Another episode of watching this mysterious guy smoking hehe.
As usual tahimik. Ilang araw ko na rin siyang sinusundan dito sa likod ng school at in fairness nag iimprove naman dahil hindi niya na ako tinataboy o sinisigawan.
"Hindi ka ba napapagod kaka sunod para lang lumanghap ng usok ng yosi ko?"
At in fairness!! Kinakausap niya na ako hehe.
"Hmm hindi naman. Na eenjoy ko nga eh" nakangiti kong tugon.
Masaya ako. Masaya ako at paunti unti at nag uusap na kami.
"Here" tinignan ko sya.
Kinuha niya ang kaniyang isang kaha na marlboro red at inalok niya ako. Kumuha naman ako ng isa at tinitigan ito.
Plain lang ang design unlike sa yosi ni nanay, maganda at may psrang hugis bilog pang pinuputok.
"Alam mo ba yung marlboro blast?" Tanong ko.
Nakakapagtaka, bigla niyang natigilan at tumingin sa malayo.
Anong meron?
"Why?" Cold niyang sabi at humithit.
"Ahh ehh wala naman he he. Kapangalan mo kasi eh." Sabi ko
"Hindi mo ba hihithitin yan?" Tanong niya
Umiling ako "hindi, pero akin nalang to" sabi ko at inilagay ko ito sa bag ko.
"What's with the bruise?" Tanong niya
Bruise?? Ahh, yung pasa ko sa braso. Sobrang higpit siguro nung pag kahawak saakin ni mama nung galit siya.
"Ahh eto? Wala lang." Pag sisinungaling ko.
Wala namana sakin to eh kaya di na dapat pag usapan.
Ewan ko ba. Prang lahat ng sakit na nararamdaman ko napapawi pag nakikita ko siyang nag yoyosi o nag susuplado sa akin. Ang weird ko diba?
Siguro pag nalaman to ng ibang tao, maaaring isipin nila na nasisiraan na ako ng bait.
Nasisiraan naman talaga ako ng bait eh, sakanya.
"Alam kong ma we weirdohan ka sakin pero pwede ba akong mag kwento?" Sabi ko
Tumingin siya saakin at hindi ako pinansin.
"Okay, silence means YES" sabi ko at umiling siya
"may napag tanto kasi ako kagabi" napatingin nanaman siya ulit sa akin.
"Tinignan ko ang sigarilyo ng nanay ko. Marlboro blue ang pangalan pero unlike sa sigarilyo mo mas magara siyang tignan. Mukhang plain lang kasi yung sigarilyo mo eh" sabi ko
"What's your point?" Suplado niyang tanong
"Wala. Kasi isipin mo, kahit gaano ka gara yung packaging at design pareho naman silang nakakamatay kaya ba— oy!! Sandali!!!"
Hindi ko naipagpatuloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang umalis.
Anong meron sa marlboro blast?