Chapter 46: She Wakes up

156 2 1
                                    

"Sinabihan na kitang umuwi na kayo, ang tigas ng ulo mo," hila-hila ni Simon si Nathalie pababa.

"Let me go, Simon! Bakit mo ba ako pinapauwi? Hindi naman ikaw ang pinuntahan ko ah!" mataray na tugon ni Nathalie.

"Nathalie for faith sake, nanggugulo ka tapos tatanungin mo ako bakit kita pinapauwi? Sobra na ang ugali mong iyan? Walang ginawa sayong masama si Ivana. Yung insecurities mo sa kanya ang di mo na halos mapigil," Simon scolded her.

"Simon! Hindi ako insecure sa kanya. And there is no reason to feel insecure to someone who doesn't have her own identity and wealth!"

"I don't want to argue with you, right now! You should go home. Karylle sumabay ka na kay Nathalie, hindi na kita ihahatid dahil hindi ako aalis ngayon!" marahas na tugon ni Simon at hinila hanggang garahe si Nathalie.

"Hindi ko kakalimutan ang ginawa mo sa akin ngayong araw na ito Simon! Bitawan mo na nga ako. Karylle halika na, wala tayong puwang sa bahay na ito, hindi natin dapat isiksik ang mga sarili natin dito," mabilis na pumasok sa loob ng kotse si Nathalie at malakas na isinara ang pinto.

Napapailing na lamang si Simon sa inasal ng pinsan nya. Nilingon nya si Karylle na tahamik na sumunod sa kanila.

"Simon, thank you for accommodating me. I have to go now!" Lumapit sya rito at humalik sa pisngi.

"Okay, take care!"

Pagpasok ni Karylle sa loob ng kotse ni Nathalie mabilis na pinaharurot nito ang sasakyan at halos banggain nito ang main gate ng bahay nila Simon.

Napapailing si Simon ng makita ang ginawa ni Nathalie. "Spoiled brat!" bulong nya sa sarili.

Sa loob ng guest room naman, nagising na si Ivana. Nang idilat nya ang mga mata, bumungad sa kanya ang maalwan na kwarto. Agad nyang napansin ang ibang kulay ng kisame, at naramdaman nya ang nakakabit na IV Dripping sa kanang kamay nya. Lumingon sya sa paligid. Nakita nya ang lalaking nakatungo na abalang nagkalikot ng cellpone nito.

Masakit ang lalamunan nya at labis ang uhaw na nararamdaman. She wanted to drink kaya tinawag nya ang pansin ng lalaki.

"Umm! I want some water," nanghihinang tugon ni Ivana.

Nag-angat ng ulo si Reymond ng marinig ang boses ni Ivana. Lumapit sya sa kama nito.

"Hi! You are awake! You want some water?" tanong nito sa kanya.

"Yes please!" mahinang tugon nya.

Mabilis na nagsalin ng tubig si Reymond at bago inabot sa kanya, inangat muna nito ang kama na hinigaan nya.

"Here is your water!" nakangiting inabot ni Reymond ang tubig.

"Thank you!" she drinks it immediately. Saka lamang guminhawa ang pakiramdam nya. "What's your name?" tanong nya rito matapos iabot ang baso pabalik kay Reymond.

"Uh! I'm Reymond! Did you feel better?" tanong nito.

Tinitigan ni Ivana ang gwapong mukha ni Reymond. Bakas sa aura nito ang elegance, ang bawat salitang binibitawan ni Reymond ay malamyos sa pandinig. Ivana thought Reymond is one of the rich people in this country.

"Yeah, I feel better! Salamat sa pagtulong mo sa akin last night. Ah, my name is Ivana Huo!" nahihiyang tugon nya.

"I know you! One of my family members knew you personally," tipid na tugon ni Simon.

"Ah ganon ba? I hope hindi naman masama ang pagkakakilala mo sa akin dahil--"

"Don't worry, I know you are not a bad person. I think my brother likes you so much!"

LOVE & REVENGE- THE RETURN OF THE HEIRESSWhere stories live. Discover now