Sabi nga nila, kapag nagmahal ka, binibigay mo lahat, ginagawa mo ang lahat, kahit nagmumukha ka ng tanga. "Mahal ko kase ehh." Yan yung laging rason ng mga taong nagmamahal. Pero di ba kapag nagmamahal, it's a two way around. Mahal mo siya, Mahal ka niya. Pero paano kapag mahal mo nga siya, pero siya, di makuntento na mahalin ka lang. Naghanap siya ng iba, pero kayo pa. Nalaman mo, nasaktan ka. Umiyak, nagmakaawa na bumalik siya sayo. Nakiusap kang gagawin mo ang lahat, mabalik lang ang dating saya nung unang naging kayo. Bumalik siya, naging masaya ulit kayo. Di nagtagal, nalaman mong niloloko ka na naman niya. Paulit-ulit. Hanggang marealize mong pagod ka na. Ilang chances pa ba ang kaya mong ibigay. Kaya pa ba ng puso mong kumapit sa salitang "one last chance."
Ako nga pala si Sarah Arellano, 18 years old, at 3rd year college na sa isang private university. Boyfriend ko si Blue Montez, 19 years na old na siya, at classmate ko mula pa ng elementary hanggang ngayong college. Tagal na no? Magbestfriend kase mga magulang namin. Kaya mula bata pa kami magkakilala.
Si Blue ay isang masayahing tao. Palakaibigan, relihiyoso at sobrang gwapo kaya maraming nagkakagusto sa kanya. Samantalang ako, tahimik pag nasa labas, maingay kapag kami lang ni Blue. One of the boys ako, mahilig sa basketball, di palaayos at carefree. Wala akong paki sa itsura ko as long as komportable ako sa ayos ko, okey na yon. Sabi nila maganda daw ako, pero para saken, ordinaryo lang naman itsura ko. Kasama ko si Blue sa simbahan. Pareho kami choir. Close kami kahit na noong di pa kame. Parang enemy-bestfriend ba ang turingan. Palagi kase niya kong inaaway, tapos palagi niya din akong nililigtas kapag may hindi magandang nangyayari saken.
Naalala ko nung 14 years old kame, dun ko narealize na gustong gusto ko siya, yung tipong nawindang ang puso ko nung niligtas niya ko ng ilang beses sa queen bee namin nung high school, binubully kase ako dahil sa pagiging malapit namin ni Blue sa isa't-isa. Ang dami kaseng may gusto sa lalaking to kaya ang dami din nangbubully sakin ehh. Lumalaban ako, pero madami talaga sila kaya dehado ako. Madalas, di alam ni Blue na ganito na kalala yung nangyayari sakin sa school. Pero isang araw, nagbago ang lahat. Pati ang pagkakaibigan namin ni Blue.
Flashback
Papasok ako ng gate ng school namin ng may maramdaman akong di maganda, yung parang kinabahan bigla kase parang may di magandang mangyayari saken. Pagpasok ko sa gate, sakto yung pagbuhos ng tubig saken na may yelo pa. Sakto talaga na parang naligo na ko.
" hahaha !!! Yan ang napapala ng malalandi!!! Bagay lang sayo yan bitch. Sa susunod kase, pag sinabing wag ka ng lumapit kay Blue, gawin mo nalang, para di ka na nabubully ngayon. Hahahaha basang sisiw!!!!"
Si Charlot, ang queen bee ng school, maldita at mataray. Kapag gusto niya, sinasabi at ginagawa niya talaga. Nagkataon na gustong gusto niya si Blue kaya lagi niya kong inaaway.
"Charlot." Mahinahon kong sabi. "Ilang beses ko bang sasabihin sayo na kahit anong gawin mo, di ko lalayuan si Blue. Magkaibigan kame, di mo na maaalis yon. Kung may gusto ka man sa kanya, sabihin mo ng diretso sa kanya. Wala naman akong pakielam. At wala ka ding mapapala kahit gawin mo pa to sakin." Mahinahon kong sabi sa kanya. Pero sa loob loob ko, gusto ko ng umiyak, ang lamig sobra, tapos ang daming nakatingin. Nakakahiya.
"Aba't sumosobra na talaga yan bibig mo no. Girls!!!! Let's start making this girl's life like a HELL!! Hahahaha!"
Pinaligiran ako ng mga alipores niya. Pati yung mga lalaki na may gusto sa kanya sumali din. Hinawakan nila ako para di ako makapalag. Tapos pinagbabato nila ako ng harina, itlog at pinagsasabunutan. Masakit, umiiyak na ko. Pero pilit pa din akong lumalaban. Hanggang tumahimik yung iba, yung tipong biglang natakot. Hanggang sila Charlot nalang yung maingay.
"WHAT DO YOU THINK YOU'RE DOING TO SARAH!!!!" Dumagundong sa buong school yung boses niya. Nakakatakot. Ngayong ko lang narinig si Blue na sumigaw at magalit ng sobra. Napatigil sila Charlot sa ginagawa nila sakin. Bago pa nakalayo yung mga lalaki sakin, bigla nalang nagsitumba ito. Sinuntok ni Blue. Iyak pa din ako ng iyak.
BINABASA MO ANG
One Last Chance
Teen FictionThis is just a short story. I wanna try my creative skills :) It's all about chances for Love. If it is worth to give or not.