramdaman akong parang nakabara sa lalamunan ko.

Bakit ganto? P-Parang... Kinakabahan ako? Bat bumibilis ang tibok ng puso Ko?







"Guys, she's back. Anne Lorianne Mae Fuentes, my old bestfriend is back to being herself years ago..."







Nabingi ako sa katahimikan. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Hindi ko parin nagets gaano ang mga huling sinabi n'ya.

Naguguluhan ako.

Dapat na ba akong magtanong? Pero paano? Ah, ewan. Kahit ang mayabang na si Guiller ay nakatingin lang din, ang siraulo at loko-lokong si Sky at wala ring masabi.







Nakangiti si Jireh at akala mo nagniningning pa ang mga mata n'ya. Parang may napakagandang nangyari.

Pero napansin ko ang tahimik na pag-abot ni Skyler kay Guiller ng isang susi. Kung hindi ako nagkakamali, iyon 'yung susi ng Ducati ni Guiller.







Hindi ko 'yon gaanong pinagtuunan ng pansin.

"An---Ano, Ji?" lumunok pa ako nang ilang ulit. Hindi ko na kaya pa ang curiosity ko. Unti-unti ako noong kinakain.

"Si Lorianne Mae ---"







"Hoy," hindi pa natatapos ni Jireh ang dapat ay sasabihin n'ya Nang magsalita si Lyndon. Pinanood namin s'yang dahan-dahang umupo mula sa kama habang nakangiwi.

"Anong nangyari, bugok?" umupo si Skyler sa tabi n'ya. "Ang OA mo rin eh! Anong katangahan ang pumasok sa utak mo at nahimatay ka. Nakakahiya ka, para kang hindi lalaki, loko ---"







"I miss you all. I miss this." alam kong hindi Lang ako ang nanigas doon nang marinig ang malumanay at kilalalang-kilala naming boses.







In a slow motion, we face Jireh and Mae.

Pero ang mas ikinagulat ko ay parang nagpahina rin ng mga buto ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na kakayaning makatayo kaya napahawak ako nang pasimple sa maliit na mesang nandoon.







Si Mae...





Si Mae kasi...











Oh my God, Mae... S-She's smiling!





That killer smile...









Parang alam ko na kung bakit nawalan ng malay si Lyndon!








***THE END... ***




A/n: matapos ang walang kasawaang katamaran ko, natapos ko rin.

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon