BOOK 2

72 1 0
                                    


Tama po ang pagkakabasa n'yo. Dahil obvious naman na putol ang wakas nito ay talagang may book 2. So, thanks sa nagtiyaga at sa may mga balak pang magtiyaga.

Sisikapin kong mag-update once or twice a week. Kung sakali lang na maraming time. Sana...

Sa Book 2, Season 2, Sequel, Volume 2 (o anumang dapat itawag), maraming action doon pero teenfic parin ang genre or non-teenfic kaya? Not sure. Mas mahahaba rin ang chapters dahil iiwasan ko na nga ang katamaran ko. Hahaha. Nahiya naman ako sa ever supportive kong kaibigan na mahilig magreklamo sa katamaran ko daw. Daw lang dahil hindi ako sure ng sobra.

Sus, oks lang maghintay sa updates. Kayo nga, naghihintay parin sa mga taong wala namang pagmamahal sainyo e. Ay, May hugot pa e.

Thanks sa mga nagmahal kay Mae at sa Walking Heartaches/Seventh Century (Guiller, Raven, Jireh, Skyler, Lyndon) and Of course, sa iba pang mga characters.

Nandito ang ilang mga questions saakin ng ilan about this story. (Thru email, Facebook, Wattpad or personal.)



Q. BAKIT PO ANG HAHABA NG NAMES NILA. HAHAHAH, MAGAGANDA NAMAN KASO MAHABA TALAGA.

A. trip ko lang po. Yan naiisip ko e, tsaka maganda talaga kapag mahaba (oppsss, hindi sya double meaning ha? Hahahahaha.)





Q. TOTOO PO BANG MAY SAKIT NA ZEeD OR ZERO EMOTION DISORDER KUNG SAAN NAWAWALA ANG EMOTIONS DAHIL SA HINDI MAGANDANG PANGYAYARI?

A. Actually, hindi ko po alam. Kyeme lang yan, mema, naisip ko lang. Siguro may ganyan ngang disorder pero, I'm not sure talaga.





Q. WAKAS NA PO BA TALAGA 'TO OR MAY BOOK 2 OR 3 OR 4 TO 100? HAHAHA

A. Wakas na po ng Book 1. May book 2 Syempre pero not sure sa Book 3 at hindi naman siguro to aabot ng Book 100. (Ang haba naman nun? Kakatamad.)





Q. KAILAN NYO PO BALAK MAG-RESIGN SA KATAMARAN?

A. Actually, ang totoo po n'yan, ang katamaran po ang ayaw magresign saakin. Kahit anong gawin ko, nag-i-stay parin s'ya. (Oh, ediwow. Sana ol nag-i-stay, diba!?)





Q. Base po ba sa mga totoong buhay ang pangalan nyang characters?

A. Medyo, pero hindi lahat. Skyler Xian Red is my nephew. (Pero hindi Leighton last name n'ya, hahaha). Si Lyndon yung anak ng bagong lipat sa lugar namin at kapit-bahay ko rin si Raven. Si Jireh ay yung napakatalino kong classmate nung Junior Highschool ako. Yung name na Guiller naman ay... Ewan, naisip ko lang. Si Anne Lorianne naman yung magandang school mate ko. (Crush ko 'to e.)

Kay Kurt naman ay galing sa pinsan ko. Kapatid ko ay nagngangalang Princess habang yung name na Dexter ay galing kay Denmark na Classmate ko. (Tinatanong kami no'n ng bagong teacher one by one kung anong name namin. Si Denmark, sabi n'ya Dexter pangalan n'ya kaya tawa kami nang tawa. Mula no'n, Dexter na tawag sakanya.)

Yung ibang characters pa liban sa kanila ay mula sa mga nakikilala ko.





Q. PWEDE PO BANG SI BABY RAVEN NALANG MAKATULUYAN NI MAE? SIGE NA PLEASEEEEE.

A. Aba, malay ko ho. Kay Mae n'yo sabihin, hindi naman ako magpapasya eh, sya. Hahaha.





Q. MAY STORY PO BANG IBA SINA KURT AT MIKA OR KAHALO LANG NITONG STORY?

A. Ewan. Pwede rin namang patayin ko nalang isa sa kanila or silang dalawa na para mas mabawasan itatype ko. Hehehe. Pero Syempre Joks lang! Alam na nating lahat na matamad ako kaya naman mas gugustuhin ko nalang (Kung sakaling sila man) na isama dito sa story. Pero kapag talaga nagresign na ang katamaran ko, lilipat ko sila, promise yan.





Q. AKIN NALANG PO SI LYNDON AND SKY, PWEDE PO BA?

A. Sige, okay lang po. Basta't bigay mo sakin PS men---este, lahat na Pala ng CCmen. Deal? Ipapamigay ko lang sa mga pinsan ko.





Q. SINO PO MAKAKATULUYAN NI MAE?

A. Malay ko. Wala akong alam d'yan. HAHAHAHAHA, sikretong malupiiiittttt.





Q. MAY BS PO BA ANG STORY NA TO? HEHEHEH SORRY NA, CURIOUS LANG.

A. Teenfic po ang genre, ipagpatawad n'yo, wala. Pero kung papalarin, (Waaahhhhh, papalarin talaga eh) kapag inatake ako ni Pareng kasipagan at nailagay ko ang S3, at kung susundin ko ang isinulat ko noon, yes po, baka sakali. Haha.




So iyon, thanks sa mga nagtanong. Oh, diba, sinipag akong sagutin. Akala n'yo ha! Sana rin ay nasagot ko ang tanong n'yo sa matinong paraan. Hehehe.

That's it. Love you all!

---
LOC-2nd

Don't Fall, She's Mine √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon